Libro na 80 pesos per kilo mabibili sa Quezon City, pwede ring online!

80 pesos books per kilo! Murang-mura ang mga libro na mabibili sa Quezon City. Tamang-tama ngayong Buwan ng Panitikan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghahanap ka ba ng murang libro para sa iyo at sa iyong chikiting? Usong-uso ngayon ang books per kilo. Mayroon nga nito sa Quezon City at ang maganda pa rito pwede ring makabili online!

Books per kilo sa Quezon City: Makabibili sa halagang 80 pesos!

Tamang-tama at Buwan ng Panitikan ngayong Abril. Open na ulit ang Bookspine Kilo Corner na matatagpuan sa 12-A Quezon Avenue, Quezon City. Malapit ito sa Welcome Rotonda, sa pagitan ng D Tuazon at Kitanlad.

Kung naghahanap ka ng murang libro para sa iyong anak o para na rin sa’yo, makabibili ka rito ng libro sa halagang 80 pesos per kilo.

Larawan mula sa Shutterstock

Narito ang mga dapat malaman tungkol sa books per kilo sa Quezon City

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anong klaseng mga libro?

Mayroon silang fiction, non-fiction, Filipiniana, textbooks, reviewers, college books, children’s books, coffee table books, cookbooks, bestsellers, spiritual books, business books, at iba pa. Ano mang edad ay tiyak na mayroong libro na para sa’yo!

Magkano ang mga libro?

Books per kilo ang bentahan sa BKC. Makabibili ng libro mula 80 hanggang 500 pesos per kilo. Mayroon ding discounted rates para sa mga member ng BKC.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa BookSpine PH

Tuwing kailan ito bukas?

Bukas ang BKC mula Lunes hanggang Huwbes ng alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Tuwing Biyernes naman ay bukas ito ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Samantala, kapag Sabado ay bukas ito ng alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. At tuwing Linggo, alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa step-by-step guide kung paano mamili ng books per kilo sa BKC onsite, maaaring bisitahin ang link na ito: Bookspine Onsite

Pwede ring online!

Hindi lang onsite pwedeng makabili ng libro sa BKC. Kaya kahit hindi ka taga-QC at malayo ang tirahan niyo sa lungsod na ito, pwedeng-pwede pa ring ma-enjoy ang books per kilo ng BKC.

Maaaring bisitahin ang link na ito para sa step-by-step guide kung paano umorder online: Bookspine Online

Kung nais naman magpa-myembro sa BKC para makapag-avail ng kanilang mga discounted promo, maaaring bisitahin ang link na ito para sa registration: Bookspine membership

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommy and daddy, ano pang hinihintay niyo? Murang-mura ang mga libro sa shop na ito. Mahalagang bata pa lamang ang ating mga anak ay natuturuan na natin sila na magkaroon ng interes sa pagbabasa. Makatutulong kasi ito sa kanilang growth and development.

Sinulat ni

Jobelle Macayan