Isa sa mga development at milestones ng mga bata sa kanilang unang taon ay ang language development. Inaabangan ng mga first time parents ang first word ni baby, at ito ay bahagi ng milestones sa kanyang paglaki.
Kaya may mga available story books na para sa bata. Nakakatulong din ito sa mga parents upang gabayan ang baby sa pagdetermine ng mga tunog habang nakiktita ang pictures.
Alam ninyo ba ang benepisyo ng pagbabasa sa anak on a daily basis? Ano nga ba ang naidudulot nito sa language development ng ating anak?
Language development sa unang taon ni baby
Imahe mula sa | pexels.com
Ang speech and language development ng mga sanggol ay nagsisimula mag-develop bago pa man sila tumuntong sa edad na 1 month old. Isa ito sa mga kailangang niyong malaman mommy at daddy.
Natututo na ang baby na mag-respond sa mga boses na pamilyar sa kaniya. Ganon din sa mga tunog sa kanyang paligid.
Pagdating ng 1-6 months old, nariyan naman ang pagsubok na magsalita at mag-create ng mga tunog si baby. Kasama na rin dito ang pagsimula niyang magbanggit ng first word niya.
Kaya, mahalaga rin na sinasabayan ito ng daily basis na pagbabasa sa baby.
Daily basis na pagbabasa sa anak at benepisyo nito
Imahe mula sa | pexels.com
Batay sa nirebyu na research ng Science Daily, ang mga baby na binabasahan ng parents sa daily basis, ay maaaring makatungo agad sa langauge development sa unang taon pa lamang niya.
Dagdag pa sa randomized study na ginawa at nailathala sa American Board of Family Medicine, binigyan ng 20 children’s book na specialized para sa baby ang enrolled parents sa kanilang institusyon.
Ang mga families na enrolled ay nagsagawa ng pagbabasa sa kanilang anak; isang book sa isang araw.
Naging fruitful ang pagsasagawa ng study, at ayon kay Adam M. Franks, M.D., nilalayon nilang mas palawakin pa ang study na ito. Nagpakita ng improvement sa language scores ang mga baby na isinama sa naging case study ng benepisyo ng pagbabasa sa anak.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!