X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Breast milk malaking tulong sa brain development!

3 min read

Hindi na bago sa mga magulang ang mabuting epekto ng breast milk sa mga sanggol. Bukod sa libre, ito rin ay punong-puno ng mga minerals at vitamins na kailangan ng mga baby. At ayon sa isang bagong research, malaking tulong ang maibibigay ng breast milk sa brain development ng mga premature na sanggol.

Ito ay dahil sa mga premature na sanggol, kadalasang mahina ang kanilang brain connectivity. Dahil dito, mas humihina ang kanilang learning at thinking skills sa kanilang pagtanda.

Ngunit ang pagbibigay daw ng breast milk sa mga sanggol ay posibleng makatulong upang patibayin ang brain development ng mga premature na sanggol.

Breast milk, solusyon sa brain development ng mga premature na sanggol

brain development ng mga premature na sanggol

Mahalaga ang breast milk para sa kalusugan ng mga sanggol. | Source: Wikimedia commons

Ang research ay isinagawa sa Edinburgh University sa Scotland kung saan pinag-aralan ng mga researchers ang MRI scan ng 50 premature na sanggol.

Ang ilan sa mga sanggol ay binigyan ng breast milk, at ang iba naman ay binigyan ng formula milk. Natagpuan nila na ang mga sanggol na mas madalas bigyan ng breast milk ay mayroong mas matibay na brain connectivity kumpara sa ibang mga sanggol.

Madalas, mahina ang brain connectivity ng mga premature na sanggol dahil hindi pa tapos ang kanilang brain development nang sila ay ipinanganak. Kaya para sa mga magulang ng premature babies, mahalagang patibayin ang brain connectivity.

Sinusuportahan ng kanilang mga natuklasan kung gaano kahalaga ang breast milk para sa mga sanggol. Ito ay dahil kumpletong pagkain ang breastmilk para sa mga baby. Lahat ng kailangan nila upang lumaking malusog at malakas ay nasa breast milk.

Bukod dito, mayroon ding mga mahahalagang antibodies na matatagpuan sa breast milk. Nakakatulong ang mga antibodies na ito upang tumibay ang immune system ni baby.

Bakit mahalaga ang breastfeeding?

Ang desisyon para mag-breastfeed ay nakasalalay sa ina ng sanggol. Wala naman masama sa mga inang ayaw mag-breastfeed dahil hindi naman ito makakasama kay baby. Hindi madali ang mag-breastfeed, kaya hindi mo rin masisisi ang ibang ina na mas gusto na lang na bigyan ng formula milk ang kanilang anak.

Pero ayon sa maraming eksperto at organisasyon, breastfeeding pa rin ang pinakamainam na paraan upang masigurado ang kalusugan at paglaki ng iyong anak.

Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang breastfeeding:

  • Kumpleto ang breast milk sa mga vitamins, nutrients, antibodies, at kung anu-ano pa na kailangan ng iyong sanggol. Nagbabago din ang komposisyon ng breast milk depende sa pangangailangan ng iyong anak!
  • Nakakatulong ang breast milk para makaiwas ang mga sanggol sa mga sumusunod na kondisyon:
    • UTI, ear infection, at infection sa respiratory system
    • Sakit sa balat
    • Diarrhea, constipation, kabag
    • Asthma
    • Allergies
    • Diabetes
    • Obesity
    • Childhood cancer
    • SIDS
    • Anemia
    • Mga sakit sa puso sa kanilang pagtanda
  • Nakakatulong ang breastfeeding upang mawala ang pregnancy weight ng mga inang kakapanganak pa lang.
  • Nakakaiwas din sa mga sumusunod na sakit ang mga inang nag-breastfeed:
    • Type 2 diabetes
    • Breast cancer
    • Ovarian cancer
    • Anemia
    • Post-partum depression
    • Osteoporosis
  • Pinapatibay din nito ang mother-baby bond, at magandang pagkakataon upang maging secure at safe ang pakiramdam ni baby.
  • Libre ang breastfeeding, at hindi mo kailangan maghanda ng kung anu-ano upang pakainin ang iyong sanggol.

 

Sources: Daily Mail, UPI

Basahin: Pagpapasuso nakakababa raw ng panganib ng stroke!

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Breast milk malaking tulong sa brain development!
Share:
  • Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

    Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

  • Girls' brains develop faster than boys, says study

    Girls' brains develop faster than boys, says study

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

    Brain development ng baby, paano nga ba matutulungan ng mga mommy?

  • Girls' brains develop faster than boys, says study

    Girls' brains develop faster than boys, says study

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.