Buboy Villar malungkot na inihatid sa airport ang bunsong anak na si George pa-Amerika

Buboy may habilin sa anak bago ito tuluyang mawalay sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buboy Villar son na si George malungkot na inihatid ng batang aktor sa airport para magpunta sa Amerika.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Buboy Villar malungkot na inihatid sa airport ang only son nila ni Angillyn Gorens na si George para magpa-Amerika.
  • Love story ni Buboy Villar at Angillyn Gorens.

Buboy Villar to son George going to US: “Papa will gonna miss you. See you soon.”

Sa kaniyang vlog ay ipinakita ng batang aktor na si Buboy Villar ang mga sandali bago mawalay sa kaniya ang bunsong anak niyang si George. Si George ay lumipad pa-Amerika para makasama ang inang si Angillyn Gorens.

“I'm pretty sure na sobrang miss na rin ni Angillyn si George."

Ito ang nasabi ni Buboy sa kaniyang vlog habang naghahanda sa pag-alis ng anak.

Pag-amin ni Buboy malungkot siya na isiping malalayo sa kaniya ang anak. Pero ang sakripisyong ito ay kailangan niyang gawin para masiguro ang magandang kinabukasan nito.

“Ako naman ay malungkot pero ako okay ako basta para sa future ng mga anak ko. I-sasacrifice ko 'yan.”

“Kakayanin para sa ikakaganda ng buhay nila.”

“'Yong pagkamiss ko andyan lang 'yan pero mas maganda i-secure natin yung future nila. At special thanks sa lolo at lola di ba?”

Ito ang sabi pa ni Buboy habang tumitingin-tingin sa anak na si George.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Buboy, isang buwan lang naman daw magtatagal si George sa Amerika. Kailangan niya itong gawin dahil bilang isang US citizen ay kailangan niya ng appearance sa bansa kahit isang beses lang sa isang taon.

“Mabilis lang naman si George dun, mga isang buwan. Kaya kailangan niya pumunta dun kasi kailangan niya ng appearance.

Kasi nga U.S. Citizen si George. Although, ganun talaga, nakakalungkot. Pero kailangan natin tibayan yung puso't isipan natin.”

Si Buboy baka mawalay sa anak ay may ilang habilin dito habang patuloy na yinayakap-yakap ito at hinahalik-halikan.

“Papa will gonna miss you. See you soon.”

"You hug Ate Vlanz for me, ha, and kiss Ate Vlanz for me. Okay? You're gonna play with mama, and mamita and then, Vlanz. Ate Vlanz is so excited for you to go there to America. Kung puwede lang ako sumama George e kaso hindi.”

Ito ang malungkot na sabi ni Buboy sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Buboy Villar's Facebook account

Si Buboy habang tinitingnan ang anak na papalayo ay makikitang lungkot na lungkot ang mga mata. Mahahalatang pinipigil nito ang maiyak kahit pag-amin niya ay gusto ng tumulo ng luha niya na. Pero ito ay pinipigil niya para hindi makita ng anak na si George.

"Ayoko rin naman na umiyak sa harap ng anak ko kasi siyempre baka umiyak din si George. Siyempre alam ni George na lagi lang ako tawa nang tawa. Laro lang kami nang laro. Pero laban lang tayo.”

Ito ang sabi ni Buboy ng tuluyan ng mawalay sa anak.

BASAHIN:

Buboy Villar, naging emosyunal nang ihatid ang anak papuntang Amerika

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Regine Tolentino sa pag-breastfeed sa anak hanggang mag-2 years old ito: “I am happy I made it past this mark.”

Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”

Love story ni Buboy Villar at Angillyn Gorens

Image from Buboy Villar's Facebook account

Unang nagkasama at nagkakilala si Buboy at Angillyn sa isang teleserye. Doon ay nagsisimula palang si Angillyn sa pag-aartista. Naging magkaibigan sila at nagkahulugan ng loob.

"Love at first sight ang nangyari. Corny pakinggan, ang baduy pakinggan, pero naniniwala ako doon kasi nangyari mismo sa akin iyon na parang nag-blur lahat.

Sa kanya lang naka-focus. Tumingin ako sa kanya. Tapos iyong kapatid naman niya, kilala ko naman dati pa."

Ito ang pagkukuwento ni Buboy sa programang Kapuso Mo Jessica Soho kung saan itinampok ang love story nila ni Angillyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula ng araw na nagkakilala sila ay agad na kinuha ni Buboy ang number ni Angillyn at niligawan ito. Kuwento naman ni Angillyn pag-aakala niya ay hindi siya ang type ni Buboy noon kung hindi ang kapatid niya. Pero si Buboy naging mabilis ang kilos at pinormahan agad si Angillyn.

“Ayoko na patagalin ito. Ang ganda-ganda ng babae na iyon. Sa dami ba naman ng guwapo sa mundo, oo aaminin ko, hindi ako guwapo. Pero sasabihin ko sa iyo, iyong pagmamahal ko sa iyo, iba. Hindi mahihigitan iyon."

Ito ang sabi ni Buboy habang binabalikan ang pagmamahalan nila ni Angillyn.

Image from Buboy Villar's Facebook account

Taong 2015 ng maging magkasintahan si Angillyn at Buboy. Makalipas ang dalawang taon ay isinilang ni Angillyn ang panganay nilang anak na babae at pinangalanan nilang si Vlanz Karollyn.

Taong 2019 naman ng ipanganak ni Angillyn ang pangalawang anak nila ni Buboy na isang lalaki. Ito ay pinangalanan nilang si George Michael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makalipas ang isang taon, 2020, ay naghiwalay sina Buboy at Angillyn. Ang dahilan ng paghihiwalay ay itinago nilang dalawa. Bagamat ayon sa kanila ay nanatili silang magkaibigan para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

GMA