Bugoy Cariño and EJ Laure ipinakilala na ang kanilang baby

Bugoy Cariño and EJ Laure ipinakilala na ang kanilang baby

Matapos ang dalawang-taong pagtatanggi, EJ at Bugoy proud na ipinakita sa publiko ang kanilang baby.

Baby Name Generator

Gender

Letter

Category

Country

Results

No Results

Bugoy Carino and EJ Laure, ipinakilala na sa publiko ang kanilang baby for the first time. Netizens may iba’t-ibang reaksyon sa rebelasyon na ito.

Bugoy Carino and EJ Laure

Image screenshot from EJ Laure’s IG video

Bugoy Carino and EJ Laure baby

Sa unang pagkakataon ay ipinakita na nila Bugoy Carino and EJ Laure, ang kanilang anak na pinangalanan nilang Scarlet. Ang pagpapakilala ng kanilang anak ay hindi deretsahang ginawa nina Bugoy at EJ. Ngunit sa pamamagitan ng social media post na unang ginawa ni Bugoy bilang pagbati sa kaniyang sarili sa 18th birthday nito.

Bugoy 18th birthday

Sa kaniyang Facebook post ay makikitang nakangiti sina Bugoy at EJ. Si EJ ay may hawak-hawak na cake, habang si Bugoy naman ay karga ang isang batang babae na sinasabing anak nilang dalawa. Ito ay dahil sa caption ng kaniyang post ay nagpasalamat si Bugoy sa unending support ng dalawa na tinawag niyang Mommy EJ at Baby Scarlet.

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!

Ito ang caption ng larawang ipinost ni Bugoy kasama si EJ at Baby Scarlet.

Samantala, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account ay binati rin ni EJ si Bugoy sa kaniyang kaarawan.

EJ Laure’s birthday message to Bugoy

Sa naturang post ay tinawag ni EJ na “Mahal” at “Daddy” si Bugoy. At nagpasalamat sa ginagawa nito para sa kanila ni Baby Scarlet. Dito mas tumibay ang konklusyon na anak nga ng dalawa si Baby Scarlet. Dahil kalakip ng pagbati ni EJ ay ang slideshow ng mga larawan nilang dalawa ni Bugoy kasama ang kanilang baby mula ng ito ay ipinanganak habang sa ito ay lumalaki.

“Happy birthday, Mahal 🥰  thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino! We love you so much, daddy!”

Ito ang caption ng ginawang pagbati ni EJ kay Bugoy sa kaniyang Instagram account.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Happy birthday, Mahal 🥰 thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino! We love you so much, daddy! 💖

A post shared by Ennajie Laure (@ennajielaure) on

Bugoy Carino and EJ Laure relationship issues

Bugoy Cariño and EJ Laure ipinakilala na ang kanilang baby

Image from Starmometer

Matatandaang nitong 2018 ay tahasang itinanggi ni EJ Laure na siya ay nagdadalang-tao. Ito ay kasunod ng biglang pagkawala nito sa UAAP Season 80. Ayon noon kay Laure, siya ay nawala at nagpapahinga dahil sa shoulder injury na kaniyang natamo.

“Hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila. Pero nasa kanila na lang ‘yun, kung ano ang gusto nilang sabihin. Kasi siyempre, tao din naman sila, may sarili silang opinion.”

Ito ang pahayag noon ni EJ sa isang panayam.

Ang pahayag na ito noon ni EJ ay sinuportahan pa ng kaniyang coach noon na si UST head coach Kungfu Reyes. Ito ang nasabi ni Reyes noon.

“Ang dahilan ng hindi nya pagsali ay yung injury niya sa kanang balikat. Ang gamit nilang term dun ay ‘chronic shoulder injury’ kasi matagal ng injury yun na bumalik lang.”

Pagtanggi sa tsismis na sila ay may anak na

Bugoy Carino and EJ Laure

Image screenshot from EJ Laure’s IG video

Habang si Bugoy naman nitong November 2019 ay dineny rin ang tsismis tungkol sa may anak na sila ni EJ.

“Nakikita ko kasi sa mga pictures na ginagawa nila, sa YouTube, may mga video, natatawa lang po ako kasi hindi po talaga. Hindi ko po baby yun. Bakit ko naman po idi-deny? Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media.”

Ito ang pahayag noon ni Bugoy sa isang press conference nang matanong tungkol sa kaniyang anak.

Sa ngayon ay pinatunayan ni EJ at Bugoy na totoo noon ang tsismis. Pero magkaganoon man ay isa silang masayang pamilya at mabuting magulang para sa anak nila.

Si EJ ay nakilala bilang UAAP Season 77 Rookie of the Year at former captain ng UST Golden Tigresses volleyball team. Habang si Bugoy naman ay nakikila sa galing nitong sumayaw at bilang isa sa regular cast ng kiddie show noon sa ABS-CBN na Goin Bulilit.

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga nasabing post na ito ni EJ at Bugoy ay nag-trending sa social media. Ito ay dahil may iba’t-ibang reaksyon ang mga netizens sa pag-amin nilang ito.

May ilang nagsabi na isang malaking paglabag sa batas daw ang ginawa ni EJ. Dahil kung bibilangin ang mga taon ay 16 years old palang si Bugoy ng mabuntis ito. Habang si EJ naman ay nasa 21-anyos na nang magdalang-tao.

May isang netizen naman ang nagsabi na dapat tigilan na ang pag-roromanticize ng relasyon nina Bugoy at EJ. Dahil ang ginawa daw nila ay maling halimbawa para sa mga kabataan ngayon.

Bugoy Cariño and EJ Laure ipinakilala na ang kanilang baby

Image screenshot from Twitter

Pero sa kabila ng mga negatibong reaksyon na ito, ay may mga natuwa naman sa rebelasyon ng happy family nila Bugoy Carino and EJ Laure.

May humanga pa nga sa katapangan na kanilang ginawa. At sinabing sa wakas ay makakalipad ng muli ng mataas si Phoenix na tumutukoy kay EJ.

“Salamat sa pagiging matapang. For sure makakalipad ka na ulit ng mataas Phoenix 💛 Mukhang nag mana si Scarlet kay Ej. i-train na po yan. Char 💛”

Legal implications dahil sa edad?

Mayroon nga bang kaso kapag nabuntis ng menor de edad na lalaki ang isang babae na of legal age na?

Kumonsulta kami sa isang abugado tungkol dito. Base sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, paliwanag niya, “Maaaring magkaroon ng kasong child abuse kung magreklamo ang batang lalaki na sexually abused siya ng babae. Puwede siyang mag-file. Pero kung hindi naman sexually abused ang lalaki, lalo na’t nasa relasyon sila, walang kaso.”

Kung nanaisin ng magulang, maaari rin daw itong mag-file ng complaint in behalf ng batang lalaki kung sa tingin nila na mayroong sexual abuse na nangyari. Ngunit kinakailangan ang kooperasyon ng menor de edad na lalaki para maging witness para dito.

 

Source:

ABS-CBN News, The Philippine Star

BASAHIN:

Edad na legal na puwedeng makipagtalik, nais gawing 18 anyos

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner