Kilalang child star actor noon na si Bugoy Cariño nag-kuwento tungkol sa karanasan niya bilang isang batang ama sa baby niyang si Scarlet.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paano nabago ang isip noon ni Bugoy Cariño na huwag ipalaglag ang baby nila ni EJ Laure
- Karanasan ni Bugoy Cariño bilang isang batang ama.
Bugoy Carino umaming naisip na ipalaglag noong una ang baby nila ni EJ Laure
Ginulat ni Bugoy Cariño ang kaniyang mga fans ng kasabay ng kaniyang 18th birthday noong 2020 ay ini-reveal ng aktor na siya ay isang ganap ng ama. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga tao lalo pa’t ang ina ng anak ni Bugoy ay ang kilalang volleyball player na si EJ Laure na limang taon ang tanda sa kaniya. Pero hindi ito pinakinggan ni Bugoy at EJ, at sa ngayon ay patuloy nilang tinataguyod ang masaya nilang pamilya na magkasama.
Sa isang panayam sa kaniya ng kilalang broadcaster na si Karen Davila ay ibinahagi ng aktor na si Bugoy Cariño ang bagong niyang buhay sa ngayon bilang batang ama. Dito rin ibinahagi ng aktor ang naramdaman niya ng malamang siya ay magiging tatay na.
Kuwento ni Bugoy, 16-anyos siya noon ng malaman niyang buntis si EJ. Agad nga daw siyang nakaramdam ng takot. Pag-amin pa niya ay naisipan niyang ipalaglag nalang ang baby. Lalo pa’t noong panahong iyon ay papataas ng pataas na ang career niya.
“Una po talaga, ang desisyon namin is ipalaglag na lang ‘yong baby. Kasi parang bata pa po ako nun e. Hindi ko po alam na parang buhay pala yung mawawala ‘pag pinaglaglag mo or something. Sabi ko sa sarili ko, ‘O, sige, para lang mabalik ‘yung career ko. Alang-alang nalang sa family ko. Para mabalik yung mga shows na binigay sakin. Sabi ko, ‘Sige, ‘ipalaglag na lang.'”
Ito daw ang inisyal ng desisyon ni Bugoy noon. Pero dahil sa hindi niya pa talaga alam noon ang tunay na nangyayari, nagbasa-basa siya at doon unti-unting nabago ang isip niya.
Paano nabago ang isip noon ni Bugoy Cariño na huwag ipalaglag ang baby nila ni EJ Laure
“Mga one week po nakapag-isip-isip ako, kasi nagsi-search po ako sa cellphone kung ano ba mangyayari kapag ipalaglag. Anong mangyayari sa baby. Kung buhay ba talaga siya sa loob ng tiyan na ganun pa lang kalaki. Sinearch ko po yun.”
“Nakapagisip-isip ako na, ‘Kapag pinalaglag ko pala ito, ito ‘yong isa sa pinaka malaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Bugoy.
Dagdag pa niya naging malaking impluwensiya rin daw ang kaniyang ama para tuluyang magbago ang isip niya. Dahil din daw dito ay mas lumakas ang loob niya na harapin ang kaniyang bagong responsibilidad.
“Para sa akin po, iba pag nagsasalita ‘yong tatay lalo na para sa bunsong anak. Sabi niya sakin noon, ‘Bunso, pag yan pinalaglag mo ‘yang bata, wag mo na akong tawaging tatay. Kapag pinalaglag mo yan, hindi ka tunay na lalaki… Kalimutan mo na tatay mo ako’.”
Ito daw ang tanda ni Bugoy na sinabi sa kaniya ng tatay niya nang ipaalam niya dito na nabuntis niya si EJ.
BASAHIN:
Bugoy Cariño defends EJ Laure: “Mas masarap mahalin ‘yong madiskarte at hindi maarte”
Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak
LOOK: Marc Pingris reveals Danica Sotto is pregnant with their 3rd baby!
Karanasan ni Bugoy bilang isang batang ama
Pagkukuwento pa ni Bugoy hindi naging madali ang fatherhood journey niya. Pagsasalarawan pa nga niya ay “unfair” sapagkat hindi niya naranasan na masamahan si EJ sa mga prenatal check-ups nito noon kahit na pati sa panganganak niya. Dahil si Bugoy kailangang magtago para hindi ma-isyu o hindi na mapag-usapan pa ang pagbubuntis ni EJ.
“Pinakamasakit na part sa akin sa pagiging tatay, kunyare kapag check-up si EJ, ‘pag tatay ka kasama ka, iche-check mo yung heartbeat, ‘yung baby, iche-check mo itsura niya, ‘yon ang hindi ko nagawa.”
“Kapag nanunood ako sa Facebook ng mga video ng tatay na kasama nila yung asawa nilang manganganak, na magpapacheckup doon ako nalulungkot. Sabi ko, ganoon pala talaga ano. Ag unfair kasi hindi ako makasama dahil bawal akong makita sa ospital.”
Ito ang pag-alala ni Bugoy sa naging pagbubuntis ni EJ noon.
Kuwento pa nga ni Bugoy, dahil sa nawalan siya ng trabaho at raket noon ay nag-offer noong una ang volleyball team ni EJ na sila ang magbabayad sa panganganak nito. Pero noong nalaman ito ni Bugoy ay pinigilan niya. Dahil sa ito daw ay responsibilidad niya bilang ama.
“Ako po dapat ang gagawa ng way para makabayad kami. Sabi ko ako ‘yong tatay, lalaki ako. Dapat ako yung magbabayad hindi pupuwedeng yung ibang tao. Kasi ako gumawa niyan dapat ako rin magpapakahirap sa bayaran.”
Ngunit, kuwento pa ni Bugoy, lahat ng lungkot, takot at pag-alala umano noong mabuntis si EJ ay nawala ng ipinanganak na ang kaniyang baby na si Scarlet. Napaluhod nga daw siya tuwa ng makita ito sa unang pagkakataon.
“Ok na ako parang panibagong buhay na. Lahat ng negative wala na sa akin. Sobrang saya ko talaga”, sabi pa ni Bugoy.
Ngayon daw ay tatlong taon na si Scarlet at hindi siya nagsisisi sa naging desisyon niya na panindigan ang pagiging isang ama niya.
“Ang sarap pala kapag inuuna mo ‘yong family mo, ‘yong baby mo. Lahat ng nawala sa akin, trabaho, raket, opportunities noon, nung nilabas si Scarlet bumalik. Sobra pa.”
Ito ang masayang pagkukuwento pa ni Bugoy na isang proud na batang ama.