Top 5 things na nami-miss ng TAP moms mula sa kanilang dalaga days

Nami-miss mo rin ba ang iyong dalaga days? Tara! Kwentuhan tayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Motherhood is a forever love story. Pero minsan, hindi natin maiwasang balikan ang dating buhay natin bago maging nanay at asawa.

Kaya ngayon, magkwentuhan tayo, mommy! Anu-ano ba ang memories mo noong ikaw ay dalaga pa na nami-miss mo at gusto mong balikan? Narito ang sagot ng ilan nating TAP moms!

Buhay bago maging nanay

Naalala mo pa ba ang mga late night chikahan niyo ng best friend mo dati? Ang out-of-town gimik kasama ang barkada? Ang hindi consistent Sunday date kasama si partner? Ilan lamang ito sa mga masasayang alaala noong dalaga ka pa lamang.

BASAHIN:

Ellen Adarna to basher: “Dalaga or not, people need a break.”

Nagdadalaga-Nagbibinata: Paano nga ba magpalaki ng tweens sa panahon ngayon?

3rd chances sa relationship: “Once is enough, two is too much, and three?

Ngayong ganap ka nang nanay, maaaring minsan mo na lang itong nagagawa o kaya naman wala ka na talagang oras sa ganitong usapin.

Oo, mahirap ipaliwanag ang sayang dulot ng pagiging ina. Ngunit may pagkakataon talaga na mapapalingon ka sa dati mong buhay at saka maaalala ang buhay mo noong dalaga ka pa.

Kung sumagi sa isip mo ito, don’t feel bad, mommy. Normal ito at wala dapat na ikabahala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit ano nga ba ang mga nami-miss na gawain o memories ng mga nanay noong dalaga pa sila? Nagtanong kami sa theAsianparent Community sa usaping ito. Siguradong makaka-relate ka sa kanilang mga naging sagot!

5 things na nami-miss ng TAP moms sa kanilang buhay bago maging nanay

Buhay bago maging nanay | Photo by Eva Darron on Unsplash

1. Buhay bago maging nanay: Travel to the max!

Majority ng ating TAP moms ang sumagot na isa sa nami-miss nila noong dalaga pa sila ay ang malayang paglabas o pag-travel na walang iniisip.

“‘Yong sarili ko lang iniintindi ko at mamasyal kasama mga kaibigan.” “Go with the flow with barkada at kung saan saan napapadpad. Chill nights and road trips.” “‘Yong umaalis ako magisa para mag unwind. ngayon kasi ‘di na magawa since ayoko nawawala sa paningin ko mga anak ko.” “Yong pwede ako umalis nang walang inaalala. Nakakapunta ako kahit saan. Pero ngayon. ‘Di na kasi konting minuto lang na ‘di nakikita anak ko, namimiss ko agad siya.”

Ganito ka rin ba, mommy? Ngayon kasi, kailangan nang matinding pagpaplano kung sakaling lalabas at siyempre, kailangang kasama si baby together with hubby! Kapag ikaw ay isang nanay na, likas na sa’tin na isama sa plano ang ating mga anak at asawa.

2. Me Time

Shopping, manicure-pedicure, manood ng sine, at magpamasahe. Paborito mo rin ba itong gawain dati? Aminado ang ating moms na hindi na nila laging nagagawa ang ‘Me Time’ na ito dahil mas pinipili nilang alagaan o asikasuhin ang kanilang little one.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I can spend all my Salary sa gala, kain, shopping. Now, gamit ni baby at gastos sa application ni hubby.” “‘Yong sarili ko lang iniintindi ko. Every 2 weeks mani at pedi tapos every 6 months rebond. May whole body massage pa at spa. Tapos kapag naisipan kong kumain sa labas kahit ako lang go agad.” “Mag-work at gumala sa mall mag-isa, window shopping ba pang-alis ng stress sa work.” “Nami-miss kong magsuot ng mga sexy na damit at namimiss kong mag gala kung saan-saan.”

Nami-miss man ang buhay dati, hindi ibig sabihin ito’y hindi kana grateful kung anong mayroon ka ngayon. Magkaibang kasiyahan ang nararamdaman ng bawat nanay noon at ngayong pumasok na sila sa motherhood journey.

Buhay bago maging nanay | Image from iStock

3. Pagiging free

Sabi nga nila, “Not all heroes wear capes.” Minsan kasi nasa kusina sila at nagluluto ng masarap na tanghalian o kaya naman kasama si baby sa kwarto habang nagbabasa ng bedtime story. Oo, ikaw ‘yun—si Super Mom! Pero paniguradong nami-miss mo ang pagiging ‘free’ mo noong dalaga ka.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Siguro ‘yong pagiging free ko. ‘Yung enjoy enjoy ka lang. Having fun. Iba na talaga kapag magiging momsh na eh. Pero I’m so excited sa new journey ko.” ”Yong kahit saan ko gustong pumunta, napupuntahan ko na walang ibang iniisip kundi sarili ko lang at ‘yong mabilis magdesisyon sa mga bagay-bagay. Ngayon kasi nakabase lahat ng desisyon natin sa anak o pamilya natin.” “Realtalk, namimiss ko ‘yong paggala at happy-happy na wala kang iisipin o kakamustahin… ‘yong ‘di ka magwo-worry kasi ngayong may anak na ako, kahit pinapayagang umalis, kahit saan pa ko pumunta, ‘yong isip ko nasa anak ko pa rin.”

Kadalasan, ang nagiging free time na lang ni mommy ay sa gabi kung kailan tulog na ang kanilang mga anak o kaya naman kapag si daddy ang in-charge kay baby.

4. Buhay bago maging nanay: Mahabang oras na sleep!

Ilang oras ang naging tulog mo kahapon? Sapat ba o sobra? Ilan sa ating TAP moms ay sinasabing isa sa mga nami-miss nilang gawain noong sila ay dalaga pa ay ang pagkakaroon ng mahabang oras nang pagtulog.

“‘Yong matutulog ka hanggang gusto mo at saka gala hanggang gusto mo rin.” “Kapag nakakatulog ako hanggang tanghali or lagpas 12 hrs.” “‘Yong pagtulog kung kailan gusto oras mong gumising.”

Mula paggising sa umaga para maglinis, pagdating ng tanghali para naman paliguan ang anak, hanggang sa gabi kung saan magluluto naman hapunan. Ganito rin ba ang life cycle mo, mommy?

Hanga kami sa dedikasyon mo! Pero don’t be too hard on yourself, kailangan mo nang sapat na pahinga at tulog para may energy ka everyday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhay bago maging nanay | Photo by Gabrielle Henderson on Unsplash

5. “Walang bawal.”

Para magkaroon ng healthy at safe pregnancy, maraming ‘bawal’ na dapat tandaan ang ating mga mommy kapag sila ay buntis. Nandiyan ang mga pagkain na dapat iwasan o kaya naman bawal na activities. Mahirap man itong gawain dahil disiplina at consistency ang dapat tandaan, tandaan na para ito kay baby!

Bukod sa limang ito, marami pang mga memories ang paniguradong nami-miss ng ating TAP moms sa kanilang pagkadalaga. Kung sakaling naiisip mo rin ito, don’t feel bad, mommy! Masayang balikan ang mga alaala bago ka magkapamilya. Ngunit para sa atin, kakaibang saya at pagmamahal ang nararamdaman ng isang nanay.

Posible pa ba ang “Me Time” kapag may asawa at anak na?

Yes naman mommy! Kahit may asawa at anak na ay mahalaga pa rin na nakapaglalaan tayo ng oras sa ating sarili. Hindi man kasing dalas noong tayo ay dalaga pa pero ang importante ay kahit paminsan-minsan ay mabigyan pa rin natin ng oras ang sarili.

Paano mabigyan ng oras ang sarili kahit may anak na?

Paglalaan ng oras para sa sarili habang pinapangalagaan ang mga anak ay isang malaking hamon, pero may mga paraan para magawa ito nang maayos. Narito ang ilang tips:

Magtakda ng schedule

Magplano ng isang regular na oras araw-araw o linggo-linggo para sa sarili. Maaari itong sa umaga bago magising ang mga bata, o sa gabi pagkatapos nilang matulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Humingi ng tulong

Maaaring kausapin ang asawa, pamilya, o mga kaibigan at humingi ng tulong sa mga ito. Ang pag-share ng responsibility sa iba ay makakatulong upang magkaroon ng oras para sa sarili.

Turuan ang mga anak na maging independent

Habang lumalaki ang mga anak, turuan sila ng mga gawain na kaya nilang gawin mag-isa. Ang simple tasks tulad ng pag-aayos ng kanilang mga laruan o pagbibihis ay makakapagbigay sa iyo ng ilang minuto para sa sarili.

Sumali sa support groups

Sumali sa mga grupo ng mga ina na may parehong sitwasyon. Maaaring magbigay ito ng suporta at inspirasyon sa pag-manage ng oras para sa sarili.

Pumili ng quality time

Kahit maikli lang ang oras, gawing makabuluhan ito. Magmeditate, magbasa, o mag-ehersisyo. Ang quality ng oras na inilaan mo para sa sarili ay mas mahalaga kaysa sa dami ng oras.

Gumawa ng aktibidades na kasama ang mga bata

Kung hindi maiiwasan na kasama ang mga bata, isama sila sa iyong mga aktibidad na nakakapagbigay sa iyo ng kasiyahan. Halimbawa, mag-yoga kasama sila o mag-painting session na kasama sila.

Pumili ng simpleng libangan

Piliin ang mga libangan na hindi nangangailangan ng mahabang oras at puwedeng gawin kahit nasa bahay, tulad ng pagbabasa, pagsusulat, o crafting.

Iwasan ang pagiging perfectionist

Huwag asahan na magiging perpekto ang lahat ng bagay. Mas okay na magkaroon ng oras para sa sarili kahit na hindi perpekto ang pagkakaayos ng bahay o ibang mga gawain.

Sa pamamagitan ng mga tips na ito, maaaring makahanap ng balanse ang isang ina sa pagitan ng pag-aalaga sa mga anak at paglalaan ng oras para sa sarili.

Tandaan na mahalaga rin ang sarili mong kalusugan at kasiyahan. Huwag mag-guilty sa paglaan ng oras para sa sarili dahil mas magiging epektibong magulang ka kung ikaw ay well-rested at masaya.

Sinulat ni

Mach Marciano