Napakaraming pressure para sa kabataan ngayon, higit sa kahit anong panahon. Kahit ang mga pinaka-confident na kabataan, ay hindi pa rin maaalis ang pagiging self-conscious, at ang makaramdam ng pagiging “iba” kaysa karamihan.
Insecurities man o self-doubt, lahat ng mga pre-adolescents ay nag-aalala sa kung ano ang itsura niya, anong dapat ikilos para hindi pagtawanan, paano magdamit, at kahit pa mga choices pagdating sa musika o kung anu-ano pa. Para bang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila—yan ang pakiramdam lagi ng mga nagbibinata o nagdadalaga.
Ang mga tweens na tinatawag ay iyong mga kabataan na nasa “in-between” o gitna ng
pagiging bata at pagiging teenager, o nasa gitna ng edad na 9 at 12 taong gulang. Hindi na bata, pero hindi pa rin matatawag na teenager, kaya’t mas nakakalito pa lalo ang pakiramdam.
Nariyan ang pakiramdam na walang buong tiwala sa sarili, palaging nagdududa kung kaya bang gawin ang isang bagay o hindi, palaging tinatanong kung maganda ba, o tatanggapin kaya ng mga kaibigan o kaklase, o tama ba o mali ang ginawa.
Kung anu-ano pa ang gagawin makuha lang ang pinakamagandang damit, gamit, style ng buhok, para makuha ang papuri at approval ng nakararami.
May mga pag-aaral na nagsasabing ang kabataan ngayon, babae man o lalaki, ay nagsisimulang mawalan ng tiwala at hindi nakukuntento sa sarili nila—kahit ano pa ang gawin.
Tween Facts
Ang pre-adolescence ay ang panahon kung saan ang mga bata ay animo’y hinahayaan ang sarili na mapintasan o mapuna ng nakapaligid sa kaniya, kahit gaano kasakit. Ito kasi ang onset ng puberty kung kailan napakaraming pagbabago ang nakikita at nararamdaman sa pisikal at emosyonal na aspeto ng sarili, at palaging “awkward” ang tingin at pakiramdam sa sarili.
Minsan pa, parang wala nang pakialam sa grades sa eskwela, o kahit ano pa—at puro pisikal na katangian lang ang tinututukan.
Ang resulta: low self-esteem at increased risk ng psychiatric disorders, tulad ng eating disorders.
Sa 1997 Psychology Today Body Image Survey ng 4,000 kalalakihan a kababaihan, nakakapag-alala ang pananaw at attitude ng mga kabataan ngayon tungkol sa kanilang body image.
Higit sa 50% na kababaihan ang nagsasabing hindi sila kuntento sa sarili nila, pagdating sa pisikal na aspeto. at halos 90% ang may gustong magbawas ng timbang. 54% ng mga batang babae, edad 13 hanggang 19 taon, at 41% ng batang lalaki, sa parehong edad ay hindi kuntento sa kanilang pisikal na katangian o body image.
Karamihan sa mga batang 8 hanggang 12 taong gulang ay nagmamadaling maging dalaga o binata, at makikita ito sa pananamit, pananalita at pagkilos nila.
Karamihan sa mga batang 8 hanggang 12 taong gulang ay nagmamadaling maging dalaga o binata, at makikita ito sa pananamit, pananalita at pagkilos nila. Umaasta silang parang mga teenager na.
Tumingin ka sa mga fashion magazines, advertisements, o sa mga tinitindang damit at sapatos sa department stores—ang mga istilo ng mga damit at sapatos na pambata ay parang pinaliit lang na size ng mga istilong pang-dalaga at binata na. May mga laruang make-up pa nga na tinitinda para sa mga 5 hanggang 8 taong gulang.
Mula edad 10 taon, ang mga batang babae ay hindi na kuntento sa hugis ng katawan, buhok, at kulay ng balat, kaya’t nakakaapekto sa self-esteem nila. Nakakapagpalala pa dito ang imahe ng mga babae na nakikita sa TV, pelikula, ads, magazines, diyaryo, at kung saan saan pa. Ang tanging aspiration ay ang maging maganda at “sexy”, at attractive sa iba. Ito ang sinsabing distorted na social, media, at cultural expectations.
May mga health risks kapag bumagsak ang self-esteem ng isang tween. Kasama na dito ang eating habits at depression.
May mga health risks kapag bumagsak ang self-esteem ng isang tween. Kasama na dito ang eating habits at depression.
Sa edad 15, ang mga batang babae ay mas prine sa depression kaysa sa mga batang lalaki.
Ang mga batang babae ng henerasyong ito, edad 10 hanggang 12 (tweens) ay humaharap na sa mga problemang pang-teenager pa dapat, tulad ng dating at sex.
Paano natin matutulungan ang mga anak nating tweens?
Alalayan ang self-esteem nila. Ang self-esteem o pagtingin sa sarili ng may pagpapahalaga ay importante lalo na sa edad na ito. Ito ang simula ng confidence, tapang, lakas ng loob, mapanuring pag-iisip, at nagtuturo din ng self-respect. Iwasan ang pangungutya, pamumuna, lalo na ang pangungutya ng labis.
Tingnan at pansinin ang mga magagandang bagay, at mga kayang gawin ng maayos, hindi ang mga kahinaan, lalo sa eskwelahan. Masyado nang maraming kritiko sa buhay niya (mga kaibigan, minsan pati mga guro).
Tandaan, ang iyong anak ay dumadaan sa napakaraming pagbabago—emosyonal at pisikal. Kung sa tingin ay kailangan ngang magbawas ng timbang at maalis ang mga baby fats, halimbawa, samahan siyang tumakbo o mag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain, nang hindi ito ipinapamukha pa sa kaniya.
Iwasan ang mga stereotypes. Bigyan ang anak ng mga gawaing pambahay ng hindi tinitingnan kung pamababae o panlalaki. Walang gender bias, ika nga. Babae man o lalaki, patulungin na magkumpuni ng sasakyan, o maglaba at magplantsa, o mag-carpentry. Ituro sa mga pre-teens na lahat tayo ay unique, at hindi dapat tumitingin sa stereotypes.
Huwag pahalagahan ang itsura o pisikal na katangian. Ang mahalaga ay ang kabutihan ng puso at respeto sa kapwa at sarili. Cliché, pero totoo. Iwasan ang mga punang tulad ng “Ang ganda naman ng batang iyon” o “Uy, tumaba ka” o di kaya’y “Uy, ang laki ng pinayat mo! Ang ganda!” Ito ang mga komentong naririnig ng mga kabataan na sadyang naaalala nila, kaya’t ang napapahalagahan ay puro pisikal, lalo na ang pagiging mataba o mapayat.
Palaging isaisip at ituro na lahat tayo ay dumadaan sa mga pisikal na pagbabado. It’s all part of growing up, hindi ba? Lahat din tayo ay hindi perpekto, kaya’t wala tayong dahilan para pulaan o pintasan ang iba, dahil nakakasakit ng damdamin iyon. Hindi rin dapat maging mababa ang tingin sa sarili, dahil lang sa mga pisikal na katangian.
Pag-usapan ang mga bagay tulad ng palaging pagtingin sa pisikal lamang, at hindi sa mga kabutihan o kagandahang asal ng kapwa. Ano nga ba ang pinipilit na pinapaisip o pinapapaniwala sa ating ng lipunan? Kapag may nakitang mali o kapuna-puna sa mga komersiyal sa TV o magazine tungkol sa gender bias o pangungutya sa pisikal na anyo, pag-usapan ito at pakinggan kung ano ang saloobin ng anak tungkol dito.
Kung sa tingin mo ay may dapat ikabahala sa anak na tween:
Kung napapansin na bumababa ang timbang ng anak, ngunit kumakain naman siya ng sapat at masustansiya, walang dapat ikabahala. Pero kung napapansing mapaglihim, obsessive, at hindi komporable o nagi-guilty kapag napaparami ang kain, lalo pa’t bumabagsak ang timbang ng 10% ng body weight niya, kumunsulta sa doktor, counselor o psychologist.
Kung napapalakas din ang kain at nagdadagdag ng timbang na labis sa normal niyang kain o timbang, dapat ding mag-alala. Ang hindi pagkain sa tamang oras o hindi kumakain ng tanghalian o hapunan ng madalas, nagtatago o nagho-hoard ng pagkain (sa kuwarto) at pagsusuka tuwing kakain, ay sintomas ng bulimia.
sources: The 1997 Body Image Survey Results. Psychology Today. Jan-Feb, 1997. Rosenblum, GD & Lewis, M (1999) The relations among body image, physical attractiveness and body mass in adolescence. Child Development. 70, 50-64.
BASAHIN: 11 Senyales na hindi pangkaraniwan ang talino ng anak mo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!