Bawat bata ay espesyal ngunit kung ikaw ay nagtataka kung ang iyong anak ay may natural na potensyal upang manguna o mas matalino kaysa sa karamihan, naniniwala ang mga mananaliksik na mayroong mga senyales upang tulungang tuklasin ito ng mga magulang. Kaya naman, paano mo malalaman kung matalino ang isang baby?
Paano mo malalaman kung matalino ang isang baby?
1. Maganda ang memorya nila
Isang magandang panimula upang alamin kung ang iyong anak ay magiging mas matalino ay sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang kakayahang kabisaduhin ang mga bagay. Ayon sa mga eksperto ng New Kid’s center, “kung ang iyong supling ay nakakaala-ala ng mga nakaraang pangyayari tulad ng mga laruan na naitago o di kaya’y ang mabilis na pagkilala sa mga mukha at lugar, ito’y mga sinyales na ang iyong anak ay pinagpala. Sa katanuyan, ang pagkakaroon ng magandang memorya ay itinuturing kapakipakinabang na kasanayan sa anumang edad.
Subukang siyasatin ang memorya ng iyong anak sa pamamagitan ng memory-based activities o mga palaro.
2. Madalas siyang mukhang nagmumuni-muni
Image from Freepik
Napansin mo na ba na ang iyong anak ay nakatitig ng malalim sa isang bagay o nakatingin sa malayuan? Kung oo, malaki ang posibilidad na siya’y nasa estado ng malalim na paggamit ng kanyang thinking skills. Ayon pa sa The Huffington post, “ang mga mas matatalinong bata ay nagsisimulang bantayan o kilatisin ang mga bagay-bagay sa maagang yugto ng buhay.”
Natural naman na may mga pagkakataong ang iyong anak ay malilito ngunit minsa’y sila ay malalim na nag-iisip at nag-aaral. Ayon kay Dr. Ruf, “Labis silang naiimpluwensiyahan ng kanilang kapaligaran kaya ang mga mas nakakatanda ay nagugulat na lang sa kanilang nalalaman.”
3. May kakayahan siyang gumawa ng konklusyon at gumawa ng informational links
Isipin mo ang iyong kakayahang gumawa ng konklusyon at gumawa ng informational links. Halimbawa kung ika’y nakakita ng isang taong gumagawa ng sandwich. Naiisip mo na sila’y gutom at kakainin nila ito. Walang anuman sa atin ito, hindi ba? Pero sa kanila, ang abilidad nilang gumawa ng konklusyon at gumawa ng inferences sa murang edad ay isang napakalaking indikasyon na sila’y mangunguna sa intelektwal na aspeto habang sila’y tumatanda.
Ayon sa mga eksperto sa “What To Expect When You’re Expecting,” ang kakayahang gumawa ng mga koneksyon o hulaan ang mga aksyon ay isang senyales ng mataas na antas ng katalinuhan. Kaya isaalang-alang na subukin ang iyong mga anak at tulungan silang gumawa ng konklusyon upang pasiglahin ang kanilang utak.
4. Mas gusto nila makisalamuha sa mga mas nakakatanda sa kanila
Ayon sa mga eksperto, kung mas pinipili ng inyong mga anak or mas madali sa kanila ang makisalamuha sa mga mas nakakatanda sa kanila, may posibilidad na lalaki sila nang mas matalino. Base sa panayam kay British Mensa’s gifted child consultant na si Lyn Kendall sa BBC, “mas pinipili ng mga gifted children ang makisalamuha sa mga mas matanda sa kanila.” Mas marami silang natututunan na nakakatulong sa paglago ng kanilang isipan.
5. Magaling makipag-kwentuhan
Image from Freepik
Lalaking mas matalino kumpara sa average ang isang batang may kakayahang makipag-usap o makipagkwentuhan sa murang edad. Paano mo malalaman kung matalino ang isang baby? Ayon sa Davidson Institute, isang education foundation for advanced children, ang maaga at mapanlikhang paggamit ng mga salita ay tipikal na sa likas na matalinong mga bata.
Baka iniisip niyo na madaldal lang talaga ang inyong mga anak, pero kung sila ay maaga at madalas na nakakapagsalita, ito ay senyales na sinusubukan nilang ilabas ang kanilang mga saloobin at linangin ang kanilang mga pag iisip sa mas mabilis na paraan.
6. Hindi madali ang pagtulog
Marahil sa karamihan ito ay isang pagsubok at hindi itinuturing na magandang bagay…pero sa ibang banda, blessing talaga ito. Ang ibig naming sabihin ay maaring mas maganda (at nakakabahala) kung mahirap patulugin ang inyong mga anak. Ito ang good news patungkol sa mga batang may problema sa pagtulog: sinabi ni Dr Ruf sa The Huffington Post na “ ang mga gifted children ay kalimitang poor sleepers dahil sobrang active ang kanilang mga isipin kaya mahirap silang makatulog.”
7. Matatag na personalidad at katapangan
Lahat tayo ay mas gustong makasama at makasalamuha ang isang taong masayahin at may matibay na personalidad. Ibig kong sabihin ay hindi ba bihira lang tayo makakabasa o makarinig ng successful na tao na mahina ang pagkatao?
Sinabi ni Lyn Kendall of Mensa sa BBC na “pag may sense of humor ay marunong makisalamuha sa iba ang inyong mga anak, ito ay palatandaan na sila ay gifted. Ibig sabihin kung masayahin at matibay ang personalidad ng inyong mga anak, pwede sila lumaki na mas espesyal kumapara sa iba.”
8. Ipinapakita at inilalabas nila ang kanilang saloobin
Lahat tayo ay umiiyak, tumatawa, nagtatampo at kung ano pa. Hindi masama kung inilalabas ng inyong mga anak ang kanilang nararamdaman at saloobin. Sinabi ni Dr David Palmer, isang educational psychologist sa Psychology Today na “ang mga gifted children ay mas maramdamin kumpara sa iba, mas isinaalang -alang ang nararamdaman ng iba at mas maawain.”
Kaya kung maramdamin ang inyong mga anak, huwag niyo kalimutan na ito ay mahalaga para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip at hindi lang para sa kanilang emotional development.
9. Masyado silang aktibo
Ayon sa mga eksperto, ang mga gifted children ay mas aktibo kumpara sa iba.
Ayon sa pahayag nina Dr. Hillary Hettinger Steiner at Dr. Martha Carr sa Very Well, ang pangangailangan sa mental at physical stimulation ay isang simbolo ng intelligence.”
Kung malikot ang inyong mga anak, maganda ang chance na meron kang very special little baby!
10. Interesado at mahusay sila sa kanilang hobbies
Kung sa murang edad, ang inyong mga anak ay nagpapakita na ng interest sa isang bagay o gawain, malinaw itong indikasyon na may mas maganda pang mangyayari lalo na kung sila ay talagang mahusay sa kanilang talento!
Ayon sa Baby Center, “marahil ay gifted ang inyong mga anak kung meron sila specific na talento, gaya ng artistic ability or kakayahan sa mga numero.”
11. Gustong-gusto nila ang nagbabasa!
Image from Freepik
Ano ang unang pumasok sa isipan mo pag narinig mo ang salitang “bookworm?”
Kung mahilig magbasa ang inyong mga anak, expect them na sila ay gifted. Paano mo malalaman kung matalino ang isang baby? Ayon sa report ng New York Parenting, ang mga gifted children ay mahilig magbasa bago pa man sila mag-aral and even read for fun.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Santiago Santa Cruz.
Basahin:
Bakit nagiging magkamukha ang matagal nang mag-asawa, ayon sa siyensya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!