Kung kayo ng partner mo ay matagal nang mag-asawa, maaaring may nakapagsabi na sa inyo na halos magkamukha na kayo. Siguro may nakapagsabi na rin sa iyo na maaari kayong mapagkamalang magkapatid, pwedeng ‘cute’ o nakakailang depende kung paano mo ito tignan.
Lumalabas na may mga scientific based explanation sa likod nito.
1. May pagkakahawig na talaga kayong dalawa
Hindi lingid sa ating kaalaman na minsa’y nagiging attracted tayo sa taong kahawig natin, maging ito man ay pisikal o katangiang social tulad ng antas ng pinagaralan o libangan. Ang pangyayaring ito ay tinatawag na ‘assortive mating’ na kung kailan ikaw ay nahuhumaling sa kapareho mo ng pinagaralan, antas ng pamumuhay o ‘yong taong nakaka-relate sa mga hilig at plano mo sa buhay.
Ang mas simpleng level of attraction—ang aspetong pisikal– ay mayroon ding siyentipikong basihan. Ayon sa pag-aaral sa University of Colorado, ang isang tao ay naaakit sa ‘lifetime partners’ na may kapareho nila ng DNA. Ito ay sa kadahilanang gusto nating i-preserve o pagyamanin ang ating sariling genes.
photo: Bianca Gonzalez Instagram
2. Ang Pagbabahagi ng mga karanasan ay nakaaapekto sa pagbabago ng ating itsura
Dahil karamihan sa inyong mga bagong karanasan, mabuti man ito o masama, ay pinagsasaluhan niyo ng iyong ka-partner, ito ay nakaaapekto sa kung paano nagkakaroon ng pagkakahawig ang inyong itsura habang kayo ay tumatanda. Sabay at parehong lumalabas ang inyong ‘frown lines’ at ‘laugh lines’ kapag matagal nang mag-asawa ayon sa pag-aaral tungkol sa ‘facial likeness’ na isinagawa ng isang psychologist na si Robert Zajonc.
Sa isang pag-aaral, ipinares ang mga larawan ng mga lalaki at babae base sa pagkakahalintulad ng kanilang mga mukha ng mga taong hindi nakakakilala sa mga taong nasa larawan. Kamangha-mangha ang mga napagpares na larawan ay mga couples na 25 years nang kasal.
3. Ang level ng iyong kaligayahan ay maaring katumbas ng level ng inyong pagkakahawig
Kahit hindi ito ang intensyon ni Robert Zajonc sa isinagawang pag-aaral tungkol sa ‘facial-mirroring’, lumalabas na ito ay may mas malalim na psychological principle na tinatawag na ‘unconscious mimicry’ na kung saan nasasangkot ang hindi sinasadyang pagkopya ng tono ng boses ng iyong partner, pagtawa o di kaya’s body posture. Ito ay nagbibigay ng pakiramdam na tayo ay mas malapit at nasisiyahan sa ating relasyon.
May mga pag-aaral din na nagpapakita na ang happy marriage o ang pangmatagalang relasyon ay may kaugnayan sa pagkakapareho ng genes.
Ang mga kaibig-ibig na palatandaan na ito ay posibleng dahilan kung bakit tayo at ang ating partner ay halos magkamukha. Ang hindi sinasadyang paggaya sa kanya ay siyang simula ng pagkakahalintulad sa isa’ isa.
Ikaw ba at ng iyong partner ay nasabihan na na kayong dalawa ay magkamukha? Ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pagsusulat ng komento sa ibaba!
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Bianchi Mendoza.
READ: 3 Science-backed reasons why couples in long-term relationships start to look alike
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!