HIV cases in the Philippines dumoble ngayong 2023. Karamihan sa mga bagong biktima mga teenagers na labis na nakakabahala ayon sa Department of Health.
Mababasa dito ang sumusunod:
HIV cases in the Philippines ngayong 2023
Ayon sa Department of Health ay dumoble ang bilang ng mga Pilipinong infected ng HIV o human immunodeficiency virus dito sa Pilipinas. Mula sa naitalang average ng 22 katao araw-araw na naitalang infected sa sakit noong nakaraang taon, ngayong taon ay may 50 Pilipino ang natutuklasang infected ng HIV virus sa bawat araw. Ang mas nakakabahala, 47% sa mga natukoy na infected sa sakit ay edad kinse hanggang 24-anyos.
Paliwanag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, isa sa tinuturong dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit ay ang bagong strain ng virus. Ito daw ay mas nakakahawa o mas nakakapagdulot ng severe infection sa taong makakakuha ng sakit.
Ang nasabing bagong variant ng HIV ay tinatawag na subtype B. Ito daw ay may viral load na apat na beses na mas mataas sa naunang HIV strain. Kaya naman ang DOH ay magsasagawa ng kapat-dapat na interventions at mas pinaigting na health literacy tungkol sa nakakahawang sakit.
Pero bilang magulang, ano ba ang mga hakbang na maari mong gawin para maprotekhan ang iyong anak mula sa nakakahawang sakit?
Paano maproprotektahan ang iyong anak mula sa sakit na HIV
Ang HIV ay nakukuha o maaring maihawa sa dalawang paraan. Una sa pamamagitan ng pagtatalik na maaring sa anal o vaginal sex. Pangalawa, sa paggamit ng parehong karayom na ginamit sa taong infected ng sakit. Ito ay kung magpapatattoo o nag-iinject ng gamot. Dito sa Pilipinas, ang itinuturong nangungunang paraan ng pagkalat ng sakit ay sa pamamagitan ng unprotected sex. Kaya naman para ma-proteksyonan ang iyong anak mula sa sakit ay narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.
-
Kausapin ang iyong anak at paliwanagan siya tungkol sa sakit.
Para maintindihan ng iyong anak ang peligrong dala ng sakit ay mabuting kausapin siya tungkol dito. Ipaliwanag sa kaniya kung paano ito nakakahawa at paano siya makakaiwas dito. Huwag mag-dalawang isip na kausapin ang anak tungkol sa sex lalo na kung para sa ikabubuti niya ito.
-
I-encourage ang iyong anak na mag-practice ng safe sex o mas maigi ay huwag na munang makipagtalik.
Ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik ay hindi lang proteksyon laban sa unplanned pregnancy. Ito rin ay ang isa sa mabisang paraan para makaiwas sa nakakahawang sakit. Hindi man palakuwento ang iyong anak tungkol sa kaniyang love life o sex life mabuti paring payuhan siya. Ito ay para maiwasan niya at malaman ang mga possibleng consequences na dala ng pakikipagtalik.
-
Ipa-test ang iyong anak sa HIV.
Kung sexually active ang iyong anak ay mas mainam na siya ay pasailalimin sa HIV testing. Ito ay para mabigyan agad ng kaukulang lunas ang iyong anak kung siya pala ay infected ng sakit. At kung hindi man ay mabigyan ka ng kapanatagan ng loob at iwas na pag-aalala laban sa kumakalat na sakit. Mabuti rin na paalalahanan siya na huwag ,magkaroon ng multiple sexual partners para sa kaniyang proteksyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!