Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nasa 1.1 milyong tao sa US ang may HIV. Ang mga nasuri na may HIV nuong taong 2017 ay nasa 38,739, mas mababa nang 9% mula 2010 hanggang 2016. Bukod sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo, ang pinakakinikilalang paraan para mapasa ang HIV ay sa pakikipagtalik. Ngunit, kung titignan ang mga bagong pag-aaral, nakakahawa ba ang HIV? Ano ang ibig sabihin kung ang HIV ay ‘undetectable?’
Nakakahawa ba ang HIV?
Si Bruce Richman ay isang abogado na nag-aral sa Harvard. Taong 2003 nang siya ay nasuri na mayroong HIV. Tulad ng karamihan na may sakit na ito, siya ay sumailalim sa antiretroviral therapy. Siyam na taon ang makalipas, siya ay nakakuha ng magandang balita mula sa kanyang duktor.
Taong 2012 nang malaman ni Richman mula sa kanyang duktor na ang kanyang HIV ay undetectable. Ang viral load sa kanyang dugo ay sobrang baba na at hindi ma makita. Ang ibig sabihin nito ay hindi na siya makakahawa ng iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Laking tuwa ni Richman sa kanyang natutunan ngunit nang gumawa ng pagsasaliksik tungkol dito, wala siyang makuhang impormasyon. Wala siyang nakitang impormasyon na magpapa-alam sa publiko na posible ang kanyang kalagayan na hindi nakakahawa ang HIV. Ang impormasyon na ito ay naibibigay lamang sa mga may pribilehiyo at hindi sa lahat ng may HIV.
Dahil sa kanyang natutunan, nais ni Richman na ibahagi ang kaalaman sa mundo. Nakakahawa ba ang HIV? Kapag undetectable na, hindi na ito maipapasa sa pakikipagtalik.
#UequalsU
Sa kagustuhan na makalat ang impormasyon, maraming pinagdadaanan na pagsubok si Richman. Nais niyang baguhin ang pagkakakilala at takot sa mga may HIV. Ngunit, hindi lahat ay pabor sa kanyang ginagawa.
Sa pakikipag-usap sa isang duktor mula Washington, DC, nainis si Richman sa sinabi ng duktor. Kahit pa naniniwala ang nasabing duktor na hindi nakakahawa ang undetectable na HIV, hindi niya ito sinasabi sa mga pasyente. Ang kanyang rason ay ang magiging pagkalat ng iba pang STD, magiging pagtigil ng paggamit ng mga condoms, at pag-tigil sa pagpapagamot. Dahil daw dito, maaaring maging muling detectable ang kanilang HIV.
Ngunit, naniniwala si Richman na kailangan itong malaman ng mundo. Sa tulong ng mga nangungunang mananaliksik ng HIV, binuo niya ang Prevention Access Campaign (PAC) nuong Hulyo, taong 2016. Ang pangunahing layunin ng PAC ay kinilala bilang Undetectable = Untransmittable (#UequalsU). Ito ay awareness campaign sa social media na layuning ikalat ang kaalaman tungkol sa pagiging undetectable ng HIV.
Ang #UequalsU ay isang malaking kumpanya na binabase sa mga pag-aaral at mga scientific evidence. Taong 2017 nang bigyang suporta ng CDC ang mensahe ng PAC.
Nais ni Richman at ng PAC na magbigay alam sa mga tao. Hindi lamang sa publiko ngunit pati narin sa mga may HIV. Ang pagkakaroon ng HIV ay hindi nangangahulugan na wala na ang karapatan na magkaroon ng masaya at masiglang sex life. Hindi dapat katakutan ang sakit na ito at pigilan na magkaroon ng koneksiyon sa ibang tao.
Source: Healthline
Basahin: Sintomas ng HIV: Maagang senyales ng sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!