Sa gitna ng mga viral videos ng basketball muses sa liga, maraming magulang—lalo na ang may mga anak na babae—ang napapaisip: Anong klaseng values ang gusto kong ituro sa anak ko tungkol sa ganda, respeto, at pagkatao? Sa totoo lang, hindi masama ang pagiging muse. Walang mali sa pagiging maganda, maayos manamit, o maging proud sa sarili. Pero kapag ang spotlight ay napupunta sa kilos na “cheaply seductive,” gaya ng sinasabi ng ibang netizens sa ilang viral content, doon na nagkakaroon ng tension.
The Muse Controversy in the Philippines: A Deeper Look
Sa mga nakalipas na linggo, nag-trending ang mga muse performances sa liga—at hindi lang dahil sa ganda, kundi dahil sa kontrobersya. Isang muse ang naging sentro ng usapan matapos mapanood sa video na tila nagpapakita ng seductive gestures sa isang lalaking may girlfriend—na ikinagalit ng ibang manonood at netizens. Marami ang nagsabing na-pahiya at nagalit ang girlfriend ng lalaki, at lumabas ang mas malalim na usapin ng respeto, boundaries, at “girl code.”

Habang may mga nagsasabing expression lang ito ng confidence, marami ring magulang ang hindi natuwa, lalo na sa epekto nito sa kabataang babae na nakakanood online. Hindi lang ito simpleng muse role—ito ay naging example kung paano ang kilos ng isa ay puwedeng maging viral lesson para sa marami.
1. Teach them: Beauty is a blessing, but character is the legacy
Pwede nating purihin ang anak natin sa itsura nila, pero mas mahalaga ang pagkilala sa values nila—kindness, humility, integrity. Sa mundo kung saan ang mga magagandang mukha ay mabilis mag-viral, ipaalala natin sa kanila na ang tunay na kagandahan ay ‘yung hindi nawawala kahit walang filter o palakpakan.
*”Anak, proud ako sa ‘yo hindi lang dahil maganda ka—pero dahil mabuti kang tao.”
2. Talk openly about attention vs. intention
Hindi natin makokontrol kung paano sila titignan ng mundo, pero matutulungan natin silang kilalanin ang intentions ng bawat action nila. Gusto ba nilang sumali sa events para mag-empower, o para lang sa validation?
Pwedeng itanong: “Anak, kung walang magla-like o manonood, gagawin mo pa rin ba ‘yan?”
3. Why Some Girls Seek Attention Through Seduction (A Look at the Psychology)
Ayon sa mga eksperto tulad ni Dr. Jean Twenge (iGen) at Dr. Lindsay Kite (Beauty Redefined), ang kababaihan ngayon ay lumalaki sa kulturang nagsasabing ang halaga nila ay nasa hitsura—at sa kung paano sila “pansinin.”
A 2013 study in Psychology of Women Quarterly showed that girls who sexualize themselves online tend to have lower self-worth and rely heavily on male validation.
“Young girls are not born craving male attention. They’re taught—by society, by silence, by what we reward—that this is how they find their worth.” — Dr. Lindsay Kite
4. What Parents Can Do: 5 Expert-Approved Parenting Moves
Validate Inner Worth, Consistently
Let her know she’s loved for who she is, not for how she looks.
Support Identity Beyond Beauty
Encourage her talents—sports, arts, music, leadership—lahat ng kayang buuin ang sarili niyang identity.
Use Social Media as a Teaching Tool
Tanungin sila: “Ano sa tingin mo ang gustong sabihin ng post na ‘to?” or “Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang pinanood?”
Model Dignity and Boundaries
Kids learn by example. Show them what healthy self-respect looks like.
Praise the Heart, Not Just the Face
Say things like “Ang galing ng diskarte mo” or “Ang bait mo sa lola mo.” These matter more than “Ang ganda mo.”
5. Bonus Insight: Yes, A Muse Can Be Empowering
Hindi lahat ng muse ay negative example. Gwen Tuazon proved that you can stand out without selling out. Her poise and presentation show our girls that being noticed isn’t about shock value—it’s about self-respect.
6. Quote Highlights: Influencers Speak Out
Influencers Momshie Odille, daniel, others on Muse sa Liga
🗣️ Momshie Odille:
“Hindi mo kailangang maging cheap para maging muse.”
“Kapag nanay ka, matututo kang irespeto ang sarili mo, kasi gusto mong matutunan din ‘yon ng anak mong babae.”
🗣️ Daniel (Influencer):
“Hindi mo kailangang ibaba ang sarili mo para lang mapansin. Ang tunay na ganda ay kung paano mo dalhin ang sarili mo nang may dignidad.”
Final Thought
Hindi natin kontrolado ang mundo ng social media. Pero kaya nating turuan ang mga anak natin kung paano harapin ito nang may dangal, hindi panghuhusga; may confidence, pero may hangganan; may ganda, pero may puso.
Let’s raise daughters who know that being noticed is not the goal—being respected is.
Read More:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!