Summer ready na ba ang family? Unti-unti na nga natin nararamdaman ang pag-init ng panahon dulot ng summer season. Kaya naman, narito ang ilan sa mga Bulacan resorts na masarap puntahan ngayong summer. Bukod sa refreshing ay instagram-worthy din!
Bulacan private resorts na perfect for the family
Ang pagsu-swimming ay isa sa mga karaniwang bonding activity ng pamilyang Pilipino. At alam natin na mahalaga ang bonding ng pamilya para mas mapatibay pa ang samahan ng bawat miyembro nito.
Nagplaplano na ba ang inyong family na mag-swimming ngayong summer? Tamang-tama ang listahan namin ng Bulacan private resorts na perfect para sa bonding ng pamilya ngayong tag-init.
Bulacan resorts private
1. St. Paul Freshwater Resort
Perfect sa pamilya man o sa barkada ang St. Paul Freshwater Resort na matatagpuan sa Conrado Rivera St. Nilugan, Angat, Bulacan. Tampok sa resort na ito ang outdoor pool at ang traditional bahay-kubo cottages na tiyak na mai-enjoy ng pamilya.
Bukod pa rito, abot kaya rin ang rates sa St. Paul Freshwater resort. Ang regular rate nito para sa day swimming (8:00 am – 5:00 pm) ay nagkakahalaga ng P5,000 habang ang night swimming naman (6:00 pm- 6:00 am) ay P6,000. Kung weekend naman at holiday P6,000 ang day swimming at P7,000 ang night swimming.
2. San Rafael River Adventure
Kung gusto naman ng family ang resort na malapit sa nature, tamang-tama ang San Rafael River Adventure Resort. Isa ito sa mga kilalang resort na matatagpuan sa river banks ng Angat River sa San Rafael, Bulacan.
Napalilibutan ng nature ang resort na ito at maraming activities na pwedeng gawin sa farm. Tampok sa San Rafael River Adventure ang infinity pool nito na mayroong kiddie sections. Puwede ring maligo sa ilog o kaya naman ay mag-enjoy sa watersports tulad ng kayaking, paddle boarding, at wakeboarding.
3. Bulacan resorts private: El Masfino Hotel and Resort
Luxury resort sa Bulacan ba ang hanap ng family? Perfect ang El Masfino Hotel and Resort para sa inyo. Isa lamang ito sa ilang mga luxury resort sa Bulacan.
Matatagpuan ito sa loob ng Royal Northwoods Golf Club. Tampok sa hotel ang deluxe rooms at suites nito. At syempre mayroon itong lap pool, wave pool, at lazy river.
May area rin kung saan maaaring magsagawa ng outdoor events at team buildings. At talagang kid friendly ito dahil mayroong playground at picnic area.
4. Villa Antonio de Dave Resort and Leisure Farm
Eco-friendly resort naman ang Villa Antonio de Dave Resort and Leisure Farm. Ideal na puntahan para makapagrelax ang pamilya. Matatagpuan ito sa San Jose del Monte, Bulacan.
Mayroong 8 villas ang resort na ito na puwedeng pagpilian. Bawat isa ay kompleto sa modern furnishing at pool na may wading section. Mayroon ding open pools at cottages para sa mga nais na mag day tour.
Bukod sa pagsu-swimming, exciting activity rin ang pag-explore sa bamboo trails at pagbisita sa ivatan huts at farm animals sa nasabing resort. Bukod pa rito, mayroon ding fish pond kung saan puwedeng mangisda.
5. Bulacan private resorts: Casa Lina Resort
Matatagpuan naman sa riverside area ng San Rafael Bulacan ang hidden gem na Casa Lina Resort. Perfect ito para sa mga pamilyang naghahanap ng exclusive resort kung saan maaaring mag get-together.
Mayroong three-bedroom villa ang resort na ito. Tampok din sa Casa Lina Resort ang outdoor pool overlooking the river. Bukod pa rito, marami ring outdoor spaces sa resort kung saan maaaring maghang-out at maglaro. Puwede ring subukan ang mga activities sa river tulad ng kayaking at jet ski.
6. Casa Bisita
Instagrammable naman ang Scandinavian-inspired design ng Casa Bisita. Mayroon itong 2 bedrooms at living area na kanugnog ng pool area. Syempre meron din itong dining at kitchen area at dirty kitchen kung saan pwedeng magluto ng barbecues. Matatagpuan ang Casa Bisita sa Meycauyan Bulacan.
7. Amana Waterpark
Siguradong maeenjoy ng mga chikiting ang Amana Waterpark. Isa itong resort na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan. Malaki ang resort na ito at mayroon itong 11 swimming pools. Kabilang na rito ang wave pool, 40-feet man-made waterfall, at iba’t ibang themed pool.
Ang tiyak na magugustuhan ng mga bagets sa resort na ito ay ang prominenteng feature ng Amana Waterpark. Ito ay ang life-sized character display ng mga superheroes at dinosaurs. Bukod pa rito, mayroon ding facilities na may 4D extreme maxrider, zipline, at spa sa Amana waterpark.
Kung day trip lang ang gagawin, available ang theme cottages para sa inyo. Mayroon namang iba’t ibang type ng room para sa overnight stay.
Bulacan resorts
Mommy and daddy, tandaan na ano man ang piliin niyong resort para sa inyong family bonding, ang pinakaimportante pa rin ay ma-enjoy ninyo at ng inyong mga anak ang summer outing ng pamilya!