Ang paglangoy, o swimming ay isang mahalagang life skill na dapat matutunan ng isang tao mula pagkabata. Napakaraming benepisyo ang makukuha sa kakayahang ito, bukod pa sa kasiyahan na makukuha ng mga bata kung lalaki silang magaling lumangoy. Mabuti na sa kalusugan, maaari pang mailigtas ang buhay nilapagdating ng panahon. At kahit na kaya naman ng magulang na turuang lumangoy ang mga anak nila, may kabutihan din ang pagpapaturo sa kanila sa mga swimming classes, kung saan matututo sila ng iba’t ibang leksiyon at techniques na may kinalaman sa paglangoy.
Kaya ngayong bakasyon, alamin ang mga batikan at propesyunal na swim clinics at schools na pwedeng pagdalhan sa mga bata (o matanda), para matuto ng tamang paglangoy, at mag-enjoy din habang natututo.
Swimming clinics at schools para sa mga bata!
Bert Lozada Swim School
Simula Php5000 ang bayad, para sa mga batang mula 6 months pataas
Ito ang tanyag na swim school ni Coach Remberto C. Lozada, o Tito Bert, na ilang dekada na rin ang tinatagal. Ang kilalang atleta at batikang manlalangoy ay nagtuturo ng sarili niyang style ng paglangoy, na nagsisimula sa strict discipline at diin sa stroke mechanics. Marami nang mga estudyante ni Tito Bert ang naging champions at international competitor, na sumabak na sa Olympics, Asian Games at SEA Games, tulad nina Ryan Papa, Eric Buhain, at Roselle Papa.
Mayron silang 150 swim teachers, coaches at staff, at 56 venues sa buong bansa. Ang programa ay bukas para sa mga sanggol, bata, adults, varsity members at aspirants, at swim teams.
www.bertlozadaswimschool.com/
Chito Rivera’s Learning Aquatic Skills & Services, Inc.
Si Coach Chito C. Rivera naman ay nagsimulang magturo ng swimming noong 1980. Siya mismo ang gumagawa at nagdedevelop ng modules at techniques para sa mga gustong lumangoy sa iba’t ibang edad. Naging pinuno siya ng Philippine Amateur Swimming Association, at Secretary General ng National Sports Association noong 2004, at naging head ng Philippine Delegation sa 2003 Southeast Asian Games (SEA GAMES) sa Vietnam at 2004 sa Athens Olympics sa Greece.
Ang Chito Rivera’s Learning Aquatic Skills & Services o CLASS ay isa sa mga nangunguna sa swimming educationsa bansa, dahil na rin sa extensive swimming at coaching experience nila. May mga programa para sa mga sanggol (6 months pataas) hanggang sa mga adult learners na hanggang 70 taong gulang. Mayron silang clinics sa Quezon City (Fairview, Novaliches), Pasig (Rosario, Ugong), Mandaluyong, San Juan at San Fernando, Pampanga at Sta. Rosa, Laguna.
https://www.facebook.com/chitoriveraswimschool/
chitorivera.com/about-class/
Mermaid Insitute
Ang Mermaid Institute ay nagsimula bilang trainor para sa mga artista noong 2004, kasama ng The Blue Team, isang underwater unit para sa local at international underwater movies. Si Roxy Barrios-Almeda ay isang competitive swimming athlete at scuba diver na naging swimming instructor na rin nang maglaon. Minana ang hilig at galing sa pagsisid at paglangoy sa kaniyang mga magulang, lalo sa kaniyang amang scuba Instructor Trainer, lalo pang nahilig si Roxy sa pagtuturo nang magkroon ng demand mula sa mga artista dahil sa dumadaming pelikula tungkol sa sirena at pagsisid tulad ng Dyesebel, Enteng Kabisote, Panday, Sisid, Kambal Sirena, kung saan sila ng kapatid na si Ariel (oo, pinangalan sa mermaid sa Disney animated film na The Little Mermaid), ay naging mga sirena o mermaid extras. Dito na tuluyang nagpasya si Roxy na magturo ng mermaid classes sa mga bata at adults, pati na rin ang pagpo-produce ng locally made beginner mermaid tails.
Ang tinatawag nilang Mermaid Initiative ay ang pagpapatuloy ng sinimulang pagtuturo ng paglangoy, pero may kakaibang twist. Lahat ng klase nila ay may short marine conservation discussion at nagsisimula sa isang mermaid pledge kung saan nangangako ang mga estudyanteng sirena na isasama nila sa adbokasiya ang proteksiyon at conservation ng karagatan.
Sa Introduction Course (Php1,500), tinuturo ang tamang paglangoy ng isang mermaid, kasama ang correct propulsion at underwater maneuvering. May mga drills, laro at underwater photo shoot pa. Mayron din silang Mermaid Certification Program (Php5,500) na isang 5-session course na nagtuturo ng advanced mermaid maneuvers at fluid body movements, at proper breathing skills at buoyancy control.
Mayron ding mga Beach Trips, kung saan pumupunta ang mga “mermaids students” sa beach para tuluyang ma-ensayo at magamit ang natutunang paglangoy. Ngayong taon sa buwan ng Abril, sa Anilao ang nakatakdang Beach Trip (Php3,000). Maaari din silang kunin para sa Mermaid Parties ng mga bata, o matanda.
https://www.mermaidinstitute.com/
https://www.facebook.com/pg/mermaidinstitute/about/?ref=page_internal
Akiko Thomson Swim School
Simula Php 700 ang bayad para sa trial classes, hanggang Php 9,200 para sa mga classes.
Si Akiko Thomson-Guevara ay kilalang 3-time Olympian nang siya ay 13 taong gulang pa lamang, at nagsimulang lumangoy mula pagkabata. Itinayo ang Akiko Thomson Swim School (ATSS) noong April 2011 sa CSA (Colegio San Agustin), Dasmariñas Village, Makati, at mula noon ay nag-expand na sa King’s International School, Australian International School at One World School.
Layong ituro ng ATSS ang swimming bilangas isang life-skill at sport para sa lahat ng edad. Nagsasanay sila ng mga high-level swimmers para sa mga kompetisyon sa lokal at international arena.
Mayron silang Baby & Me programs para sa mga magulang at anak na edad 6 months hanggang 2 taong gulang, at Guppies para sa mga batang 4 hanggang 5 taong gulang, Private Classes at one-on-one para sa Special Needs Classes. Mayron ding mga programa para sa mga nagnanais ng competitive swimming at mga eskwelahang gustong magbigay ng swimming para sa PE classes nila.
https://akikothomsonswimschool.ph/2015-03-20-16-32-21.html
Aqualogic Swim Co.
Mula Php1,050 ang bayad.
Ang grupo ng Aquatic Educators na nagmula iba’t ibang swimming backgrounds ang bumubuo ng Aqualogic. Sila ay naglalayong magturo ng high-quality at personalized swimming instruction gamit ang mga pinakabago at pinakaepektibong paraan ng pagtuturo ng paglangoy. Pinamumunuan ang Aqualogic Swim Co. ni Ria Mackay, isang competitive swimmer mula pagkabata at nagtuturo ng swimming sa Pilipinas at sa ibang bansa sa loob ng 2 dekada na.
Mayron silang year-round regular classes para sa mga sanggol (edad 6-35 months), sa mga batang 2.5-14 years old at 15 taong gulang pataas. Sila ang unang Certified Total Immersion™ Swim School sa PIlipinas, at nagtuturo sa iba’t ibang venues sa Metro Manila, tulad ng Richmonde Hotel Ortigas, Edsa Shangri-la, The Linden Suites, Fairmont Hotel Makati, Makati Shangri-la Hotel, New World Hotel Makati at The Village Sports Club sa BF Parañaque.
Nagtuturo din sila sa Kings International School Manila, Colegio San Agustin in Makati, The Keys School sa Mandaluyong, at The Maria Montessori Children’s School Foundation sa Parañaque.
Maaari din silang kunin para sa mga swimming parties, kung saan mag mga palaro mula sa mga instructors ng Aqualogic, at mga laruang pang-swimming pool para sa mga bata.
aqualogicswimco.com/reservations/
https://aqualogicswimco.com/
Photo: pixabay.com
READ: Kakaibang summer activities para sa inyong mga anak!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!