TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Baby, nagkaroon ng 11 bulate sa mata!

2 min read
Baby, nagkaroon ng 11 bulate sa mata!

Inabot raw ng mahigit 20 minuto ang operasyong ginawa ng mga doktor upang matanggal ang mga bulate sa mata ng nakakaawang sanggol.

Sa isang pambihirang pangyayari, tinanggal ng mga doktor ang 11 na bulate sa mata ng isang 5 buwang gulang na sanggol. Saan kaya nanggaling ang mga bulateng ito, at paano ito nagamot ng mga doktor?

Paano siya nagkaroon ng bulate sa mata?

Nakatira daw sa China ang 5-buwang gulang na sanggol na nagngangalang Dong Dong. Dinala raw siya ng kaniyang ina sa ospital matapos nitong mapansin na parang may problema ang sanggol sa kaniyang mata.

Habang iniinspeksyon ng mga doktor ang mata ni Dong Dong, nakita nila na mayroon itong mga bulate! May mga nakatago pa raw na bulate sa ilalim ng talukap ng kaniyang mata.

Inabot raw ng 21 na minuto ang pagtatanggal ng mga bulate, at 11 na bulate ang natagpuan ng mga doktor.

Ang mga bulateng nakita sa mata ni Dong Dong ay nasa species na Thelazia callipaeda, na karaniwang nakikita sa mata ng mga aso, pusa, at ng mga tao.

Sabi ng nanay ni Dong Dong na wala raw silang alagang hayop, pero posible daw na nanggaling ito sa alaga ng kanilang mga kapitbahay.

Sa ngayon, wala nang bulate si Dong Dong sa mata, pero umiinom pa rin siya ng gamot upang makaiwas sa impeksyon.

Panoorin dito kung paano tinanggal ang mga bulate sa mata ng bata:

Dapat ba itong ipag-alala ng mga magulang?

Bagama’t maraming mga parasites ang puwedeng maging sanhi ng impeksyon sa mga tao, lalo na sa bata, hindi naman ito dapat ikabahala ng mga magulang.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

Ito ay dahil madali namang pangalagaan ang iyong anak laban sa mga parasites at bulate. Kailangan lamang sundin ang mga tips na ito:

  • Dapat panatilihing malinis ng mga magulang ang kanilang tahanan, at huwag ilapit sa maduduming lugar ang kanilang mga anak.
  • Mabuti rin na huwag munang hayaang makipaglaro sa mga alagang aso o pusa ang kanilang mga sanggol, lalo na kung hindi sila sigurado kung may bulate o parasites ang mga ito.
  • Mahalaga rin na turuang maghugas ng kamay ang kanilang mga anak, lalong-lalo na kung naglalaro sila sa labas, at bago kumain. Ang simpleng paghuhugas ng kamay ay makakatulong upang makaiwas sa napakaraming sakit.
  • Lutuing mabuti ang pagkain, lalo na ang baboy, dahil minsan mayroon itong mga parasites na posibleng maging sanhi ng bulate sa tiyan. Ang pagluluto ng mabuti sa karne ay pumapatay sa mga parasites na ito.

Source: Daily Mail

Basahin: Baby nagkaroon ng bulate sa mata dahil hindi nahuhugasan ng kamay

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Baby, nagkaroon ng 11 bulate sa mata!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko