Isang 9 buwan na buntis, namatay sa COVID-19, maging ang sanggol sa sinapupunan nito ay hindi rin naisalba.
Siya ay mula sa India at siya pa lang ang ika-7 kaso na naitalang namamatay dahil sa sakit. Ang 30-year old na babae ay 9 na buwang buntis. Napag-alaman din na isinugod siya sa ospital dahil sa severe respiratory distress. Ito naman ay isa sa mga sintomas ng COVID-19.
Image from Freepik
Siya ay ipinasok agad sa isolation ward, ngunit ilang oras lamang ay namatay na kaagad siya. Ang babae naman ay hindi tinanggap ng dalawang ospital bago ma-admit sa ospital kung saan na nga siya pumanaw.
Ang sanggol naman ay hindi naisalba dahil kritikal na ang kondisyon ng babae nang madala sa ospital.
Pregnancy during COVID-19
Sa kasalukuyan, wala pang ebidensya na mas mataas ang tyansang magkaroon ng COVID ang mga buntis. Gayunpaman, kailangang mag-doble ingat para na rin sa kapakanan niya at ng sanggol.
Hindi pa rin napatutunayan na naihahawa ang COVID mula sa ina papunta sa sanggol. Mayroon ng mga pag-aaral tungkol sa pagkakapasa nito habang nasa sinapupunan, ngunit wala pa ring matibay na pruweba.
Mayroon namang mga kaso ng COVID sa mga newborn babies pero hindi pa rin matukoy kung ito ba ay nagmula sa kanilang mga ina. O kung ito ay nakuha na nila mula pa sila ay ipinanganak.
Image from Freepik
Kung usapang breastfeeding naman, wala pa ring mga pag-aaral na makapagsasabi kung nahahawa nga ba ito sa pamamagitan ng pagsuso ng baby sa kanyang ina.
Payo naman ng World Health Organization, dapat i-prioritize ang mga buntis para ma-test agad at maagapan sakaling ito ay magpositibo.
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Ito ang mga sintomas na maaaring makita sa mga baby at matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pagkawala ng panlasa
- Pag-ubo o dry cough
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
Image from Unsplash
Pag iingat ng buntis ngayong covid 19: Ano ang dapat tandaan?
Ayon kay sa obstetrics and gynaecology consultant ng Medcare Women and Children Hospital na si Dr. Shiva Harikrishnan, ang mga buntis ay mayroong sensitibong immune system. Kaya isa sila sa mga high risk o delikado sa COVID-19.
“As pregnancy is a condition when the immune system is altered, pregnant women are at a risk of acquiring COVID-19. Just like any other viral infection.”
Narito ang mga tips mula kay Dr. Shiva Harikrishnan na dapat tandaan ng mga pregnant moms para maiwasang magkaroon ng COVID-19.
- Manatili sa loob ng bahay. Iwasan ang paglabas para hindi ma-expose sa mga tao. Kung may kailangan, mas mabuting ipautos na lang ito sa mga hindi high risk sa COVID-19.
- Panatilihin pa rin ang social distancing.
- Panatilihin ang kalinisan sa katawan. Palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon na safe para sa’yo.
- Dahil limitado ang paglabas at hindi makakapunta sa mga check-up, mas mabuting i-contact ang iyong doctor para malaman ang mga dapat mong gawin habang ikaw ay nasa loob ng bahay at hindi makapunta sa check-up.
- Kumain ng tama at uminom ng madaming tubig. Upang mas maging malakas, ‘wag kakalimutan ang pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay.
- ‘Wag hawakan ang mukha, ilong o mata.
- ‘Wag magbasa ng mga negative news sa internet. Ito ay maaaring makaapekto sa iyong mental health.
- Ituon na lang ang free time sa meditation, yoga o pagbabasa ng libro.
- Magpa-araw sa umaga. Ang araw sa umaga ay mahalaga para sa mga buntis. May ilang pag-aaral kasi na ang pagkakulang sa Vitamin D ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng COVID-19.
Source: The Hindu, Healthline
Basahin: Beauty queen balik muna sa pagiging doktor para labanan ang COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!