Epekto ng COVID-19 sa vitamin D deficiency
Ayon sa newest study ng mga eksperto, nakita sa tala na ang kakulangan sa Vitamin D ng isang tao ay nakapagpapataas ng risk factor ng COVID-19. Ano nga ba ang explanation dito? At tila nagiging komplikado na ang virus na ito?
STUDY: Mas madaling kapitan ng COVID-19 ang mga kulang sa Vitamin D
Sa pag-aaral na isinagawa ng Northwestern University, nadiskubre nila ang koneksyon ng taong may mababang Vitamin D sa COVID-19. Isinagawa ang statistical analysis na ito mula sa mga ospital sa United Kingdom, United States, Switzerland, Spain, Iran, Germany, France, Italy, South Korea at China.
Vitamin D and COVID-19 study | Image from Freepik
Ang mga bansang nabanggit ay napili dahil napagalamang ito ang may pinakamataas na mortality rates kumpara sa iba pang mga bansang may COVID-19. Samantalang ang mga pasyenteng namatay sa mga lugar na ito katulad ng United Kingdom, Spain at Italy ay nakitang mababa ang kanilang vitamin D.
Nasa 75% ng mga infected ng COVID-19 sa mga bansang ito ay nakitang kulang sa Vitamin D.
Ang COVID-19 ay naglalabas ng labis na pro-inflammatory cytokines. Kaya naman malaki ang tulong ng Vitamin D sa katawan ng isang tao dahil napipigilan nito ang patuloy na pag produce ng madaming inflammatory cytokines na gawa ng white blood cells.
Dagdag ng postdoctoral research associate na si Ali Daneshkhah ng Northwestern’s McCormick School of Engineering,
“Cytokine storm can severely damage lungs and lead to acute respiratory distress syndrome and death in patients. This is what seems to kill a majority of COVID-19 patients, not the destruction of the lungs by the virus itself. It is the complications from the misdirected fire from the immune system.”
Ayon rin kay Dr Lee Smith ng Anglia Ruskin University sa United Kingdom,
“We found a significant crude relationship between average vitamin D levels and the number COVID-19 cases. And particularly COVID-19 mortality rates, per head of population across the 20 European countries.”
Vitamin D and COVID-19 study | Image from Freepik
Dagdag pa ni Dr. Smith ay nakakatulong sa isang tao ang vitamin D upang protektahan ito sa acute respiratory infections. Kadalasang nagkakaroon ng COVID-19 ang mga matatanda dahil kulang sila sa bitaminang ito.
Maaari naman daw uminom ng mga vitamins C at D supplements dahil ligtas ito para sa isang tao.
Ngunit paalala rin ng mga researchers na kailangan pa ng matibay at concrete na pag-aaral dito. Aalamin pa nila ng mas malalim kung makakaya ba nitong makaiwas sa COVID-19.
“Our study does have limitations, however, not least because the number of cases in each country is affected by the number of tests performed, as well as the different measures are taken by each country to prevent the spread of infection,” Ayon naman ito kay Petre Cristian Ilie ng Queen Elizabeth Hospital King’s Lynn.
Mga pagkaing mayaman sa vitamin D
STUDY: Narito ang mga pagkain na maaaring mong kaninin upang makaiwas sa COVID-19 at tumaaas ang iyong vitamin D sa katawan.
1. Fatty fish
Mahalaga ang role ng isda sa pagbibigay ng vitamins C sa katawan ng isang tao. Perfect sa iyong diet ang tuna, mackerel, salmon.
Vitamin D and COVID-19 study | Image from Caroline Attwood on Unsplash
2. Dairy products
Makakatulong rin upang mapataas ang vitamin D mo sa pamamagitan ng pagkain ng mga dairy products. Ito ang cereal, soy milk o orange juice o juice.
3. Egg yolk
Kung hindi ka kumakain ng isda na mayaman sa vitamin D, maaari mo pa ring kainin ang itlog na sagana rin sa bitamina D. Nakikitaang mineral at vitamins sa yolk ng itlog.
4. Mushroom
Isa rin ang mushroom sa pagkain na mayaman sa vitamin D. Ngunit nakakapagpataas rin ito ng vitamin D2 na siyang nakakatulong sa pagproduce ng vitamin D.
Source:
Technology Networks , WebMD
BASAHIN:
COVID-19 nakita sa semen ng mga lalaking nag-positibo sa sakit
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!