Gusto bang kumain ng strawberry o ube jam? Nais mo bang magpalamig at maglakad lakad sa Burnham Park? Buti nalang, mayroon nang P2P bus na papuntang Baguio!
P2P bus papuntang Baguio
Ang provincial bus company na Pangasinan Solid North Transit, Inc. ay naghahandog ng route papuntang Baguio. Ang pinagkaiba nito ay diretso ang biyahe. Hindi na tatagal ang byahe na dulot ng maya’t mayang paghinto sa pag pick-up o pag-aantay ng mga pasahero. Tinatayang aabutin na lamang ng 5 oras ang dating 6 at kalahating oras na biyahe.
Ang terminal sa Manila ay matatagpuan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Ito ang dating Southwest Integrated Transport System. Ang PITX ay isang public transport terminal sa siyudad ng Parañaque.
Mula PITX, tuloy-tuloy ang magiging biyahe hanggang sa terminal ng Pangasinan Solid North Transit, Inc. sa Governor Pack Road.
Nagsisimula ang mga biyahe mula 2:00 nang umaga. Bawat oras ay may bagong bus na aalis, puno man o maraming sakay. Tuloy-tuloy ito hanggang 11:00 nang umaga. Ang one-way ticket ay nagkakahalagang P500.
Anong makikita sa bus?
Bumaba man ang itatagal sa biyahe, 5 oras parin ito na nakaupo lamang. Buti nalang, hindi mahihirapan dahil ginawang kumportable ng Pangasinan Solid North Transit, Inc. ang magiging biyahe.
Ang bus ay kayang magsakay ng 45 mga pasahero. Mayroong in-bus entertainment system, maluwag na lalagyan ng gamit, libreng wi-fi at sariling CR ang bawat bus. Ang mga pasahero ay mauupo sa recliner na upuan na may sariling stackable tray, aircon vent, USB charging pod. Binibigyan din ng libreng tubig ang mga pasahero.
Maaaring magsama ng alaga ngunit ang mga maliliit lamang ang pinapayagan. Kailangan din na ipanatili ito sa kulungan at naka-suot ng diaper.
Paano mag-book
Maaaring bumili ng tickets sa Pangasinan Solid North Terminal sa Cubao at PITX, JAC Liner Terminal sa Buendia at Kamias, at LLI Terminal sa Lucena.
Maaari din pumunta sa Biyaheroes.com at bumili ng ticket online. Pumunta lamang dito at sundin ang mga sumusunod na steps:
- Ilagay ang pupuntahang destinasyon at oras ng bus na sasakyan.
- Piliin kung saan gustong maupo sa bus.
- Pumili ng paraan kung paano magbabayad.
Maaaring magbayad sa kahit anong 7-eleven branch, Cebuana Lhuiller, Bayad Center, LBC, SM Malls, at Robinsons Malls.
Source: Pangasinan Solid North Transit, Inc., Biyaheroes
Basahin: Bonding Time ngayong bakasyon para sa pamilya!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!