Mula ika-15 ng Enero taong 1997, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, kinikilala ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika. Kadalasan itong ipinagdiriwang sa mga paaralan na kadalasan ay pinapagbihis ang mga bata ng Buwan ng Wika costume.
Sa article na ito, ibibigay namin sa inyo ang mga nakita namin online na mabibilhan ng Filipiniana. Kung nais mo din na ikaw mismo ang gumawa ng costume, narito rin ang ilang DIY ideas para sa iyo.
Buwan ng Wika Costume: Shops
View this post on Instagram
A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on
Kultura (SM Store)
Sa listahan na ito, ang pinaka-convenient na puntahan ay ang Kultura store ng SM. Karamihan ng SM Malls ay may Kulura shop sa department store o di kaya naman ay may stand-alone store. Dito makakabili ng Buwan ng Wika costume pati na rin ng accessories para sa mga bata at matatanda.
Shopee: Kids and Adult Costume Online
Bilang isang costume shop para sa mga bata, ang Kids and Adult Costume Online ay kumpleto sa iba’t ibang costumes para sa iba’t ibang theme. Mula sa Filipiniana costumes hanggang UN costumes, pati para sa mga iba’t ibang karakter.
Party Costumes PH
Para sa lahat ng tungkol sa costumes, nandito ang Party Costumes PH. Bukod sa mga buwan ng wika costumes, marami rin silang iba pang ibinibenta at ipinapa-rent. Mayroong headgears, accessories, at iba pang maaaring kumumpleto sa iyong costume.
Address: Unit 8 KDRG Apartment, Naga Rd, Las Pinas, 1746 Metro Manila
Telepono: 0905 304 8608
Shopee: Red Signature Clothing
Para sa mga cute at medyo modern na Buwan ng Wika costumes, tignan ang Red Signature Clothing shop sa Shopee. Ang mga cute costumes na pang babae at lalaki ay nagkakahalaga ng P500 pataas. Mayroon ding mga United Nations na costume na maaaring mabili.
Para sa costumes na pang bata man o matanda, mula Buwan ng Wika hanggang sa mga paboritong pelikula. Sila ay one-stop shop para sa costumes, cosplays at iba pang novelty items. De kalidad ang mga costumes, maraming mapagpipilian at may personalized na customer service.
Para sa buwan ng wika costumes, sa Myrna’s Costume House ay maraming mapagpipilian. Marami silang iba’t ibang tema para sa mga lalaki, at mayroon din para sa mga babae. Sila ay gumagawa at nagbebenta ng mga costumes, gowns, mascots, at iba pa.
Buwan ng Wika Costume: DIY
View this post on Instagram
Kung ayaw gumastos ng malaki at nais ng mas-personalized na Buwan ng Wika costume, maaari ding gumawa. Ito ang ilang mga paraan kung paano makakagawa ng sarili mong costume.
Bukan ng Wika costume: Mindanao Princess
Para sa mga batang babae, maaaring ipagawa ang Mindanao Princess na costume na ito. Gumamit ng itim na T-shirt at itim na leggings. Maaaring gumamit ng metal headbands o mga perlas para sa ulo. Magsuot ng mga makukulay na kwintas at sandals. Patungan ang katawan ng makulay na scarf na may tradisyonal na disenyo.
Ayan, kumpleto na ang iyong simpleng costume na maaaring gamitin muli ang mga accessories.
Magsasaka/Mangingisda
Para sa mga batang lalaki, kailangan lamang magsuot ng puting T-shirt at pulang pajama o jogging pants. Dagdagan ito ng sumbrero at pulang panyo na itatali sa may leeg. Gumamit ng mga accessories ayon sa nais na costume. Halimbawa, mga kagamitan ng magsasaka o mga pangmangingisda.
Buwan ng Wika costume: Katipunero
Maaaring pagsuotin ang iyong anak ng red pajamas at puting Camisa de chino. Lagyan din ng pulang panyo ang leeg nito. Sa simpleng kasuotan na ito ay mairerepresenta niya sa Buwan ng Wika ang mga magigiting na Katipunero tulad ni Andres Bonifacio.
Dalagang Filipina
Kung Dalagang Filipina vibe naman ang nais ng iyong anak, puwede itong pagsuotin ng bulaklaking palda at puting blusa. Modern take ito ng baro’t saya. Puwede ring bigyan ng bandana na katerno ng palda para kompleto ang DIY traditional Filipino dress ng iyong chikiting.
Malong
Versatile component ng Buwan ng Wika ang Malong. Ibig sabihin puwede mo itong gamitin sa ano mang paraan bilang kasuotan ng iyong anak. Bukod pa rito, maipapakita mo ang kultura ng mga taga Mindanao sa paggamit ng Malong. Ang malong ay artwork ng mga katutubong Maguindanaos at Maranaos.
Buwan ng Wika costume: Igorot
Kung Igorot-inspired naman ang gusto o kailangang costume ng iyong anak puwede mo itong pagsuotin ng old plaid o stripe polo. Putulin lang ang collar at sleeves ng polo at paikliin ito para maging vest. Gawin namang bahag ang extra fabric mula sa pinutol na bahagi.
Mommy at daddy, tandaan na para mas maramdaman ng iyong anak ang tunay na diwa ng Buwan ng Wika, maaaring ibahagi sa kaniya ang kasaysayan nito. Mahalagang maunawaan din ng iyong anak ang importansya ng kulturang kaugnay ng costume na kaniyang isusuot. Sa pamamagitan nito ay maaaring mas maunawaan niya rin ang kaniyang pagiging Pilipino.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Basahin: 20 Cute DIY Halloween Costume Ideas for Your Kids
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!