X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Yaya, idinikit ang pacifier kay baby gamit ang tape!

5 min read
Yaya, idinikit ang pacifier kay baby gamit ang tape!

Natagpuan ang tape sa pacifier ng bata.

Can baby choke on pacifier? Ito ang karaniwang tanong ng ating mga concerned mom para sa kanilang mga chikiting na mahilig sa pacifier.

Ngunit isang hindi inaasahang kaso ang malalaman ng isang Singaporean mom sa kaniyang anak at yaya nito.

Yaya, idinikit ang pacifier kay baby gamit ang tape!

Sa isang Facebook post, naglabas ng kaniyang saloobin ang isang Singaporean mom nang may makita itong isang bagay sa pacifier ng kaniyang anak na talagang ikinagulat nito.

Payo ni Vanessa Van, bantayan at tignan maigi ang gamit at si baby mismo bago ito iuwi galing sa kaniyang yaya.

“Mummies looking or already put your lo at nanny’s place, please check your lo everyday after you bring them home!”

Sa kuwento ni Vanessa sa kaniyang Facebook post, sinundo niya ang kaniyang 3 months old na anak mula sa nanny nito noong nakaraang September 25. Ngunit nagulat ito nang may mapansin siyang malagkit at madumi na ang pacifier ng kaniyang baby.

Hindi niya diniin ang yaya nito ngunit napansin niyang may “sticky residues” sa mukha ng kaniyang anak isang linggo na ang nakakaraan matapos nitong makuha ang anak sa yaya nito.

“I thought maybe it’s the yaolan or something being rubbed against my boy’s face.”

Nang tanungin ni Vanessa ang nanny nito kung ano ang malagkit na bagay sa pacifier ng kaniyang babae, pilit nitong iniiba ang usapan at iniwasang sagutin ang katanungan.

can-baby-choke-on-pacifier

Can baby choke on pacifier? | Image from Vanessa Van on Facebook

Iniisip ni Vanessa na ito’y sarili lamang niyang assumption ngunit may pakiramdam siyang may kinalaman dito ang nanny ng kaniyang anak.

“Feel free to let me know if you think otherwise, cause I really can’t imagine what other possibilities it could be.”

Ibinahagi ni Vanessa ang itsura ng pacifier at makikita rito ang tila maliit na tape.

Naniniwala si Vanessa na nilagayan ng tape ang bibig ng kaniyang anak habang nakasubo sa kaniya ang pacifier.

“I concluded that she taped the pacifier onto my boy’s face in order to force him to suck on it to sleep. And also so that she doesn’t have to keep putting the pacifier into her mouth,”

Dagdag pa rito, sinabi ni Vanessa na madalas magreklamo ang nanny dahil ang kaniyang anak ay hindi agad nakakatulog kahit na ito ay dinuduyan. Gusto lang nito ang mga baby na natutulog buong araw para madali niyang magawa ang pansariling gawain.

“By doing what was done, it may accidentally cause my boy to choke or [be] unable to breathe,” ito ang pinaka inaalala niya. “Who’s there to save my boy?” 

Bukod pa rito, katulong din ang asawa ng nanny na magbantay sa kaniyang anak kaya naman hindi niya malaman kung sino ba talaga ang salarin. “But since she is the main nanny, she should not have let this happen.”

Ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling mabilaukan si baby?

Mahalagang malaman nating mga magulang ang sintomas na nabibilaukan na si baby. Narito ang ilan sa kanila:

  • Impit na iyak at tila hindi mapakali
  • Namumula ang mukha
  • Maputla o kulay blue na labi
  • Hindi makahinga
  • Pagkawala ng malay
choking-first-aid 2

Can baby choke on pacifier? | Screenshot from St John Ambulance YouTube Channel

Back Blows

Una, marahang ihiga si baby sa iyong hita. Siguraduhing nakasuporta ang iyong mga kamay sa kaniyang ulo at leeg upang maiwasan ang aksidente.

Pangalawa, gamit ang matambok na bahagi ng iyong palad (heel of a hand), madiing hampasin nang dahan-dahan ang likod ni baby ng limang beses. Ito ay para magawang lumabas ng nakabarang bagay sa lalamunan ng bata.

Kung hindi naman ito gumana, kailangan subukang gawin ang isa pang Choking first aid procedure.

Chest Thrusts

Una, patihayang ihiga si baby sa iyong mga hita. Alalahanin lang na kailangang nakasuporta ang iyong mga kamay sa kaniyang ulo at leeg. Upang maiwasan ang aksidenteng pagkalaglag.

Pangalawa, ipuwesto ang dalawang daliri (index and middle finger) sa dibdib ni baby at madiing dahan-dahan itulak ito ng limang beses.

choking-first-aid 3

Can baby choke on pacifier? | Screenshot from St John Ambulance YouTube Channel

Kung sakaling hindi pa rin ito gumana, tumawag na ng tulong o dalhin na sa pinakamalapit na ospital si baby. Patuloy lang na gawin ang nasabing procedure hanggang sa dumating ang naturang tulong.

Partner Stories
5 ways you should be cleaning your home in the new normal
5 ways you should be cleaning your home in the new normal
First True Smile: Highlight of Your Baby’s Early Milestone
First True Smile: Highlight of Your Baby’s Early Milestone
Ways to bond at home with your newborn during your maternity leave
Ways to bond at home with your newborn during your maternity leave
The Power of Women supporting Women
The Power of Women supporting Women

Kung mawalan ito ng malay, kailangan nang isagawa ang CPR sa bata.

Panoorin ang buong video tungkol sa Choking First Aid:

 

Laging tatandaan na “prevention is better than cure”. Mas mabuting iwasan na natin ang mga bagay na pwedeng makadisgrasya kay baby. Ang maliliit na bagay ay madaling madampot ni baby kaya kadalasan ay naisusubo ito. Bantayan din ang mga kinakain o laruan niya dahil maaaring may mga bahagi ito na pwedeng masira at aksidenteng malunok ng bata.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

2 years old na bata patay matapos mabilaukan ng dahil sa lollipop

Handa na bang kumain si baby? Alamin ang 6 prutas para kay baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Yaya, idinikit ang pacifier kay baby gamit ang tape!
Share:
  • 10 bagay na dapat mong malaman bago bigyan ng pacifier si baby

    10 bagay na dapat mong malaman bago bigyan ng pacifier si baby

  • 8 Best Pacifiers To Soothe Your Newborn Babies

    8 Best Pacifiers To Soothe Your Newborn Babies

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 bagay na dapat mong malaman bago bigyan ng pacifier si baby

    10 bagay na dapat mong malaman bago bigyan ng pacifier si baby

  • 8 Best Pacifiers To Soothe Your Newborn Babies

    8 Best Pacifiers To Soothe Your Newborn Babies

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.