Walang maliit na sintomas pagdating sa mga anak natin. Ito ay lalo na kapag ang ilan sa mga ito ay maaaring sintomas ng cancer sa bata. Ang mga sintomas ng cancer sa bata ay tila mailap minsan.
Ang maagang detection ay maaaring daan para maligtas ang buhay ng bata. Nagsisimula ito sa pag-alam ng mga karaniwang malignancy o presensya ng cancer.
Sintomas ng cancer sa bata
Ito ang ilang sintomas ng cancer sa mga bata na hindi dapat balewalain
1. Madalas na pagdurugo ng ilong
Ang mga bata ay maaaring magka nosebleed dahil sa maninipis na ugat sa harapan na bahagi ng kanilang ilong. Unti-unti itong kakapal pagdating nila sa puberty.
Ngunit, kung nakakaranas ng madalas na nosebleed, 4 o 5 beses kada buwan, maaaring red flag na ito para sa cancer.
Ayon sa National University Hospital in Singapore, ang madalas at paulit-ulit na nosebleed ay sintomas ng Acute Lymphoblastic Leukaemia (ALL). Ito ang pinaka-karaniwang uri ng cancer na nakikita sa mga bata.
2. Sugat na hindi gumagaling
Likas na aktibo ang mga bata at maaaring masugatan sa paglalaro ng sports o iba pang aktibidad.
Ngunit isa pang sintomas na dapat bantayan ay mga sugat na tila hindi gumagaling at paulit-ulit.
Ang mga sugat na tila hindi gumagaling ay maaaring makita sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kabilang sa mga ito ang balat, ari, o maging sa oral cavity.
Kailangan itong maipasuri agad at hindi hayaan lang.
3. Namamagang lymph nodes
Ang hindi masakit na namamagang lymph nodes ay maaaring senyales ng Non-Hodgkin Lymphoma.
Ang lymphoma ay dulot ng mga tumor na nagsisimula sa lymph glands. Kabilang sa sintomas nito ang pamamaga ng leeg, kili-kili, ari, dibdib, at tiyan – mga lugar na may lymph glands.
Ang lymph nodes na malapit sa ibabaw ng katawan – tulad ng sa leeg, ari, kili-kili, o ibabaw ng colar bone – ay madaling makita o maramdaman bilang bukol sa ilalim ng balat.
4. Di maipaliwanag na pag-payat
Kung ang bata ay gumagaan nang hindi sinusubukan, hindi nagpapalit ng diet, o nag e-ehersisyo, dapat siyang ipasuri sa duktor.
Bumababa ang timbang ng mga bata kapag hindi sila nakakakuha ng sapat na calories, o tumutunaw ng masmaraming calories kaysa sa karaniwan. Ngunit kung biglang bumilis ang pagbawas ng timbang, maaaring may nakatagong sakit ito, kabilang ang cancer, ayon sa medical experts.
5. Hirap sa paghinga
Ang kawalan ng hangin o hirap sa paghinga ay mapanganib na sintomas sa mga bata. Ibig sabihin nito ay kailangan agad siyang isugod sa ospital.
Ang hirap sa paghinga ay maaaring isang senyales ng cancer sa bata na maaaring mapabayaan.
Ayon sa National University Cancer Institute, Singapore, ang kawalan ng hangin ay maaaring senyales ng childhood leukaemia. Napapabilang dito ang halos 40% ng cancer ng mga bata sa Singapore.
6. Bukol
Isa pang senyales ng cancer ay ang pagkakaroon ng bukol, kadalasan sa tiyan o mga paa’t kamay.
Ayon sa KK Women’s and Children’s Hospital, ang pamamaga sa tiyan ay maaaring senyales ng Wilm’s tumor. Ito ay cancer sa bato na maaaring maranasan ng mga bata.
7. Di maipaliwanag na pagbago ng kaugalian
Bigyang atensyon kung mapansin na nagbago ang kaugalian ng iyong anak. Ito ay maaaring senyales na may mali.
Ayon sa Children’s Medical Institute ng National University Hospital, ito ay maaaring senyales ng cancer. Maaaring makasabay ng pagbabago sa kaugalian ang pagbabago rin ng performance sa paaralan.
8. Pananakit ng ulo
Ang paulit-ulit na pananakit ng ulo ay maaaring senyales ng tumor sa utak. Ito ay ayon sa National Cancer Centre Singapore (NCCS).
Ito ay kadalasang dahil sa tumaas na pressure sa bungo na dulot ng paglaki ng bukol, dahil ang bungo ay bony structure na hindi nababanat.
9. Pagsusuka
Maaaring magsuka ang bata dahil sa iba’t ibang rason. Maaaring dahil sa food poisoning, malubhang ubo o sipon, o dahil sa stomach flu.
Ngunit, ang cancer na nakaka-apekto sa utay ay maaaring magdulot ng pagsusuka, ayon sa NCCS.
Kung ang bata ay madalas mahilo ay nahihirapang hindi ilabas ang pagkain o tubig, maaaring iba na ito sa stomach bug at dapat nang ipasuri agad.
10. Problema sa paningin
Idinagdag ng NCCS ang mga problema sa paningin bilang posibleng senyales ng tumor sa utak. Kabilang sa mga ito ang paglabo, pagdoble, o kawalan ng paningin.
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng hirap sa paningin, magpasuri na sa ispesyalista para ma-rule out ang posibilidad ng cancer.
11. Seizures
Ayon sa Parkway Cancer Centre, isa sa senyales ng cancer sa mga bata ay ang seizures. Ito ay lalo na sa mga hindi nauugnay o dahil sa matataas na lagnat.
Ito rin ay maaaring sintomas ng tumor sa utak.
Ang seizures ay maaaring dahil rin sa lagnat, kakulangan ng oxygen, head trauma, o iba pang sakit. Makakabuting magpasuri sa duktor para malaman kung ano ang pinang-gagalingan.
12. Pananakit ng mga buto
Idinagdag ng National Cancer Institute, Singapore ang pananakit ng mga buto sa listahan ng senyales ng cancer sa mga bata. Minsan ay nagdudulot pa ito ng pilay.
Mas partikular, maaaring senyales ito ng Neuroblastoma, cancerous na tumor na kadalasang nakikita sa adrenal gland.
Ito ay malignant na solid na tumor. Nagdudulot ito ng pamamaga o pananaki. Ang mga sintomas ay maaaring magbago depende sa lokasyon ng tumor.
13. Panghihina
Sinabi ng The Health Promotion Board na ang paulit-ulit na kapaguran at panghihina ay karaniwang sintomas ng Lymphoma. Ito ay grupo ng mg cancer sa lymphatic system.
Ang mga tests na kailangang gawin para masuri ito ay: Physical exam, blood test, biopsy ng bukol, bone marrow aspiration, X-ray, CT o MRI scan.
14. Di maipaliwanag na lagnat
Kung ang iyong anak ay may pabalik-balik at hindi maipaliwanag na lagnat, maaaring senyales ito ng cancer, o partikular na Leukaemia, ayon sa KK Women’s and Children’s Hospital (KKH).
Ang leukaemia ay ang pinaka-karaniwang uri ng cancer sa mga bata. Nangyayari ito kapag ang marrow ay nag-ooverproduce ng immature na white blood cells.
15. Pagdurugo
Ang Wilm’s tumour,a isang uri ng cancer sa kidney, ay maaaring magdulot ng dugo sa ihi, ayon sa KKH.
Ito ay bihirang uri ng cancer na nakaka-apekto sa mga bata at kadalasang nakikita sa isang kidney. Ganunpaman, minsan at maaari rin itong maka-apekto sa parehong kidney.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa cancer sa bata, mangyaring bumisita sa Children’s Cancer Foundation.