Candy Pangilinan: "Kapag nakikita nila si Quentin, feeling nila sasaktan sila... they just want to have more friends."

Si Candy masaya na sa ngayon ay unti-unti ng natatanggap ng lipunan ang mga batang neurodivergent tulad ni Quentin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Candy Pangilinan ginagawa ang lahat para maibigay ang pangangailangan ng only son niyang si Quentin.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Candy Pangilinan as a mom to son Quentin.
  • Ano ang style ng pagpapalaki ni Candy kay Quentin.
  • Paano binago ng anak niyang si Quentin ang buhay ni Candy Pangilinan.

Candy Pangilinan as a mom to son Quentin

Proud na ibinabahagi ng aktres na si Candy Pangilinan kung paano niya inaalagaan at ginagampanan ang role ng pagiging isang ina sa only son niyang si Quentin. Si Quentin ay isinilang na nagtataglay ng kondisyon na kung tawagin ay autism spectrum disorder (ASD) at attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Siya ngayon ay 17-anyos na.

Kuwento ni Candy sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Pia Arcangel, challenging ang pagiging ina sa isang batang may special needs. Ibinahagi niya rin na sa ngayon ang bagong term sa mga batang tulad ng anak niyang si Quentin ay tinatawag na neuro divergent. Dahil paliwanag ng siyensya, may kaugnayan sa utak at hormones ang nasabing kondisyon.

Sa kaso ni Quentin, pagbabahagi pa ni Candy pinagagawa niya ang lahat ng puwedeng gawin ng anak para maging busy. Paniniwala niya sa ganitong paraan ay mas nag-iimprove ang kondisyon ng anak at mas naiintindihan nito ang mundong kaniyang ginagalawan.

“I think importante ‘yon na i-include natin siya sa mundo na nangyayari kahit na meron sila ng sinasabing neuro divergent.”

Ito ang sabi ni Candy.

Ito na nga daw ngayon ang advocacy niya. Hindi lang para sa anak kung hindi para narin sa iba pang mga batang nakakaranas rin ng parehong kondisyon.

“My advocacy is inclusion. I want to promote inclusion and acceptance within the community. These children shall be slowly accepted sa community given that respect and opportunity to be able to work and be sustainable and dependable.”

Ano ang style ng pagpapalaki ni Candy sa kaniyang anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Candy Pangilinan

Para sa anak na si Quentin, ginagawa ito ni Candy sa pamamagitan ng pagpapagawa sa anak ng iba’t ibang activities na kung saan mag-ienjoy siya at matututo. Isa na nga raw rito ang pagpapasok sa anak sa seminaryo na kung saan may mga taong naiintindihan ang kalagayan ni Quentin.

“Nilalabas ko siya, pinapa-serve ko siya sa Church. Una sa big church ko siya pina-serve. Kaso hindi natin maiiwasan dahil nga mahina ang focus niya minsan nadi-distract ang ibang mass goers. So we decided na ilipat siya sa mas maliit so sa seminaryo ko siya pinagse-serve.”

Ang vlog nga daw ni Candy Pangilinan ay para rin sa anak. Ginawa niya daw ito hindi lang basta mag-inform sa mga magulang na tulad niya na may anak na special needs. Ito ay ginagamit niya rin daw na paraan para makipag-bonding sa anak na si Quentin. Ganoon rin upang ma-boost ang self-confidence nito.

Ngayon masaya siya na sa pamamagitan ng kaniyang vlog at pati narin sa isinulat niyang libro ay mas naging informed ang marami tungkol autism. Kung noon daw ay natatakot ang marami sa anak, ngayon ay unti-unti na itong natatanggap ng lipunan na labis na ikinatutuwa ni Candy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Compared to dati parang sakit na kami. Kapag nakikita nila sa Quentin, feeling nila sasaktan sila, may gagawing masama sa kanila, ilalayo nila anak nila. They don’t know that these children are not capable of hurting. They are more caring and they just want to please, just want to have more friends and be included.”

Paliwanag pa ni Candy, hindi niya sinisigurado sa lahat ng mga magulang na may anak na tulad ni Quentin na magwo-work din sa kanila ang strategy ng ginagawa niya. Mahalaga daw na isipin na ang bawat bata ay unique at mayroon ring iba’t ibang pangangailangan.

Paano binago ng anak niyang si Quentin ang buhay ni Candy Pangilinan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Candy Pangilinan

Minsan nang ibinahagi ni Candy sa isang hiwalay na panayam kung paano nabago ng anak na si Quentin ang kaniyang buhay. Marami daw siyang learnings sa anak. Kaya hirap man minsan sa kondisyon nito, blessing ang tingin ni Candy kay Quentin.

“Ngayon iniisip ko kung hindi si Quentin ang anak ko baka nandoon pa ako sa dati kong buhay. Baka lumalabas pa rin ako, baka nandoon pa rin ako sa mga kapritso ko.”

“With all the affirmations I am getting, na-realize ko marami rin palang nanay ang dumadaan sa ganito. and they need the encouragement also and they need hope.”

“He is my ticket to heaven kasi grabe ‘yong itinuro niya sa ‘kin. Iyong pasensiya, iyong tolerance saka iyong to live simply.”

Si Quentin rin umano ang nagturo kay Candy na magkaroon ng simpleng buhay. Ganoon rin ang paniniwalang, hangga’t wala kang ginagawang masama ay wala kang problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement