Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

Si Carla hindi din inaalis ang posibilidad na pakikipagkaibigan kay Tom kung sakali man.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Update kanila Carla Abellana at Tom Rodriguez: Carla ready na umano na makaharap si Tom matapos ang kanilang naging paghihiwalay.

Mababasa dito ang sumusunod:

Hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez

Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

Hunyo ng nakaraang taon ng lumabas ang balitang hiwalay na ang showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriquez. Sa isang panayam ay ibinahagi ni Carla na napakaraming dahilan ng kanilang naging paghihiwalay na mag-asawa. Kasama na dito ang kawalan ng respeto sa kaniya at paulit-ulit umano na kasinungalingan ni Tom.

“Napaka daming dahilan. But basically, bottom line po is kumbaga umabot na po sa breaking point. Sobra na po. There was still disrespect, all the lying, and all that. There was no change. Hindi po ‘yon first time na nangyari sa’min pero ito po ay taken to a different level. Extreme na po, mas malala na.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Carla noon na sinabing nagdulot din daw ng anxieties at trauma sa kaniya.

Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Carla Abellana sa kung sakaling magkaharap sila ngayon ng ex niyang si Tom Rodriquez

Pero sa ngayon matapos ang isang taon, sa latest na interview kay Carla ay sinabi niyang ready na siya na makaharap si Tom.

“Na-prepare ko ‘yung sarili ko. Parang wala na po. Wala na akong mararamdaman kung sakali man pong mangyari ‘yon or kung mangyari man na po yun, Kumbaga, kilala ko po ang sarili ko, parang ganu’n po. Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

Sinabi rin ng aktres na hindi niya isinasara ang pinto sa kung sakali mang pakikipagkaibigan sa ex-husband niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ayoko pong, kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen. So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set.”

Ito ang sabi pa ni Carla.

Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement