Carla Abellana hindi pa masagot ng "yes or no" kung mahal pa ba niya si Tom Rodriguez

Carla Abellana nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez, ayon sa aktres hanggang ngayon ay masakit pa rin daw ang nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Carla Abellana nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ng aktor at dating asawa nitong si Tom Rodriguez, ayon sa aktres hanggang ngayon ay masakit pa rin daw ang nangyari.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Carla Abellana hindi pa masagot ng "yes or no" kung mahal pa ba niya si Tom Rodriguez
  • Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Carla Abellana hindi pa masagot ng "yes or no" kung mahal pa ba niya si Tom Rodriguez

Hindi pa masagot ni Carl Abellana kung tuluyan na ba niyang hindi mahal si Tom Rodriguez ngayon. | Larawan mula sa Instagram accounts nina Carla Abellana at Tom Rodriguez

Umingay noong mga nakaraang buwan lamang ang kaliwa't kanang hiwalayan ng mga showbiz couple. Isa na nga sa bumulagang balita sa netizens at fans ay ang hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kinumusta sa isang interview ng GMA News show na 24 Oras ni Nelson Canlas, si Carla Abellana. Sa ngayon daw ay inalagaan niyang mabuti ang kaniyang puso dahil sa mga nangyari.

"Okay my heart? Is I don't know where to find! Hindi ko alam kung nasaan ang heart ko, nawawala!" Pagre-react ni Carla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Sa dami ng pinagdaanan ng puso dapat alagaan. So inaalagaan ko, inaalagaan ko 'yong sarili kong heart."

Napag-usapan din kung hanggang ngayon ba ay nasasaktan pa rin ang aktres sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez. Bagay na sinagot niya ng,

Dagdag niya, “But ang pain kasi doesn’t disappear overnight. Gustuhin mo mang mawala na ‘yong pain, it’s — in a way— something you can not control."
 
Para sa kanya, kinikilala niya raw na nandyan pa ang sakit na nararamdaman niya. Naniniwala rin siyang matagal na proseso pa ito bago siya tuluyang magheal.

“I recognize it enough na nandyan pa (that it’s still there), definitely,” sagot niya.

“Ayokong sabihing wala kasi hindi totoo ‘yon. Nandyan pa 'yan at matagal pa ‘yong proseso.”

Hanggang ngayon pa nga raw hindi pa nagsi-"sink-in" sa kanya ang salitang "divorce" lalo na nandito siya ngayon sa Pilipinas.

"Number one kasi divorce doesn't exist in the Philippines, dahil ang foreign ng divorce. Wala kasi sa atin, at hindi pina-practice dito. Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in."

Samantalang na-obtain naman ni Tom Rodriguez ang divorce decree ngayong nakatira na siya sa United States.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinuwento rin ng aktres na mula raw noong nagkita sila nitong February ay hindi na nag-reach out si Tom para kausapin siya. Dinagdag niya rin na kung sakali raw na tatawagan pa siya ng dating asawa ngayon ay hindi niya ito sasagutin. Hindi pa rin daw kasi siya handa para makausap ito.

Para kay Carla Abellana, ibang version na raw ng sarili niya ang nakikita niya sa ngayon. | Larawan mula sa Instagram account ni Carla Abellana

"Oh my gosh! Woah hot seat ito!" Ito naman ang unang naging reaksyon niya nang tanungin siya kung mahal pa ba niya si Tom,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Honestly, hindi ko masasagot ng yes or no." Para raw kasi sa kanya, hindi naman madaling mawala ang love na kanyang naramdaman sa dating asawa na si Tom.

“Like I said, ‘yong love naman hindi siya nagdi-disappear or parang hindi mo nababawasan nang kusa,”

Labis namang pinasalamatan ang kanyang family and friends. Ang mga ito raw kasi ang nagsilbing support group niya noong mga nakaraang buwan na nagsuffer siya mula sa hiwalayan. Sa ngayon daw kasi ay nagpopokus siya sa self-care at self-love niya. Naniniwala rin siya na ibang version na rin ang Carla na mayroon siya ngayon,

"I agree na 'yong Carla today hindi naman same noong Carla a few months back or Carla last year."

Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Dahil daw sa one night stand kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. | Larawan mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez at Carla Abellana

Matatandaang naunang umingay ang hiwalayan ni Tom Rordriguez at Carla Abellana nitong bungad lamang ng taong 2022, Januray. Tatlong buwan lamang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib noong October 2021.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Uminit ang usaping ang dahilan daw ng hiwalayan ng dalawa ay ang pagcocommit ng infidelity ni Tom kay Carla. Kinwento ng ama ni Carla na si Tom daw mismo ang nagsabi sa kanya sa nangyaring insidente. Ayon dito, natukso at napasok daw sa isang one-night stand ang aktor.

Dito raw nagsimula ang lahat. Hindi raw nais tanggapin ni Carla ang pagkakamaling ito. Kaya naman inihanda kaagad ni Carla lahat ng papeles na kailangan para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Nagsampa na ng annulment ang aktres sa korte para maging pormal ang kanilang hiwalayan ng dating asawang si Tom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva