Ama ni Carmina Villaroel na si Daddy Reggie pumanaw na.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pagpanaw ng ama ni Carmina Villaroel.
- Relasyon ni Carmina Villaroel at amang si Daddy Reggie Villaroel.
Pagpanaw ng ama ni Carmina Villaroel
Pumanaw na ang ama ni Carmina Villaroel na si Daddy Reggie Villaroel. Ito ang malungkot na balitang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account.
Sa nasabing post ay hindi idinetalye ni Carmina ang naging dahilan ng pagkamatay ng ama. Bagamat sa kaniyang pamamaalam ay ibinahagi niya ang lumang larawan ng ama kasama ang inang si Menchu na sa wakas ay magkakasama ng muli sa kabilang buhay.
“Daddy Regy you’re reunited with Mommy Menchu. Your one and only. Your first and last. ”
Ito ang sabi ni Carmina sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
Agad namang nagpadala ng kanilang mensahe ng pakikiramay ang mga kaibigan ni Carmina sa industriya ng showbiz. Sa kaniyang naturang Instagram post ay ito ang mga mensahe ng celebrity friends ni Carmina sa naging pagpanaw ni Daddy Reggie na kilala ring sa tawag na si Daddy Groovy.
sherilynrtan: Mins sorry for your loss! Prayers for Daddy Groovy.
marjbarretto: Our deepest condolences.
Sa kaniyang pinakabagong Instagram post ay may maikli pero puno ng pagmamahal na mensaheng inalay si Carmina sa kaniyang ama.
“Will forever be your baby girl. I love you daddy Regy. I miss you already.”
Ito ang sabi ni Carmina kalakip ang larawan niya na yakap yakap ang naka-frame ng litrato ni Daddy Reggie.
Ang isa sa mga kambal ni Carmina na si Mavy ay may mensahe ring inalay sa pumanaw niyang Lolo. Pinasalamatan niya ito sa mga bagay na nagawa ni Daddy Reggie sa kanila. At sinabing iingatan niya ang kaniyang ina na si Carmina Villaroel para dito.
“Thank you for everything, daddy groovy. thank you for being so strong for all of us.”
“Rest easy but keep drinking pilsen for me up there! Cheers! It’s not easy, I know you hate to see us cry. I’ll do my best to smile. Don’t worry, I’ll keep mom safe. We love you!”
Ito ang sabi ni Mavi na napa-throwback rin sa mga luma nilang larawan kasama ang kaniyang lolo.
Ang isa pa sa mga kambal na si Cassy, may maikling mensahe rin para sa kaniyang Daddy Reggie.
“The strongest man I know. I love you forever Daddy Groovy. Fresh air Daddy Regy.”
Ito naman ang sabi ni Cassy.
BASAHIN:
Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!’”
Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: “Grabe ‘yong takot niya.”
Carmina Villaroel minsang naisip na mag-quit sa pag-aartista: “Para lang magkaroon ako ng peace of mind.”
Relasyon nina Carmina at amang si Daddy Reggie
Sa Father’s Day tribute ni Carmina sa kaniyang ama noong nakaraang taon, sinabi niyang ang katagang “fresh air” ay isa sa lagi niyang sinasabi sa ama bago sila matulog. Ang katagang ito naituro at naipasa niya rin sa kambal. Inalala niya rin kung paano siya inaalagaan ng ama at pinararamdam sa kaniya ang pagmamahal nito.
“When I was a little girl, you would always bring me to school and I thank you for that. Every night, you would always check on my legs to see if I have black and blue (batang kalye po kasi ako).
“You would always get nervous every time I ride the bike. When all of us were about to sleep, you would go to work and I prayed to GOD every night to keep you safe all the time. I would always say goodnight, sweet dreams… Fresh air! And now, that’s how I say goodnight to the twins, but with a little twist.”
Ito ang bahagi ng Father’s Day tribute ni Carmina sa kaniyang amang si Daddy Reggie noong nakaraang taon.
Samantala, nitong Pebrero, sa kanilang vlog ay ini-reveal ng aktor na si Zoren Legaspi ang tunay na dahilan sa biglaan at surprise wedding niya noon para kay Carmina. Ito ay ama niyang si Daddy Reggie.
“Ang isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si daddy Reggie. Bibigyan ng hip replacement. Wala ka kasi dun sa meeting ng doctors with your family and siblings so ako yung nag-represent sayo sa meeting na yun.”
“Sabi nung doctor kapag ginawa yun, 50-50 si daddy Reggie. Then sabi ko ‘Yun lang ba talaga yung option? Then it hit me. Sabi ko ‘Kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni daddy Reggie, useless. Kasi wala na mama mo tapos kapag naglakad ka doon wala pa daddy Reggie mo, so for me, useless siya.”
Ito ang naiiyak na kuwento ni Zoren na ikinabigla ni Carmina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!