X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

Ang mga dapat gawin ni mister bago subukan magkaroon ng baby

5 min read
Ang mga dapat gawin ni mister bago subukan magkaroon ng babyAng mga dapat gawin ni mister bago subukan magkaroon ng baby

What are the causes of male infertility?

Ang fertility ng lalaki ay hindi nagiging issue. Hangga't magkaroon na ng problema kapag ang mag-asawa ay nagsimula nang sumubok magkaroon ng baby. Marami ang pwedeng cause of male infertility. Kaya naman napipilitan ang mga asawang lalaki na mag-lifestyle change kapag ito ay nangyayari.

Bago subukan ng mag-asawa na magka-anak, dapat magpatingin ang lalaki. Kailangan kasi ng mahigit 2 buwan na paghahanda dahil kung hindi mag-aayos ang lalaki, pwede maging at risk ang babae at magiging anak nila.

3 bagay na cause of male infertility

Weight

cause-of-men-infertility

Nagugulat madalas ang mga lalaki dahil hindi nila alam na nakakaapekto ang kanilang timbang sa fertility. Ang pagiging overweight kasi ay nagdudulot ng mas konting sperm count at mas mabagal na sperm movement. Nababawasan kasi ang testosterone ng mga lalaking overweight. Ang testosterone ay kailangan para sa erection during sex kaya naman ito ay importanteng ma-maintain. Ang obesity ay maari ring makaapekto sa genes ng bata. Dahil kung obese ang lalaki, maaring magka-diperensya ang sperm niya.

Lifestyle

cause-of-men-infertility

Ang pagsisigarilyo ay makakaapekto rin sa genes ng bata. Madalas na natin naririnig na ang buntis ay hindi dapat nagsisigarilyo, pero ibig sabihin ba nito ay exempted ang magiging ama? Ang risk ng infertility ay doble kumpara sa mga non-smokers. Isang taon naman ang kailangan para ma-reverse ang effects nito. Mataas din ang risk ng cancer sa mga bata na may tatay na smoker. Kaya naman kung gusto mong maging healthy ang inyong baby, oras na para mag-lifestyle change!

"Smoking kills you, right? We can all agree on that. Well, out of all the time in your life you'd want to get your act together. To renovate your lifestyle and stop smoking, do it just before your first child." Pahayag ni Professor McLachlan.

Age

cause-of-men-infertility

Ang quality at dami ng sperm ay nababawasan din sa mga lalaki na lagpas 45 years old. Ibig sabihin nito ay mataas ang risk ng miscarriage at mahirap din na magkaanak. Maaring sa lalaki ang problema pero ang babae rin ang mahihirapan.

Ayon ulit kay Professor McLachlan, “Of course, if there are fertility problems stemming from the male, he has erectile problems or whatever, it could be that she gets treatment given to her. Assisted reproduction procedures can come at some burden to her, but it’s a male problem.”

Maaaring aware ang mga lalaki sa biological clock ng mga babae. Pero ang preconception counselling ay kailangan pa rin para mas matulungan sila. Ayon sa mga eksperto, mas maigi na malaman agad ang kondisyon ng isa't isa para rin maging madali at tama ang paraan ng kanilang pagsubok na magka-anak.

Paano malalaman kung baog ka?

Ang mga sanhi ng pagkabaog ng lalaki ay nag-uugat sa hindi pagkakaroon ng malusog na sperm na importante sa fertilization process para makabuo ng isang baby.

Ayon sa isang pag-aaral, ang infertility o ang hindi pagkakaroon ng anak ay umaapekto sa 15% ng mga mag-karelasyon sa buong mundo. Ang porsyentong ito ay aabot sa bilang na 48.5 million couples na kung saan kalahati sa mga kaso na ito ay sanhi ng pagkabaog ng lalaki o male infertility.

Ang kondisyon na ito na pinagdadaaanan ng ibang mga lalaki ay itinuturing na isang significant health problem sa buong mundo na naging daan upang gumawa ng mga treatment at products of technology para masolusyonan ito.

Sintomas ng pagkabaog ng lalaki

Maliban sa walang kakayahang makabuntis, may iba pang sintomas ang iniuugnay sa male infertility. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pabalik-balik na respiratory infection
  • Walang sense of smell
  • Abnormal na paglaki ng suso ng lalaki o gynecomastia
  • Paglalagas ng buhok sa mukha o katawan o iba pang senyales ng chromosal o hormonal abnormality

Para naman malaman kung baog nga ang isang lalaki ay dadaan siya sa mga test na ito upang makumpirma ang sitwasyon niya.

  • Semen analysis para malaman ang quality at number ng sperm
  • Blood test para ma-check kung ang lalaki ay may infection o hormonal problems
  • Pagkuha ng fluid sa penis para macheck kung may infection ito
  • Physical examination sa penis, scrotum at prostate

Samantala, may mga paraan naman na maaring gawin para magamot ang male infertility.

  • Pag-inom ng mga gamot o supplement para madadagdagan ang sperm production
  • Pag-inom ng antibiotics para magamot ang infection
  • Pag-tetake ng hormones para maayos anf hormonal imbalance
  • Iwasang maligo ng matagal sa hot showers, hot tubs o sauna
  • Iwasang mag-suot ng maluluwag na underwear
  • Pagkakaroon ng healthy lifestyle at pagtigil sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng illegal na droga

May mga options din ang mga mag-karelasyon na maaring subukang gawin para masolusyonan ang pagkabaog ng lalaki at magkaanak.

  • Artificial insemination o ang procedure na maaring gawin kung mababa ang sperm count ng isang lalai. Dito kokolektahin ang sperm ng lalaki matapos ang multiple ejaculation at ilalagay sa sinapupunan ng babae.
  • In vitro fertilization o ang pag-fefertilize ng sperm at egg cells sa isang laboratory na kinalaunang ilalagay sa sinapupunan ng babae
  • Paggamit ng donor sperm mula sa isang sperm bank na ilalagay sa sinapupunan ng babae sa pamamagitan ng artificial insemination.

Kung nakakaramdam ng sintomas ng pagkabaog, huwag mag-atubiling kumonsulta sa duktor.

 

Partner Stories
Top Picks for Christmas Gifts from Marks and Spencer
Top Picks for Christmas Gifts from Marks and Spencer
5 signs that let you know your house needs repainting
5 signs that let you know your house needs repainting
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel
Breaking the bias with women creators on YouTube
Breaking the bias with women creators on YouTube

This article was first published in Kidspot and was translated with permission from theAsianparent SG.

BASAHIN: Here’s how many times you should have sex in order to conceive

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

ddc-calendar
Get ready for the baby’s arrival by adding your due date.
OR
Calculate your due date
img
Written by

mayie

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Trying to Conceive
  • /
  • Ang mga dapat gawin ni mister bago subukan magkaroon ng baby
Share:
  • Stop asking women when they’re having kids

    Stop asking women when they’re having kids

  • Can you get pregnant after an endometriosis treatment?

    Can you get pregnant after an endometriosis treatment?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Stop asking women when they’re having kids

    Stop asking women when they’re having kids

  • Can you get pregnant after an endometriosis treatment?

    Can you get pregnant after an endometriosis treatment?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pagbubuntis.