Here are ways on celebrating birthday coronavirus free sa loob ng inyong bahay na mai-enjoy ng anak mo.
Celebrating birthday coronavirus free
Malapit na ba ang birthday ng anak mo? Ngunit hindi mo pa alam kung paano ipagdiriwang ito dahil sa kasalukuyang sitwasyon? Huwag mag-alala dahil may mga paraan na maari ninyo paring i-celebrate ang birthday ng anak mo kahit nasa loob ng inyong bahay. At ito ay siguradong espesyal parin at mai-enjoy niya. Ang mga paraan na ito ay ang sumusunod:
1. Maghanda ng simpleng party para sa buong pamilya
Maari ninyo parin namang i-celebrate ang birthday ng anak mo sa pamamagitan ng isang party. Pero imbis na mang-imbita kayo ng bisita ay gawin ninyong exclusive lang ito para sa buong pamilya. Puwede kayo maghanda ng konti tulad ng paborito ng pamilya na pancit o spaghetti. Kung walang cake ay puwedeng alternative ang cupcakes, jell-o, doughnuts o cookies. Imbis na bumili ng balloons ay pwedeng gumupit ng iba-ibang disenyo ng colored paper bilang dekorasyon. Hindi mahalaga kung gaano karami ang handa o bisita ng iyong anak sa kaniyang kaarawan. Ang mahalaga ay ang maipagdiwang ninyo ito ng sama-sama.
Kung gusto mo namang maghatid ng pagbati ang mga kaibigan ng iyong anak sa kaniya ay gawin ito online. Sa pamamagitan ng video chat o video greetings. O kaya naman ay gawin live sa Facebook ang kaniyang simple birthday celebration na kung saan mapapanood rin ng inyong kapamilya na nasa ibang lugar.
2. Magsagawa ng treasure o scavenger hunt sa loob ng inyong bahay
Isang exciting way upang ma-celebrate ang kaarawan ng iyong anak ay sa pamamagitan ng treasure hunt. Puwedeng gawin ito sa pamamagitan ng pagbabalot ng candies sa makukulay na papel o plastic. Saka ito itago sa iba’t-ibang sulok ng inyong bahay ng hindi nakikita ng iyong anak.
Matapos mai-pwesto at maitago ang mga candies ay kausapin ang iyong anak at iba pang miyembro ng pamilya sa activity ng iyong hinanda. Saka sila bigyan ng clue kung saan matatagpuan ang mga treasures na puwede na nilang kainin kapag kanilang nakita. Mas magiging exciting ang hunting kung may upbeat music na pinatutugtog habang ginagawa nila ito. Sa ganitong paraan ay hindi lang ang anak mong may birthday ang mag-ienjoy kung hindi pati narin ang iyong buong pamilya.
3. Gumawa ng fort gamit ang mga kumot sa inyong bahay
Gawing espesyal ang kaarawan ng iyong anak sa pamamagitan ng isang role playing na laro. Isipin kunyare na kayo ay nasa isang palasyo na kung saan ang iyong anak ay ang prinsesa o prinsipe na inyong pagsisilbihan sa araw ng kaniyang kaarawan. Mas gawing makakatotohanan ang inyong laro sa pamamagitan ng paggawa ng fort gamit ang kumot at unan na kaniyang magiging palasyo.
Paghandaan rin siya ng mga pagkain. Maaring ang pinaka-paboritong nyang putahe o kaya naman ay mga hotdogs, chips at juices na magugustuhan siya. Syempre dahil siya ang prinsipe o prinsesa sa araw na iyon ay kailangan ninyo siyang bigyan ng paggalang. Ito ay sa pamamagitan ng pagsalubong sa kaniya ng masigabong palakpakan at masiglang kanta ng maligayang kaarawan.
4. Arts and crafts
Isa pang paraan na siguradong mai-enjoy ng iyong anak ang kaniyang kaarawan ay sa pamamagitan ng arts and crafts. Gamit ang mga makukulay na papel o kahit anumang recycled materials ay i-encourage ang iyong anak na gumawa ng obra maestra na gusto niyang maging remembrance ng kaniyang kaarawan. Siguraduhin lang na mayroon siyang meryenda habang isinasagawa ito. Tulad ng French fries o burgers na kung saan may dekorasyon ng pagbati para sa birthday niya.
5. Manood kayo ng movie sa bahay ng buong pamilya
Bilang isang bata wala ng mas sasaya pa na makasama ang kaniyang buong pamilya sa kaniyang kaarawan. Lalo na kung kayo ay gagawa ng isang activity na magkasama. Tulad ng panonood ng pelikula na siguradong makaka-relate ang inyong pamilya. Gawin lang mas espesyal ito sa pamamagitan ng pagpapapatay ng ilaw sa inyong bahay tulad ng set-up sa isang sinehan. Maghanda rin ng pica-pica para sa pamilya na maari ninyong papakin habang nanonood. Tulad nalang ng popcorn, nachos, chips o corn bits.
Para mas magkaroon naman ng impact ang inyong panonood sa kaniyang kaarawan ay humanap ng pelikula na maiugay rito. Isang pelikula na makakapagpaliwanag sa iyong anak na higit sa ano pa mang bagay, wala ng mas sasaya pa sa sama-sama ang buong pamilya sa kaarawan niya.
SOURCE: Holidappy, Happy Home Fairy
BASAHIN: Mga dahilan kung bakit dapat mong i-celebrate and 1st birthday ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!