May plano ka na ba sa 1st birthday celebration ni baby? Kung nagdadalawang-isip parin kung i-cecelebrate ito o hindi, narito ang ilang dahilan kung bakit dapat itong ipagdiwang.
1st birthday celebration ni baby
Ang birthday o kaarawan ang isa sa mga selebrasyon na inaalala at madalas nating ipinagdidiwang. Ito ay dahil isang taon na naman ang nadagdag sa ating buhay. Kaya naman dapat lang na ito ay ipagdiwang at pasalamatan.
Ngunit para sa mga bata, isa sa madalas na nagiging dahilan ng mga magulang kung bakit hindi ito ipinagdidiwang ay dahil sa hindi pa daw nila ito matatandaan. Lalo na kung siya ay mag-iisang taon palang. Isa ka rin ba sa may ganitong pag-iisip tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ng iyong anak? Kung papalapit na ang 1st birthday celebration ni baby, narito ang ilang dahilan na dapat mong isaalang-alang kung bakit dapat itong ipagdiwang.
5 dahilan kung bakit dapat i-celebrate ang 1st birthday ni baby
1. Ang celebration ay hindi lang naman para kay baby.
Oo nga’t may punto ang dahilan na hindi pa matatandaan ng iyong anak ang kaniyang 1st birthday celebration. Ngunit isang perfect na okasyon ito para sayong pamilya at malalapit na kaibigan na muli kayong makasama. At syempre ang makita at makilala si baby na kanilang magagabayan habang siya ay lumalaki na.
2. Dapat itong i-celebrate dahil na-survive at naging healthy si baby sa kaniyang unang taon.
Alam nating ang mga sanggol ay may mahihina pang katawan. May mga kaso ngang ilang sanggol ang bigla nalang binabawian ng buhay sa hindi pa tukoy na dahilan. Ito ay tinatawag na Sudden Infant Syndrome o SIDS na madalas na nangyayari sa mga batang isang taong gulang pababa. Kaya naman hindi mo ba dapat ipagdiwang na nalampasan ito ng iyong anak? At siya ay malakas at lumalaking maayos sa pagdaan ng araw?
3. Ang first year ni baby ay isang achievement din para sa inyong mga magulang niya.
Isang achievement din na dapat i-celebrate ang nagampanan ninyo ng maayos bilang magulang ang pag-aalaga kay baby sa nakaraang taon. Lalo na ang mga sakripisyo tulad ng kawalan ng maayos na tulog at ang sakit ng pagpapasuso para sa mga ina.
4. Perfect time din ito na makipag-socialize sa iyong mga kaibigan matapos ang pagbubuntis at panganganak kay baby.
Matapos ang pagbubuntis at panganganak, ang 1st birthday celebration ni baby ay perfect time para muli kang makipag-socialize. Dito ay pwede ka na muling magsimulang bumalik sa mga bagay na ginagawa mo noon noong hindi ka pa buntis. Tulad ng pag-inom ng beer o wine habang nakikipagsayahan sa iyong mga kaibigan. Bagamat kung nagpapasuso ay kailangan mo ring magdahan-dahan.
5. Ang mga yugto na ito ng buhay ni baby ay ang dapat mong ipunin at pagkaingatan.
Oo nga’t hindi pa matatandaan ni baby ang kaniyang 1st birthday celebration. Pero maipapakita mo sa kaniyang paglaki kung paano naging masaya ang inyong pamilya at kaibigan ng ipagdiwang ang unang kaarawan niya. Ito ay sa pamamagitan ng mga litrato o video na nagpapakita ng kaniyang cute na mukha. Sa pamamagitan nito ay mararamdaman niya ang kaniyang halaga sa pagdating sa inyong buhay. At mas maappreciate niya kayo bilang magulang at pamilya na kahit wala pa siyang muwang ay hindi naging dahilan ito upang hindi ninyo iparamdam sa kaniya na siya ay minamahal at tunay na pinapahalagahan.
Sana ay naging malinaw ang mga dahilan na ito kung bakit kailangang ipagdiwang ang 1st birthday ni baby. Ngunit, hindi naman nangangahulugan ito na dapat maging bongga at engrande ang 1st birthday celebration ni baby. Basta’t kompleto ang pamilya, sama-sama at may konting handa mesa ay sapat na para maipagdiwang ang kaarawan niya.
Basahin: Jollibee party at iba pang kiddie party packages para sa birthday ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!