Take a look at some of the celebrity Christmas celebrations this 2021.
Mababasa sa artikulong ito:
- Celebrity Christmas 2021: Ang pagdiriwang ng pasko ng mga sikat.
- Paano ginawang merry at meaningful ng mga celebrity ang pasko kasama ang kanilang pamilya.
Celebrity Christmas 2021: Ang pagdiriwang ng pasko ng mga sikat
Tunghayan kung paano ipinagdiwang ng mga paboritong mong mga Filipino celebrities ang pasko kasama ang kanilang pamilya.
1. Nadine Samonte and family
Image from Nice Print Photography
Masayang sinalubong ni Nadine Samonte at mister na si Ryan Chua ang Pasko kasama ang bagong silang nilang baby na si Harmony at mga anak na sina Heather at Titus.
Sa isa sa kaniyang Instagram post ngayong pasko ay naging emotional si Nadine. Dahil sabi ng aktres noong una ay isang anak lang ang hiniling niya.
Pero ngayon ang mga ito ay naging tatlo na super worth it naman daw sa kabila ng hirap na naranasan niya sa pagbubuntis dahil sa sakit na APAS at PCOS. Kaya si Nadine certified one proud momma!
“Nakakaiyak ‘pag nakikita ko mga anak ko sobrang worth it talaga lahat ng hirap na dinanas ko. I am one proud momma.”
Ito ang nasabi ni Nadine sa kaniyang Instagram account.
2. Roxanne Guinoo and family
Celebrity Christmas 2021/ Image from Nice Print Photography
Picture-perfect family naman kung tingnan sa kanilang Christmas fmaily photo ang aktres na si Roxanne Guinoo kasama ang kaniyang pamilya. Si Roxanne ay kasal sa Fil-Chinese businessman na si Elton Yap. Sila ay may dalawang anak na sina Rally at Reine. Si Sophia naman ay anak ni Elton sa dati niyang nobya na si Joanne Villablanca.
3. Ciara Sotto and son
Simple but elegant naman ang naging Christmas photoshoot ng mother and son na si Ciara Sotto at 6-year-old niyang anak na si Crixus. Si Crixus ay anak ni Ciara sa businessman na si Jojo Oconer bagamat sila ay nagkahiwalay na noong 2016.
View this post on Instagram
4. Richard Gutierrez and Sarah Lahbati family
Very sweet naman ang naging selebrasyon ng pasko ng pamilya nila Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Sapagkat pagbabahagi ni Sarah gumawa ng Christmas letters ang anak niyang si Zion para sa bawat isa sa kanila.
View this post on Instagram
5. Chito and Neri Miranda family
Hindi naman pinalampas nina Chito at Neri Miranda na mag-post sa kanilang Christmas tree kasama ang mga anak na sina Sophia, Miggy at 2-months-old baby na si Cash.
Kamakailan lang ay naging malaking tanong kung sino si Sophia sa buhay nila Neri at Chito. Ayon kay Neri, ay adopted child ng kanilang pamilya si Sophia.
Ito umano ay dumating sa buhay nila anim na taon na ang nakakaraan na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng matanda ng ina ni Neri.
6. Juancho Triviño and Joyce Pring family
First Christmas naman as a family nina Juancho Triviño at Joyce Pring kasama ang anak nilang si Alonso Elam na 5-months-old na sa ngayon. Kaya naman hindi rin nila pinalampas na magkaroon ng Christmas family photoshoot na winter-inspired.
View this post on Instagram
7. Sunshine Cruz and daughters
Very sweet ay sexy naman tingnan si Sunshine Cruz kasama ang mga anak na sina Angelina, 18, Samantha, 16 at Francheska, 15 sa naging Christmas celebration nila. Para ngang magkakapatid lang kung tingnan si Sunshine at mga anak niya sa aktor na Cesar Montano.
8. Doug and Chesca Kramer
Nutcraker-themed naman ang naging Christmas photoshoot ng pamilya nila Doug Kramer at Chesca Garcia. Sa isa sa kaniyang Instagram post ay muling ipinakita ni Doug ang pagmamahal niya sa misis na si Chesca sa nakakatuwang paraan.
“Submit yourselves to your wives. Hehehe! Happy wife, Happy life! 😂😉🎄❤️”
Ito ang nasabi ni Doug sa kaniyang Instagram post.
Celebrity Christmas 2021/Image from Doug Kramer’s Instagram account
9. Drew and Iya Villania-Arellano family
All smiles in red naman ang pamilya ng mga host na sina Drew Arellano at Iya Villania ngayong Pasko. Kamakailan lang ay ibinahagi ng mag-asawa na nagsisimula na sila sa pagtayo ng kanilang dream house para sa mga anak na sina Primo, Leon at Alana.
10. Pratts family
Team yellow naman ang peg ng Pratts family ngayong Pasko. Sa larawang inupload ni Isabel Oli sa kaniyang Instagram account ay makikitang sama-samang sinalubong ng Pratts family ang Pasko. Si Isabel ay ang misis ng aktor na si John Pratts na kapatid ng nakilalang Princess Sarah ng pelikulang Pilipino na si Camille Pratts.
BASAHIN:
Ogie Diaz sa mga magulang: “‘Wag ipamulat sa anak na kailangan “kumita” ‘pag Pasko.”
9 na traditions sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas
#TipidTips para hindi mabaon sa utang ngayong darating na pasko
11. Marjorie Barretto and kids
Taon-taon ay kumpletong sinasalubong nina Marjorie at mga anak na sina Dani, Julia, Claudia, Leon at Erich ang Pasko. Pero ngayong taon ay may dagdag na miyembro sa Christmas family picture nila. Ito ay ang aktor na si Gerald Anderson na boyfriend ng aktres na si Julia Barretto.
12. Gonzaga family
View this post on Instagram
Nangharana naman ng kantang “We Wish You A Merry Christmas” with dance steps ang Gonzaga family sa kanilang Instagram account. Sa nasabing post ay makikitang kumpleto ang pamilya nina Toni at Alex Gonzaga. Si Toni kasama ang mister na si Paul Soriano at anak na si Seve. Habang si Alex naman ay kasama ang mister na si Mikee Morada. Kasama rin nila ang kanilang mga magulang na vloggers na ngayon na si Daddy Bonoy at Mommy Pinty.
13. Kylie Padilla and kids
View this post on Instagram
Tila na-enjoy naman ng aktres at single-mother na si Kylie Padilla at kaniyang mga anak na sina Alas at Axl ang naging Christmas celebration nila. Sina Alas at Axl very excited na pinagbubuksan ang mga regalo nila nitong Christmas eve.
14. Janella Salvador and Markus Paterson family
Wala mang maayos na kuha, kitang-kita naman na napakasaya ng naging selebrasyon ng pasko ng pamilya nila Janella Salvador at Markus Paterson. Dahil ang anak nilang si Jude ay tila wala sa mood na magpa-picture. Ang nasabi nalang ni Janella “The best Christmas family photo we could take for now. Welcome to the toddler life. Happy Holidays! 🎄”
15. Oyo Boy and Kristine Hermosa-Sotto family
Larawan ng isang masayang pamilya sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ngayong Pasko. Dahil sa ngayon ay lima na ang anak nina Oyo at Kristine na sina Kristian Daniel, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, Ondrea Bliss at ang pinakabagong dagdag sa kanilang pamilya na si Vittorio Isaac.
16. Rica Peralejo family
Kahit nag-ugly cry ang aktres na si Rica Peralejo kamakailan lang ng dahil sa hindi makakasama ang pamilya niya sa US ngayong Pasko ay mukha namang naipagdiwang niya ito ng masaya. Pero pagbabahagi niya ay muntik pa nilang makalimutang magpapicture ng kaniyang pamilya.
“Yung pag sobrang late nyo na narealize na wala pa pala kayong family Christmas photo tapos pinabalik mo isuot sa anak mo yung polo na tinanggal na nya habang naglalaro 😂”.
Ito ang nasabi ni Rica sa kaniyang Instagram account.
Si Rica ay kasal sa pastor na si Joseph Bonifacio. Sila ay may dalawang anak na sina Philip at Manu.
17. Manny and Jinkee Pacquiao family
Celebrity Christmas 2021/ Image from Jinkee Pacquiao’s Instagram account
Nagpaabot rin ng pagbati ng blessed Merry Christmas sa lahat ang pamilya nila Manny at Jinkee Pacquiao. Bagamat sabi ni Jinkee ay hindi kasing saya ng mga nakaraang pasko ang pagdiriwang nila ngayon. Ito ay dahil malayo sa kanila ang panganay na anak na si Jimuel. Ito ay kasalukuyang nasa US at nagtratraining na maging professional boxer rin tulad ng kaniyang ama.
18. Rodjuz Cruz and Dianne Medina family
Team Red din sina Dianne Medina at Rodjuz Cruz kasama ang isang taon nilang anak na si Joaquin ngayong Pasko. Kamakailan lang ay nagdiwang rin ng kanilang 2nd wedding anniversary sina Dianne at Rodjuz na ikinasal noong December 2019.
19. Zeinab Harake and Skusta Clee family
Cute na cute naman sa kanilang Christmas family photo ngayong taon si Baby Bia kasama ang mga magulang niyang sina Zeinab Harake at Skusta Clee, pati na ang kapatid na si Lucas.
20. Riva Quenery family
Ito naman ang first Christmas celebration ni Riva Quenery na siya ay isa ng ganap na ina sa baby nila ng boyfriend na si Vern Ong. Ang kanilang baby na pinangalang Athena Rae ay nagdalawang-buwan nito lamang December 12. Sabi ni Riva, nakuha na daw nila ang lahat ng gusto nila ng boyfriend na si Vern ng dumating sa kanilang buhay ang anak na si Athena.
“Athena’s first Christmas! 🎄✨ We got everything we ever wanted because we got you 🥺❤️ @athenaraeong.”
Ito ang sabi ni Riva sa kaniyang Instagram account.
21. Elisse Joson and McCoy de Leon family
First christmas din ngayon ng pamilya nila Elisse Joson at McCoy de Leon. Dahil sa ang araw na ito ay espesyal, ay talaga namang nagpa-design pa sina Elisse ng kanilang bahay para maging mas memorable ang unang pasko ng anak nilang si Felize.
View this post on Instagram
Merry Christmas sa ating lahat!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!