X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Celebrities who are first-time moms this Mother's Day

5 min read

Ilan sa mga inaabangan na kwento ng pagbubuntis ay nagmumula sa ating mga celebrity na first-time moms. Hindi biro ang kanilang pinagdaanan lalo't karamihan sa kanila ay nagdalang-tao kasabay ng pandemya.

Kaya naman bilang paggunita natin ng Mother’s Day ngayong 2022, ating balikan ang kwento ng kanilang pregnancy journey!

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Angeline Quinto nanganak na sa kaniyang baby boy
  • Winwyn Marquez sobrang mahal ang kaniyang first born
  • Elisse Joson at si baby Felize
  • Sam Pinto blessed kay Mia Aya
  • Dionne Monsanto nanganak sa Switzerland

angeline quinto baby Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Angeline Quinto, nanganak na sa kaniyang baby boy

Ibinahagi ni singer-songwriter-actress na si Angeline Quinto ang kanyang pregnancy journey bilang isa sa kabilang sa mga first time moms.

Matatandaan na kinumpirma ni Angeline ang kanyang pagbubuntis sa isang panayam kay Boy Abunda noong 2021.

Isinilang na ni Angeline sa kanyang bouncing baby boy nitong April 27.

Sa kanyang vlog na ‘D-day’ na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel nitong Mayo, kung saan ipinakita dito ang kanyang karanasan bago manganak.

Ayon kay Angeline, April 26 ng gabi nang maramdaman niya ang pananakit ng tiyan, at upang hindi gaanong maramdaman ang sakit ay inaliw pa ni Angeline ang kanyang sarili. Makikita sa video na sumasayaw pa ang aktres kahit humihilab na ang tiyan nito at nagawa pang mag-photoshoot.

Dahil nakatagilid ang ulo ng bata at mahihirapan sa normal delivery, ay nagdesisyon sila Angeline para sa caesarean section.

Pinangalanan ang kaniyang baby boy na Sylvio.

winwyn marquez first time mom Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Winwyn Marquez sobrang mahal ang kaniyang first born

Matatandaan na ibinahagi sa atin ni Miss Reina Hispanoamericana 2017 title holder, aktres at model na si Winwyn Marquez ang kanyang first ever pregnancy journey noong December 2021.

Ipinakilala na ni Winwyn sa social media ang kanilang newborn baby Luna Teresita Rayn noong May 1, sa pamamagitan ng kanyang IG post.

Naging mahirap man ang mga napagdaanan ni Winwyn sa kanyang pagbubuntis, lalo na nang tamaan sila ng nakakahawang sakit na COVID-19, ay hindi ito nakaapekto sa kanyang baby at isinilang ang kanyang malusog at magandang baby girl.

elisse joson mommy Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Elisse Joson at si baby Felize

Ginulat ni dating Pinoy Big Brother housemate Elisse Joson ang mga tagasubaybay ng reality show noong Oktubre 31, 2021 nang kanilang ibinalita kay Big Brother na sila ay mayroon nang baby girl.

Talaga naming nawindang ang maraming netizens sa pagbabahagi nila ng isang magandang balita ng kanyang partner na si Mccoy de Leon.

Kasunod ng kanilang pasabog na announcement sa PBB ay nagbahagi si Elisse sa kanyang YouTube channel ng isang video na may pamagat na “III. A Day In My Life.” Kung saan ipinasilip ni Elisse ang kaniyang naging pregnancy journey at buhay bilang isang first-time mom.

Naiyak pa ito sa pagkukwento ng kanyang unang makumpirma ang kanyang pagbubuntis dahil sa pinaghalong excitement at takot.

Sa huli ng video ay ipinakita ang isang masayang pamilya kasama ang kanilang napakagandang baby Felize.

mia semerad first time mom Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Sam Pinto blessed kay Mia Aya

May 5, 2021 nang inanunsyo ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad ang kanilang unang pagbubuntis.

Bilang isang sikat na aktres at model si Sam Pinto, maraming napapaisip kung paano nakayanan ni Sam ang mga pagbabagong naganap sa kanyang katawan.

Sa kanyang vlog na “Hello Sam *CANDID AND REAL* | Prenancy Edition” sinagot ni Sam ang mga katanungan ng kanyang mga tagasubaybay. Tulad na lamang ng paano nito tinanggap ang mga pagbabago sa kanyang katawan at mga nadagdag na timbang.

Aniya, agad naman itong tinanggap ni Sam dahil ang pagbabago sa katawan ay normal lamang sa pagbubuntis. Hindi rin naman pinapabayaan ni Sam ang kanyang sarili. Masaya naman si Sam sa mga pagbabagong ito.

Kahit na nahihirapan si Sam sa mga pagbabagong nararanasan sa katawan dahil sa pagbubuntis, ay nai-enjoy ang karanasan sa kanyang first time na pagdadalang-tao.

Naging ganap na mommy si Sam sa kanyang baby Mia Aya noong September 1, 2021.

dionne monsanto first time mom Larawan mula sa Instagram account ni Dionne Monsanto

Dionne Monsanto nanganak sa Switzerland

“Most exciting edventure yet” kung ilarawan ng aktres na si Dionne Monsanto ang kanyang pagbubuntis.

Inanunsyo ni Dionne Monsato ang kanyang pagbubuntis sa kanyang asawang si Ryan Standler sa pamamagitan ng isang IG post noong December 5, 2021, na may caption na “Best birthday & birthday gft so far.”

Matatandaang naninirahan na si Dionne sa Switzerland kung saan na rin siya na-engage at nagpakasal noong March 2021.

April 18, 2022 nang ipinanganak ni Dione ang kaniyang baby girl.

Ibinahagi ito ni Dione sa pamamagitan muli ng isang IG post na may caption na “I have the best view ever" habang pinapakita ang kanyang napakagandang baby girl.

BASAHIN:

Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!

Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: "Mother of two na ako."

Sa lahat ng ating first-time moms, maligayang pagbati sa parating na Mother's Day!

Mahirap nga naman ang unang pagbubuntis. Kung saan hindi mo alam kung ano ba dapat ang iyong dapat maramdaman, tuwa, kaba, takot, o kung excitement ba.

Maraming dapat aralin at ihanda bago pa man dumating ang ating little one.

Kaya naman para kina Angeline, Winwyn, Elisse, Sam, at Dionne, at sa lahat ng mga first-time moms, araw niyo ito!

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Shena Macapañas

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Celebrities who are first-time moms this Mother's Day
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.