Pamilya nila Cesar Montano at Sunshine Cruz nagsama-samang ipinagdiwang ang birthday ng bunsong anak nilang si Chesca sa Bali, Indonesia

Maliban sa kanilang tatlong anak, kasama ni Sunshine at Cesar ang bagong kinakasama ng aktor at panganay nitong si Diego Loyzaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cesar Montano at Sunshine Cruz muling nagkasama sa Bali, Indonesia sa 18th birthday ng bunsong anak nilang si Chesca.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Cesar Montano at Sunshine Cruz sa birthday ng bunsong anak nilang si Chesca.
  • Birthday celebration ni Chesca Montano.

Cesar Montano at Sunshine Cruz sa birthday ng bunsong anak nilang si Chesca

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

Kumpleto ang buong pamilya nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ng ipagdiwang ang birthday ng bunso nilang si Chesca. Maliban sa mga anak na sina Sam at Angeline, kasama rin nila sa birthday getaway sa Bali ang bagong partner ngayon ni Cesar pati na ang anak nila ni Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga.

Kahanga-hanga ngang pagmasdan ang relasyon ngayon ni Sunshine at Cesar matapos lumipas ng ilang taon ng sila ay maghiwalay. Ayon kay Sunshine, ang birthday celebration ngayon ng anak ay wish granted. Kaya naman masaya siya para dito.

“Wish granted on your 18th Birthday. We love you @chesca.montano. Happy 18th Birthday bunso!😘”

Ito ang sabi ni Sunshine sa isang Instagram post kalakip ang larawan nilang dalawa ni Chesca.

Birthday celebration ni Chesca Montano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

Makikita rin sa mga larawan na inupload ni Sunshine sa Instagram na nag-ienjoy rin sila ng ex niyang si Cesar. At talagang magkasundo sila ng bagong kinakasama nito na kasama rin nila sa birthday getaway ni Chesca.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang panganay ni Cesar na si Diego ay may sweet na mensahe rin sa bunso nila Cesar at Sunshine. Half-siblings man sila pero sa mensahe ni Diego sa kapatid ay makikitang buo ang pagmamahal niya para dito.

“The youngest isnt so young anymore, its crazy watching you three grow up. Now youre 18 @chesca.montano i feel like im 38. You used to be the quietest girl, now… youre the most makulit one amongst your sisters. Im excited to see you three grow even more. Kuya loves you and thanks for inviting this old man on your bali trip ❤️ Happy 🔞th.”

Ito ang birthday message ni Diego sa kapatid na si Chesca.

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Ang modern family set-up nila Sunshine at Cesar ay hinahangaan ngayon ng marami. Patunay na iba ang saya na dulot ng pagpapatawad at higit sa lahat ay pagkakaisa ng isang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement