Cesar Montano may love advice kay Diego Loyzaga: “He has to treat every girl right, especially the one na mapupusuan niya.”

Kuwento sa likod ng pagbabati ni Diego at Cesar, alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cesar Montano may bilin sa anak na si Diego Loyzaga sa kung paano dapat tinatrato ang mga babae.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Kuwento kung paano nagkabati ang mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga
  • Payo ni Cesar sa anak na si Diego sa kung paano magmahal ng isang babae
  • Kuwento ng lamat sa relasyon nina Cesar Montano at Diego Loyzaga

Kuwento kung paano nagkabati ang mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga

Image from Diego Loyzaga’s Instagram account

Nitong Marso marami ang natuwa ng mag-post si Diego Loyzaga na maayos na ang relasyon nila ng kaniyang ama na si Cesar Montano. Ito ay ibinahagi ng aktor sa kaniyang Instagram account.

Ayon kay Diego, halos pitong taon rin silang hindi nagpansinan ng ama. Kung maibabalik nga lang daw ang mga panahong iyon ay gagawin niya.

 “7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Diego noon sa Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo niya pa sa mga netizens, dapat ay pahalagahan ang pamilya. Dahil walang kasiguraduhan ang bukas kung makikita o makakasama mo pa sila.

“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world’s problems. Just peace and love and nothing else matters.”

Ito ang sabi pa noon ni Diego.

Sa artikulong isinulat ng kolumnistang si Dolly Ann Carvajal sa Philippine Daily Inquirer nitong April 17 ay naipaliwanag niya ang kuwento tungkol sa post na ito na ni Diego. Base sa artikulo, naging daan ang pagkakaroon ng COVID ni Cesar noong nakaraang taon para magkabati ang mag-ama.

Labis daw na nag-alala si Diego kaya naman, ito na ang tumawag sa ama sa pamamagitan ng video call para makausap ito habang naka-confine sa ospital. Sa awa ng Diyos at dahil narin sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kaniya gaya ni Diego ay nakarecover ang aktor at tuluyang gumaling mula sa COVID.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang makalabas na ang aktor sa ospital ay hindi nito sinayang ang oras na makasama ang anak.

Image from Diego Loyzaga’s Instagram account

BASAHIN:

Sunshine Cruz masaya na nakasama ng mga anak ang kanilang step-brother na si Diego at ama nilang si Cesar Montano

Jason Hernandez nagsalita na sa break-up rumor: “Hindi nangaliwa si Moira”

Maja Salvador engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez!

Payo ni Cesar Montano sa anak na si Diego sa kung paano magmahal ng isang babae

 
Pagdating sa buhay pag-ibig, hindi syempre nakalampas si Cesar sa tanong kung ano ang maipapayo niya sa anak na si Diego. Ayon kay Cesar, wala siya sa tamang posisyon na bigyan ng payo ang anak.
 
 
Dahil siya magpahanggang ngayon ay nasa work in progress pa. Pero may mga iniwan siyang tip para masigurong magtatagal ang relasyon ng anak at taong mapipili nitong makasama.
 
 “He has to be honest and transparent with his girlfriend. The next time he meets a girl he likes, it’s best to tell the girl what his intentions are. Serious ba siya o gusto niyang play-play lang.”
 
 “He has to treat every girl right, especially the one na mapupusuan niya. If he will do that, I’m sure Diego will have peace and joy in his next relationship.”
 
 Ito ang bahagi ng payo ni Cesar sa anak na kamakailan lang ay nakipaghiwalay sa celebrity girlfriend nitong si Barbie Imperial.
 
 Bagamat paglilinaw ni Cesar hindi niya sinasabing may naging pagkakamali ang anak sa naging kinahinatnan ng pagsasama nila ni Barbie. Maaring tulad nga ng sabi ng marami ay hindi lang sila meant to be.
 
 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ng lamat sa relasyon nina Cesar Montano at Diego Loyzaga

Si Diego ay ang naging anak nina Cesar Montano at aktres na si Teresa Loyzaga. Matatandaang naisapubliko ang hidwaan nilang mag-ama na akusahan umano ni Cesar si Diego na isang drug addict. Ito ay ibinahagi ni Diego sa social media na sinabing pinalayas rin siya ng ama sa bahay na binigay nito para sa kaniya.
 
 
Nagpa-drug test si Diego at kalaunan ay napatunayan niyang hindi totoo ang parang sa kaniya ng ama. Doon nagsimula ang alitan sa pagitan nila na tumagal ng pitong taon.

Image from Diego Loyzaga’s Instagram account

Maliban sa pakikipagbonding sa ama ay nakipag-bonding rin kamakailan si Diego sa mga kapatid niyang sina Sam, Chesca at Angelina. Ito ay ikinatuwa ng kanilang mga celebrity mothers na sina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When our Children are happy, the Mothers are Happiest! @sunshinecruz718.”

Ito ang naging reply ni Teresa Loyzaga sa positibong komento ni Sunshine sa pagsasama ng magkakapatid at kanilang ama na si Cesar Montano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement