X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Vocalist Champ Lui Pio marries non-showbiz partner named Claire Nery

4 min read
LOOK: Vocalist Champ Lui Pio marries non-showbiz partner named Claire Nery

Hale vocalist na si Champ Lui Pio kasal na sa kaniya ngayong wife na si Claire Nery. Tingnan ang mga sweet na larawan sa kanilang kasal.

Narito ang mga larawan sa kasal ni Hale vocalist Champ Lui Pio at kaniyang non-showbiz wife.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kasal ni Hale vocalist Champ Lui Pio sa kaniyang non-showbiz wife.
  • Love story ni Champ Lui Pio at kaniyang wife na si Claire Nery.

Champ Lui Pio and wife Claire Nery wedding

Champ Lui Pio and wife Claire Nery

Image from Champ Lui Pio’s Instagram account

Ikinasal na ang frontman at vocalist ng sikat na bandang Hale na si Champ Lui Pio sa kaniyang non-showbiz partner na nagngangalang Claire Nery. Ang kanilang kasal ay ginanap nitong January 22, Lunes sa St. James The Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Dinaluhan ang kanilang kasal ng malalapit lang nilang mga kaibigan at kamag-anak. Isa sa mga present at abay sa kanilang kasal ay ang aktor at mixed martial arts champion na si Ali Khatibi. Si Ali ay malapit na kaibigan ni Champ at Claire. Siya ay ang dating asawa ng aktres na si Cristine Reyes.

Advertisement

Champ Lui Pio wedding

Image from Champ Lui Pio’s Instagram account

Samantala, sa kanilang Instagram accounts ay nagbahagi ng larawan sa kanilang kasal ang ngayong mag-asawa na sina Champ at Claire.

Sa IG account ni Champ ay ipinakita niya ang ilang naging tagpo sa kanilang kasal na may caption na “Mr & Mrs Lui Pio”.

Doon ay makikita ang mga kuha nila sa loob at labas ng simbahan bilang napakasayang bagong kasal.

Sa part 2 ng mga larawang ibinahagi ni Champ sa kaniyang Instagram ay makikitang kasama na nila ng misis na ngayong si Claire ang mag-tatatlong taong anak nilang si Caden.

Pati na ang mga larawan kasama ang kanilang kamag-anak at pamilya. Doon ay makikita na dumalo rin sa kasal ni Champ ang kapatid na TV host at sportscaster niyang si Chino Lui Pio.

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati ang ilang celebrities sa kasal ni Champ at kaniyang asawa. Tulad na lang ng aktres na si Yasmien Kurdi at DJ na si Sam YG.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Champ Lui Pio (@champluipio)

BASAHIN:

Yasmien Kurdi at pamilya, nagpositibo sa COVID: “Tatlo tayong positive. Oh my, together forever.”

Dingdong Dantes sa pag-manage ng pera nila ni Marian: “Ibigay lahat sa asawa!”

Ruffa Gutierrez’s funny comment sa sexy photo ng anak na si Lorin: “Nag-shorts ka pa!”

Champ and Claire prenup videos and photos

Bago pa man ang kanilang naging kasal ay naging usap-usapan rin sa social media ang mga prenup photos ni Champ at Claire. Dahil maliban sa very sweet at dreamy ang mga ito, marami ang natuwa na ikinasal na si Champ na longtime crush ng maraming Pilipina.

Ilang araw bago ang kanilang kasal ay inalala rin ni Champ ang araw na kung saan nag-propose siya ng kasal sa misis niya na ngayong si Claire. Ito ay nangyari apat na taon na ang nakakaraan.

Champ Lui Pio wedding proposal

Image from Champ Lui Pio’s Instagram account

“4 years ago I proposed to the love of my life. So much crazy has happened to the world since then. From Siargao to Manila to La Union it doesn’t matter where we are as long as we’re together. Just a few more days. #LuiPios”

Ito ang caption ng post ni Champ tungkol sa pag-alala sa kaniyang naging wedding proposal sa asawa.

Taong 2018 ng simulang mag-share ni Champ ng mga larawan kasama ang kaniyang non-showbiz girlfriend pa noong si Claire.

Si Claire naman ay nagbahagi rin ng mga larawan at prenup videos nila ni Champ sa kaniyang Instagram account. Sa isa sa kaniyang mga post ay ito ang caption niya..

clairednery

if it’s not you, it’s not anyone 🎶♡

Champ as partner and a father

Puring-puri rin ni Claire bilang isang ama si Champ sa anak nilang si Caden. Ito nga raw ang greatest example ng love, presence at loyalty para kay Caden. At napakaswerte daw nila na ito ang naging ama at asawa nila.

Champ Lui Pio with wife and son

Image from Champ Lui Pio’s Instagram account

Taong 2019 ng ibahagi ni Champ na siya ay magiging isa ng ama. Ito ay sa pamamagitan ng pagsheshare nila ng misis na ngayong si Claire ng mga larawan sa ginawa nilang maternity shoot sa Siargao. Sa caption ng post ni Champ ay masaya niyang inanunsyo noon na isang “Haleboy” ang magiging anak nila.

Si Champ ay ang vocalist ng kilalang Filipino band na Hale. Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang “The Day You Said Goodnight”, “Kung Wala Ka” at “Blue Sky”.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Vocalist Champ Lui Pio marries non-showbiz partner named Claire Nery
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko