X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

9 principles to embrace sa pagpapa-change oil

5 min read

Nahuli ako sa balita. Row 4 kasi ako sa mga ganitong chika. May #changeoilserye na pala. Nalaman ko na lamang ito noong maraming nag-ccomment tungkol sa #ChangeOilSerye sa previous blog ko about temptation.

Noong mga nakaraan kasi may isyu na naman patungkol sa panloloko o pangangaliwa. Ang dahilan magpapa-change oil lang siya nang magpaalam sa kaniyang girlfriend iyon pala, kasama ang “girl na friend” umano sa pagpapa-change oil.

Nag-trending ang nangyari sa mag-jowa. Kasi nga naman marami pang dahilan at pagsisinungaling katulad ng change oil para makasama umano ang “girl na friend” nung lalaki. Marami rin ang naka-relate sa istorya na iyon kaya talagang pinag-usapan.

Kaya para hindi tayo mapahamak sa pagpapa-change-oil, let’s embrace these 9 important principles:

Change oil series: 9 principle sa pag-embrace sa pagpapa-change oil

1. Huwag magtatago sa kaibigan

Unang-una ulam lang ang tinatago. Pangalawa, bakit mo naman itatago kung magkaibigan lang naman pala kayo? Kasi baka mapag-isipan kayo ng hindi maganda?

That’s exactly the point! Kung ayaw mong mapag-isipan ng masama, then don’t do it.

Kung ayaw mong matanong, ‘wag gagawa ng bagay na katanong-tanong. Simple.

BASAHIN:

REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

6 signs na mayroong emotional affair ang iyong mister

#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?

2. Huwag magsisinungaling, lalo na kung buking na

Kapag ganiyang nahuli na, aba e sa prisinto ka na magpaliwanag. Seriously, nahuli man o hindi, hindi tama ang magsinungaling. Musmos pa lamang tayo tinuturo na sa ‘tin ‘yan. Kasalanan ‘yan.

Walang magandang madudulot buhay natin ang pagsisinungaling. Mahirap mag-maintain ng kasinungalingan kasi kailangan mong mag-imbento ng paulit-ulit para hindi ka mabuko.

Ang hirap nun! Ang bigat nun. Hanggang sa ‘di mo namamalayan lunod ka na sa sariling kumunoy na ginawa mo.

Mag-apologize ka na lang, mag-repent at bumawi. Huwaag nang dumepensa. Tandaan, walang lihim ang hindi nabubunyag. Our sin will soon find us out.

3. #KuyaPaMore

‘Yang mga Kuya-kuya, Bes, Panget at kung ano-ano pang katawagan, endearment ‘yan! Wala ba siyang pangalan? Tawagin mo sa pangalan niya.

Ang endearment ay para lang sa asawa mo o karelasyon mo. Dami ko na ding kilala na nadale sa kuya-kuya tapos maya-maya sila na 😁

No endearment. No special favor.

 

change oil series

Change oil series | Image from iStock

4. No exclusivity

No exclusive chat, no exclusive coffee date, no exclusive inuman, no exclusive meeting, no exclusive pa-change oil.

Kung mayroon kang dapat sinosolo na opposite sex walang iba kundi asawa o karelasyon mo. Except sa kapamilya siyempre.

Pero kung tropa mo, tapos kayo lang? Ay naku. Hindi wise move ‘yan. Kahit pa sabihin mo na wala namang malisya.

Hihintayin mo pa bang ma-develop at magkamalisya bago mo ihinto?

5. ‘Di bale nang mukhang driver

Ang driver’s seat ay para lang sa asawa mo/jowa mo. Huwag mag-angkas at magsabay ng kahit sino lalo ng kung opposite sex.

Kung ‘di talaga maiwasan at talagang life and death na. Aba! Doon siya maupo sa likod. Hindi bali nang mukha kang driver. Safe ka naman sa nagbabadyang wasak na relasyon.

Set a boundary. Hindi ‘yan para tanggalan ka ng freedom. You’ll surely benefit from that. Huwag mag-entertain at magpapasok ng intruder. Para ‘yang anay, unti-unti kang sisirain.

change oil series

Change oil series | Photo by Godwill Gira Mude on Unsplash

6. No to rebound

Kung malungkot ka at broken hearted, hindi solusyon ang maghanap ng iba. Kung akala mong good idea ang magpalit agad ng jowa o kaya maghanap ng bagong asawa, nagkakamali ka.

Walang assurance na ang susunod mong relationship ay walang conflict at laging masaya dahil walang ganun.

There’s no such thing as perfect relationship. It takes a lot of work and a lot of love for a relationship to thrive and last. Kung magre-relationship hopping ka, ikaw din ang lugi.

Partner Stories
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
Your Secret’s Safe with Us: The Novelty of Shopping Online
Your Secret’s Safe with Us: The Novelty of Shopping Online
Your child's passion awaits in this remarkable country!
Your child's passion awaits in this remarkable country!

7. Think of the golden rule

Kung ayaw mong gawin sa ‘yo, ‘wag mong gawin sa iba. Kung anong tinanim mo, ‘yun ang aanihin mo. Nagtanim ka ng ampalaya, mag-e-expect ka ba na strawberry ang tutubo?

Nagtanim ka ng masama, aani ka ng masama siyempre. Sure ‘yan. Lahat ng choices natin may consequences, good man ‘yan o bad.

Simple lang ang logic. Kung ayaw mong umani ng ampalaya, ‘wag ka magtanim ng ampalaya.

change oil series

Change oil series | Photo by NordWood Themes on Unsplash

8. Be faithful sa wall at sa messenger

May mga tao na wagas ang expression ng pagmamahal sa kanilang mga asawa/jowa sa wall pero pagdating sa messenger may mga natatagong angking landi.

Be faithful in public especially in private. Integrity is doing the right thing even if no one is watching. Maging tapat sa isip, sa salita at lalo sa gawa.

9. Huwag mag-kotse kung hindi kayang magpa-change oil mag-isa

Siyempre joke lang ‘yan! Kasi ‘pag ako ‘yan, magpapasama rin ako, pero hindi sa asawa ko kasi ‘di rin siya marunong. Malamang papasama kami sa Tatay ko.

Kung kailangan mo ng kasama, siguraduhin mong hindi ka te-trending este hindi mo ikakapahamak.

Gaya ng lagi kong sinasabi, its very important to be surrounded with the right people. So yes! Maging makilatis. Hindi lahat ng nakapaligid sayo ay “right”.

O siya! ‘Wag muna magpapa-change-oil. Bawal lumabas. Bawal rin mangaliwa may ECQ man o wala.

 

This article is originally written by Bibong Pinay

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Bibong Pinay

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Relationship
  • /
  • 9 principles to embrace sa pagpapa-change oil
Share:
  • #AskDok: Safe ba ang efficascent oil sa buntis at hindi makakasama kay baby?

    #AskDok: Safe ba ang efficascent oil sa buntis at hindi makakasama kay baby?

  • Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

    Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • #AskDok: Safe ba ang efficascent oil sa buntis at hindi makakasama kay baby?

    #AskDok: Safe ba ang efficascent oil sa buntis at hindi makakasama kay baby?

  • Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

    Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.