Charlie Dizon nagbahagi ng nararamdaman matapos maikasal sa aktor na si Carlo Aquino.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Charlie Dizon sa pagpapakasal kay Carlo Aquino.
- Mensahe ni Charlie kay Carlo.
Charlie Dizon sa pagpapakasal kay Carlo Aquino
Nitong June 9 ay ikinasal sa isang private ceremony sa Silang, Cavite ang aktor at aktres na si Carlo Aquino at Charlie Dizon. Ito ay dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan sa showbiz industry. Ang iba nga ay tumayo pang abay sa kanilang kasal. Tulad nalang nina Elisse Joson, Loisa Andalio at Kaila Estrada.
Sa Instagram ay nagbahagi si Charlie ng nararamdaman niya ng maikasal kay Carlo. Ito ay naganap isang araw matapos siyang manalo ng kaniyang unang Best Actress Award sa Gawad Urian. Si Charlie hindi parin makapaniwala sa mga naging pangyayari. Bagamat labis siyang nagpapasalamat sa mga milestones na ito sa buhay niya.
View this post on Instagram
“It’s been a week since our back to back weekend!!! First i got my first best actress award from one of my dream award giving bodies, ang Gawad Urian ❤️ congratulations po uli sa lahat ng kapwa ko nominado and of course sa team #ThirdWorldRomance!!
A day after, I officially became Mrs. Aquino 🤍 grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU.🤍”
Ito ang caption ng post ni Charlie sa Instagram kalakip ang ilang larawan nila ni Carlo sa kasal.
Larawan mula sa Facebook account ni Charlie Dizon
Mensahe ni Charlie kay Carlo
Ang aktres nagbigay rin ng mensahe sa mister niya na ngayong si Carlo. Ito ay pagpapasalamat sa mga taong sumusuporta sa pagmamahalan nila sa gitna ng mga pambabash na nakukuha nila sa social media.
“Tulad ng sinabe ko sa vows mahal @jose_liwanag , I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that’s what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most. 🤍”
Ito ang sabi pa ni Charlie Dizon sa naging pagpapakasal nila ni Carlo Aquino.
Larawan mula sa Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!