Chesca at Doug Kramer gusto pang magka-anak, susubukan ulit na mag-IVF

Chesca at Doug, nag-share kung paano nila nagagawang happy at strong ang kanilang marriage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chesca Garcia and Doug Kramer tatlong beses ng nag-fail sa IVF. Pero ayon kay Doug sa kanilang karanasan na ito ay mas lalo niyang na-appreciate at minahal ang misis na si Chesca.

Mababasa sa artikulong ito:

  • IVF attempts at journey nina Chesca Garcia and Doug Kramer.
  • Sikreto sa masayang pagsasama nina Chesca Garcia and Doug Kramer.

Sikreto sa masayang pagsasama nina Chesca Garcia and Doug Kramer

Image from Team Kramer’s Facebook account

Taong 2008 ng maikasal ang celebrity couple na sina Chesca Garcia at Doug Kramer. Ngayon halos makalipas ang 14 na taon tila walang nagbago sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa panayam sa kanila ng host na si Toni Gonzaga sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Doug at Chesca ang sikreto sa masayang pagsasama nila. At kung paano nila magkasamang nalalagpasan ang mga problemang dumadating sa kanilang pamilya.

Ayon kay Doug, bilang mag-asawa bagama’t may mga pagkakataon na mayroon silang hindi pagkakaintindihan, may mga bagay naman sila na hindi pinag-aawayan.

Isa na nga rito ang usaping pera. At hangga’t maaari ay hindi sila nagtatago ng sikreto sa isa’t isa at agad na mag-uusap kung nagkagalit o may tampo sa bawat isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There are things that we don’t fight about. We never fought about money. We discuss everything out in the open.

There’s no secrets. We stay faithful to each other. We never played with fire, in other words, temptation. And we never fought and lasted it more than a day.”

Ito ang sabi ni Doug. Dahil ayon pa sa kaniya, kung ang isang problema ay pababayaan ng mag-asawang lumipas ng isang araw o higit pa ay maari nilang makasanayan.

Masasanay silang hindi nagpapansinan at mag-usap. Ito ay maaring tumagal mula sa ilang araw hanggang buwan na kalaunan ay sisira na sa kanilang pagsasama.

Constant communications at pagbababa ng pride ang isa sa sikreto nila Doug at Chesca

Paliwanag naman ni Chesca, ito ang isa sa mga bagay na-aappreciate niya sa mister na si Doug. Dahil sa tulong ng constant communications sa pagitan nilang dalawa ay mas nagiging makabuluhan at strong ang kanilang relasyon.

“One of the things I really appreciate with my husband is that he communicates with me. He understands that talking to me is important. It’s my therapy”, sabi ni Chesca.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Chesca, sa tuwing mayroon silang hindi pagkakaintindihan, si Doug ang unang humihingi ng tawad. Paliwanag naman ni Doug, paraan ito para maiwasang mas lumala pa ang problema sa kanilang pagsasama.

“That’s a part of a marriage, to avoid further problems, you just admit. And you know what, it’s done wonders for the marriage.

Kasi when we argue and I say sorry kahit na may mali siya, I will apologize and I’ll say, ‘Okay, sorry if I raised my voice.

Sorry if I said this’. And then after she will lower down her walls also. And then she will say ‘Sorry, I shouldn’t have said that’.”

Ito ang kuwento pa ni Doug.

Pag-amin naman ni Chesca, may mga pagkakataon na nahihirapan siyang ibaba ang kaniyang pride. Pero ito ang sinasabi niya sa kaniyang sarili para hindi nila mas lumala ang gusot at sila ay magkaayos na.

“Iniisip ko, my husband is not my enemy. He’s my husband. And I want to work this out and I want to make this right. I am not living with an enemy. I am living with my partner, whom I chose to spend the rest of my life with.”

Ito ang sabi ni Chesca na kuwento ni Doug ay isa sa mga dahilan kung bakit labis niyang na-appreciate ang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Chesca at Doug Kramer kinakausap na ang mga anak tungkol sa sex as early as 6-year-old

Chesca Kramer on secret to a long-lasting marriage: “There is no such thing as luck”

Zoren Legaspi on why he doesn’t want the twins to have relationships yet: “Hindi yan ang priority sa buhay.”

IVF attempts at journey nina Chesca Garcia and Doug Kramer

Image from Team Kramer’s Facebook account

Maliban nga sa mga efforts nito sa kanilang pamilya, may isang bagay sa ngayon na mas lalo daw nakapagpamahal kay Doug kay Chesca.

Ito ay ang kagustuhan nilang magkaroon ng pang-apat na anak. Para ito ay maging possible, kailangan nilang sumailalim sa IVF dahil si Chesca ay ligated na.

Kuwento ni Doug, nakaka-3 times na silang nag-fail. At alam niya kung gaano ito kahirap para kay Chesca pero nagpapatuloy parin itong sumubok ng isa pa.

“We’ve gone through three failed IVFs already post Gavin. She’s been ligated for medical reasons before but we went through three failed IVFs and right now we’re on our fourth and our last.”

“For me I appreciate my wife so much because it’s hard to have that kind of failure and thinking that it’s your fault.

But she still to continues to try the second, the third and then the fourth. All our household, our kids, they are all praying intently.”

Ito ang kuwento pa ni Doug sa kanilang IVF journey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa mga nauna niyang vlog ay ipinaliwanag ni Doug na ang pagkakaroon ng apat na baby ay request ng mga anak nila.

“After six years, throughout the years, we didn’t want to have a baby. We were very happy with raising three kids, and then suddenly, they all wanted to be an older sibling na.

They wanted to take care of a baby, so why not open up to our fans and say that there is still that chance even if you are ligated? You can still have a baby.”

“In fact, we have countless of messages, thousands of messages, saying, ‘Oh, we didn’t know that was possible pa pala.

I didn’t know that, even though you are ligated or having a hard time getting pregnant, there’s that chance, that chance to get pregnant again.

And it’s a way for us to be a blessing also, to bring awareness also, you know, the beauty of a growing family.”

Ito ang sabi noon ni Doug.

Image from Team Kramer’s Facebook account

Para matupad ang kahilingan na ito ng kanilang mga anak ay kinailangang sumailalim sa IVF o in vitro fertilization treatment ni Chesca. Ito ay dahil ligated na siya matapos maipanganak ang bunso nilang si Gavin.

Sa tulong ng IVF ay kukuha ng eggs ni Chesca at i-fefertilize ito sa sperm ni Doug sa tulong ng makabagong teknolohiya. Kapag na-fertilized na ang egg at isa ng ganap na embryo ay saka lang ito ilalagay sa sinapupunan ni Chesca. Kung ito ay successful na kakapit o ma-implant, magdedevelop ito sa fourth baby na inaasam-asam nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement