X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Zoren Legaspi on why he doesn't want the twins to have relationships yet: "Hindi yan ang priority sa buhay."

5 min read

Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ibinahagi sa kanilang latest vlog ang tunay na dahilan ng kanilang madaliang kasal. Ibinahagi rin ni Zoren ang dahilan kung bakit ayaw niyang makipagrelasyon ang inyong mga kambal.

Mababasa artikulong ito:

  • Ang dahilan kung bakit minadali ni Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ang kanilang pagpapakasal.
  • Bakit hindi pa handa si Zoren na magkaroon ng boyfriend at girlfriend ang kambal niyang sina Mavy at Cassy.

Ang dahilan kung bakit minadali ni Zoren Legaspi na mapakasalan si Carmina Villaroel

zoren legaspi at carmina villaroel

Image from Nice Print Photo

Taong 2000 ng magsimula ang relasyon sa pagitan ng aktor at aktres na si Zoren Legaspi. Sa sumunod na taon ay nagkaroon na sila ng kambal na sina Mavy at Cassy.

Tatlong buwan matapos mapawalang-bisa ang kasal ni Carmina kay Rustom Padilla noong 2012 ay nagpakasal sila ni Zoren. Ang naging wedding proposal at actual na kasal nila ay nangyari sa iisang araw. Ito ay sorpresang inihanda ni Zoren para kay Carmina sa tulong ng kanilang kambal na 11-anyos na noon.

Si Carmina noon ay walang kaalam-alam sa inihandang malaking sorpresa sa kaniya ni Zoren. Ang buong akala niya ay magshoshoot lang sila para sa isang commercial.

Hindi niya inakala na sa araw na iyon ay ikakasal na siya kay Zoren na kung saan nasaksihan at imbitado ang malalapit na tao sa buhay nila.

Nitong Linggo, sa vlog ni Carmina ay ini-reveal ni Zoren ang tunay na dahilan ng surprise wedding na kaniyang ginawa. Ayon kay Zoren, ang dahilan niyang ito ay hindi alam ni Carmina. Ito rin ang unang pagkakataon na sasabihin niya ito sa asawa.

“Ang isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si daddy Reggie. Bibigyan ng hip replacement.

Wala ka kasi dun sa meeting ng doctors with your family and siblings so ako yung nag-represent sa ‘yo sa meeting na ‘yon.”

“Sabi nung doctor kapag ginawa ‘yon, 50-50 si daddy Reggie. Then sabi ko ‘Yon lang ba talaga ‘yong option? Then it hit me.

Sabi ko ‘Kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni daddy Reggie, useless. Kasi wala na mama mo tapos kapag naglakad ka doon wala pa daddy Reggie mo, so for me, useless siya.”

Ito ang naiiyak na kuwento ni Zoren.

Si Carmina nabigla sa mga narinig niya. Hindi niya inakalang ito ang dahilan ng sorpresang kasal na inihanda ni Zoren noon.

BASAHIN:

Zoren Legaspi and Carmina Villaroel plan to protect their twin teens from social media

Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na “kabit” sa relasyon nila ni Carmina Villaroel

Ruffa Gutierrez sa annulment kay Yilmaz Bektas after 10 years: “What a bittersweet journey it has been.”

Zoren hindi pa payag na mag-boyfriend-girlfriend ang kambal niya

zoren legaspi at carmina villaroel

Image from Carmina Villaroel’s Instagram account

Dagdag pa ni Zoren sa kanilang naging kasal, most favorite part niya ng makitang naglalakad sa isle noon si Carmina. Dahil doon makikita ang iba’t ibang emotions ng kaniyang asawa at higit sa lahat nandoon si daddy Reggie, ang ama ni Carmina na naghatid sa kaniya sa altar.

Fast forward sa ngayon, si Carmina at Zoren ay 22 years’ ng magkasama at siyam na taon ng kasal. Habang ang kambal nilang sina Mavy at Cassy ay 21-anyos na.

Pero magkaganoon man, sabi pa ni Zoren hindi pa siya payag na mag-boyfriend at girlfriend ang mga anak niya. Sapagkat mas marami pa daw silang puwedeng gawin o i-prioritize kaysa sa pakikipag-relasyon.

“Why push them into these things, into relationships, at a very, very young age kung marami namang pwedeng ma-push sila in a different angle.”

“Who said na matanda na ang 21 to have a relationship and that’s the right age to have a relationship? There is no such thing. The later you have a relationship, the better.

Kung nag-25 ka or 26 and you’re still single, doesn’t mean you have a lonely heart. It’s better because hindi ‘yan ang priority sa buhay.”

Ito ang sabi pa ni Zoren.

 

Reaksyon ng mga netizen sa relasyon nila Zoren Legaspi at Carmina Villaroel

zoren legaspi at carmina villaroel

Image from Carmina Villaroel’s Instagram account

Marami namang netizen ang na-inspire sa revelation ni Zoren tungkol sa dahilan ng surprise wedding niya kay Carmina. Mas lalo rin nilang hinangaan ang pagsasama nilang dalawa. At hinihiling na sana ay mas maging matibay pa ang relasyon nila.

“May God keep your marriage strong and bless your family even more! Your family and your relationship as a married couple inspire a lot of people!

I pray for everyone to find a love like yours, even for myself. Your story is truly heartwarming and your love for each other is just so pure and tender!”

“Couple goals. Both of you had the best wedding and the memorable one.. can’t forget that..such iconic..love you both Tatay Z and Nanay Mina.”

“I salute you po Idol Zoren and Carmina. May God continue to bless you both and family.”

Ito ang reaksyon ng ilang netizen sa pinaka-latest vlog ni Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Zoren Legaspi on why he doesn't want the twins to have relationships yet: "Hindi yan ang priority sa buhay."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.