TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

19 bagay na dapat mong malaman tungkol sa car seat law

5 min read
19 bagay na dapat mong malaman tungkol sa car seat law

Sino ang sakop ng bagong batas na ito at ang mga parusa na maaring ipataw sa mga lalabag dito.

Child car seat law in the Philippines ipinatupad na. Ito ang mga dapat malaman at paghandaan kaugnay sa bagong batas na ito.

  • Sino ang mga dapat gumamit ng car seat.
  • Parusa o penalty sa mga lalabas sa batas na ito.

Child car seat law in the Philippines

Simula Pebrero 2 ay magsisimula ng ipatupad ang child car seat law in the Philippines. Ito ay ang Republic Act No. 11229 o tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act. Ang batas na ito naglalayong protektahan at panatilihing ligtas ang mga bata habang nasa loob ng sasakyan. Dahil ayon sa isang pag-aaral, ang mga aksidenteng may kaugnayan sa mga sasakyan ang isa sa mga leading cause of death at injury sa mga bata.

Para sa mas maraming detalye tungkol sa bagong batas na ito ay narito ang mga dapat mong malaman.

Ano ang Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act?

Ang Republic Act No. 11229 or Child Safety in Motor Vehicles Act ay isang batas na naglalayong magbigay ng dagdag na kaligtasan at proteksyon sa mga batang edad 12-anyos pababa habang nakasakay sa isang sasakyan.

Sa ilalim ng batas na ito ay dapat magsuot ng car seat o magkaroon ng child care restraint system ang bawat pribadong sasakyan na mayroong batang pasahero.

Sino sa mga bata ang required na magkaroon ng car seat?

child car seat law in the Philippines

Car photo created by jcomp – www.freepik.com 

  • Ayon sa bagong batas ang mga edad 12-anyos pababa ay dapat maupo sa car seat sa tuwing sasakay sa isang pribadong sasakyan.
  • Ipinagbabawal rin ng batas na maupo siya sa front seat o sa upuang tabi ng driver ng sasakyan.
  • Magiging exempted lang ang batang nasa 12-anyos pababa sa batas na ito kung siya ay nasa 4 feet at 11 inches ang height o higit pa. Pero imbis na car seat ay magsusuot siya ng seat belt habang nasa loob ng isang sasakyan.
  • Exempted rin sa batas ang mga batang nasa loob ng pribadong sasakyan sa oras ng medical emergency.
  • Exempted rin ang mga batang mayroong mental, psychological, psychiatric, at developmental condition o disability. Lalo na kung ang pag-upo sa car seat ay magiging dagdag kapahamakan o banta pa sa kanilang buhay o kalusugan.

May specific na car seat ba na dapat gamitin sa bagong batas na ito?

Para sa dagdag na kaligtasan ng mga batang babyahe sa loob ng sasakyan, dapat alinsunod rin sa batas ang gagamitin niyang car seat.

  • Hindi ito dapat substandard na mariing sinasabi sa bagong batas na ipinagbabawal rin ang pagbebenta.
  • Dapat ito ay nagtataglay ng ICC sticker. Ito ang nagsisilbing patunay na ito ay dumaan sa inspeksyon, quality at ligtas na gamitin. Maaaring maglabas ng sariling pamantayan ang LTO ngunit wala pang anunsyo tungkol dito.
  • Hindi rin pinapayagan sa batas ang paggamit at pagbebenta ng mga car seats na may expiration date na lampas na unang araw ng ipatupad ito. Kung kasalukuyang gumagamit ng car seat na walang expiration date o hindi pa expired ay dapat pasado sa sumusunod na qualifications ang car seat na gagamitin.
  • Walang crack o damaged plastic shell o metal component.
  • Walang putol o sirang tahi sa harness o tether strap.
  • Hindi dapat nakabalumbon o punit ang strap.
  • Mabilis alisin o tanggalin ang buckle. Ngunit ito ay hindi dapat maluwag o basta maalis ng hindi sinasadya.
  • Wala dapat itong missing parts.
  • Hindi dapat ito nagtataglay ng iba pang damages na agad na makikita o maglalagay sa batang nakaupo dito sa kapahamakan.

Anong mga sasakyan ang covered ng bagong batas?

child car seat law in the Philippines

Car photo created by jcomp – www.freepik.com 

Isa sa nangungunang tanong sa batas na ito ay kung papaano naman ang mga pamilyang walang sasakyan at bumabyahe sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, sakop din ba sila ng batas na ito?

Base sa implementing rules and regulations ng batas, sa ngayon sa loob ng unang isang taon ng pagpapatupad ng batas ay hindi pa sakop dito ang mga pampublikong sasakyan. Dahil kailangan pang magsagawa ng pag-aaral tungkol sa feasibility ng pag-gamit ng car seat o child restraint system na ito.

Pero para sa mga pamilyang may mga batang edad 12-anyos pababa na may tangkad na hindi aabot sa 4 feet at 11 inches ay kailangan ng mas malaking sasakyan na mayroong car seat na maari nilang maupuan.

Ano ang penalty o kaparusahan sa mga lalabag sa child car seat law in the Philippines?

child car seat law in the Philippines

Image by Rhonda Jenkins from Pixabay 

Para sa mga driver na lalabag sa bagong batas ay narito ang kanilang magiging kaparusahan. 

  • Multa sa unang offense na P1,000. Susundan ito ng P2,000 sa pangalawang offense at P5,000 na multa sa susunod na offense. Sasabayan narin ito ng isang taong suspensyon ng lisensya ng driver na mahuhuling lumabag sa batas.
  • May parusa rin sa mga driver na gagamit ng substandard o expired na child car seat. Isang libong piso sa unang offense at P3,000 sa pangalawang offense. Habang P5,000 naman ang multa na sasabayan ng suspensyon ng driver’s license ng isang taon sa pangatlo at susunod na mga offense.
  • Ayon sa LTO, nasa information campaign pa lamang sila at hindi pa ipapataw ang multa sa ngayon.

Magmumulta rin ang mga manufacturer, distributor o seller na magbebenta ng mga substandard na car seat.

  • Ang multa ay hindi bababa sa P50,000 at hindi hihigit sa P100,000 sa kada sa car seat.
  • Ganito rin ang multa sa mga mahuhuling magtatamper o mamemeke ng ICC sticker sa mga car seat.

 

Source: ABS-CBN News, CNN

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 19 bagay na dapat mong malaman tungkol sa car seat law
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko