Child trafficking in the Philippines, patuloy nga bang lumala?
Ito ang nasa isip ngayon ng karamihan matapos maharang sa NAIA Terminal 3 ang isang Amerikanang papalabas sana ng bansa ngayong umaga.
Amerikana natuklasang may dalang sanggol na lalaki sa kaniyang belt bag na hindi niya idineklara. Siya ay kinilalang si Jennifer Talbot, 43-anyos.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) deputy spokesperson Melvin Mabulac, natuklasan ng mga airport officers ang undocumented na sanggol sa oversized belt bag ni Talbot 6:20 ng umaga ngayong araw. At wala daw itong maipakitang dokumento o pagkakakilanlan ng sanggol.
“Hindi natin ma-identify ‘yung bata kasi walang travel document kaya tinurn over natin. Titingnan din ng NBI kung may other violations.”
Ito ang pahayag ni Mabulac sa isang interview.
Sa ngayon ay itinurn-over si Talbot sa NBI para masiyasat at ma-interrogate tungkol sa insidente.
Habang nakikipagtulungan naman ng ahensya ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng sanggol.
Child trafficking in the Philippines
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang child trafficking ay ang pagbebenta o pagbili ng bata para magamit sa iba’t-ibang dahilan.
Base sa mga report ng mga international organizations, ang kaso ng child trafficking in the Philippines ang tinatayang isa sa may pinakamataas na bilang sa buong mundo.
Karamihan umano ng mga biktima nito ay ginagamit sa exploitation o sex trade na may bilang na umaabot mula 60,000 to 100,000 na batang Pilipino.
Ayon sa UNICEF, ang ilan sa dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng biktima ng child trafficking sa Pilipinas ay ang kahirapan, gender inequalities, kakulangan sa trabaho at oportunidad, malaking pamilya at sex tourism.
Pinakamarami ang naitalang bilang ng biktima ng child trafficking sa mga tourist destinations sa bansa tulad ng Cebu na kung saan laganap ang child prostitution.
Samantala, ang batas na pumuprotekta sa karapatan ng bata at iba pang naiinvolve sa human trafficking ay ang Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.
Sa ilalim ng batas ay may National Inter-Agency Council na binuo para labanan ang lumalalang problemang ito.
Ang sinumang mapatunayang guilty sa paglabag sa batas na ito ay maaring makulong ng hanggap 20 years at mag-multa ng hindi bababa sa isang milyong piso.
Source: Rappler, Inquirer News, Reuters, UNICEF, Philippine Commission On Women
Photo: Freepik, Tempo, Bureau of Immigration
Basahin: Sindikato, ginagamit raw ang FB para magbenta ng baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!