Chito Miranda sa kaniyang pamilya: “They are the center of my universe. Lahat gagawin ko para sa barkada kong ito.”

Ayon kay Chito, nagkakatampuhan at nagkakagalit din sila tulad ng regular na pamilya pero hindi nagiging hadlang ito para mapigilang maiparamdam sa isa’t-isa ang pagmamahal nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chito Miranda may sweet na mensahe para sa kaniyang beautiful and happy family. Para kay Chito sila ang barkada na handa siyang gawin ang lahat para mapoprotektahan at maalagaan.

Mababasa dito ang sumusunod:

Paano minamahal ni Chito Miranda ang kaniyang small and beautiful family

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

Mapapasana-all nalang talaga ang maraming misis ng mabasa ang isa sa mga latest post ng band vocalist na si Chito Miranda. Si Chito ibinida ang larawan ng kaniyang pamilya na kung saan tinawag niyang sentro ng universe niya. Sila daw ang laging number one sa puso niya.

“My beautiful family.❤️ They are the center of my universe. Everything else is secondary. I will choose them over anything, anyone, and everything else.🤟🏻😎”

Ito ang bungad ni Chito sa kaniyang Instagram post.

Tulad ng regular na pamilya, nagkakatampuhan rin daw sila ng misis niyang si Neri Naig. Nagkakapikunan rin daw kung minsan ang mga anak niyang sina Miggy at Pia. Pero magkaganoon man ay hindi nagiging dahilan ito para hindi nila maiparamdam ang pagmamahal sa isa’t-isa.

“Kunwari magka-galit kami ni Neri, kukumutan ko pa rin sya kapag giniginaw sya…babatuhin ko lang sya ng comforter (joke lang po✌🏼😅) or kunwari nagkapikunan si Ate Pia at Miggy sa kotse, Ate Pi will still let Miggy sleep on her shoulder if ever antukin si Miggy…and vice-versa.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Chito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chito Miranda as a dad

Sabi pa niya, ang kaniyang pamilya ang barkadang gagawin niya ang lahat para mapoprotektahan at alagaan. Dahil bilang isang ama ito daw ang tungkuling niya.

“I am their Dad, and they need me. And if being their Dad makes them happy, and if it means me being able protect and take care of them, and if making fun of me makes them laugh, then I will try my best to be always there for them, and I will also try my best to be as healthy as I could, and live as long as possible para makasama nila ako hangga’t kelangan nila ako.”

Ito ang sabi pa ni Chito Miranda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda