Choking hazard items at tips na dapat malaman ng mga magulang para sa kaligtasan ng inyong mga anak.
Batang nakalunok ng 64 magnetic beads
Isang 6-anyos na batang lalaki ang itinakbo sa ospital dahil umano sa napakasakit niyang tiyan.
Nang isailalim siya sa X-ray ay nakita ng mga doktor na sa loob ng kaniyang tiyan ay mayroong mga magnetic beads.
Ayon sa mga report, ang magnetic beads na nakita sa tiyan ng bata ay binili ng kaniyang ina para lang kaniyang mapaglaruan. Hindi niya alam na ito pala ay sinubo at nilunok ng kaniyang anak.
Nalaman nalang nila ito ng isugod sa ospital ang bata, anim na oras matapos malunok ang naturang magnetic beads. Dahil maliban sa pananakit ng tiyan ay wala daw ibang sintomas na ipinakita ang kaniyang anak.
Para matanggal ang mga naturang beads ay kinailangang operahan at tanggalin ang sections ng small intestine at appendix ng bata.
Ayon sa doktor na tumingin sa bata na si Dr.Xu, kung hindi naagapan ang mga tinawag niya neodymium magnetic beads na isinubo ng bata ay maaring pumutok sa kaniyang tiyan na magdudulot ng labis na panganib sa kaniyang buhay.
Mabuti na nga lang at matapos ang tatlong oras na operasyon ay matagumpay na naialis ang mga magnetic beads sa tiyan ng bata.
Paalala sa mga magulang
Samantala sa Utah ay may naiulat din isang 6-anyos na batang lalaki ang nakalunok ng 14 na magnets.
Nakaranas daw ng pagsusuka at sakit ng tiyan ang bata. At ng masuri nakita ngang may mga maliliit na magnets sa kaniyang small intestines na naka-damage na sa kaniyang tiyan.
Ang mga magnets na ito ay tinukoy ng mga doktor bilang neodymium magnets na ibinebenta bilang educational toys sa mga bata.
Kaya naman, ipinapaalala ng mga doktor na dapat ay bantayan ng mga magulang ang mga pinaglalaruan o isinusubo ng kanilang mga anak. Lalo na kung sila ay napapalibutan ng mga choking hazard na maliit man kung titingnan ngunit maaring ikapahamak ng kanilang buhay.
Ilan sa mga choking hazard items na dapat ilayo sa inyong mga batang anak ay ang sumusunod:
Choking hazard items sa mga bata
- Coins o mga barya
- Mga butones
- Mga laruan na may maliliit na parts
- Laruang kasya sa bunganga ng iyong anak
- Maliliit na bola o holen
- Lobo
- Maliit na tali o ipit sa buhok
- Takip ng ballpen o iba pang pens
- Maliliit na batteries
- Ref magnets
- Piraso ng dog food
May mga pagkaing ding maaring maka-choke sa mga bata tulad ng sumusunod:
Choking hazard foods sa mga bata
- Lollipops
- Piraso ng mansanas
- Piraso ng karne kabilang na ang manok at isda
- Nuts o mani
- Hilaw na carrots
- Hindi pa lutong beans o peas
- Mga buto
- Popcorn
- Grapes
- Hotdogs
- Sausages
Para naman maiwasan ang choking sa mga bata ay may ilang tips na maaring gawin ang mga magulang.
Tips para maiwasan ang choking sa mga bata
- Paupuin ang bata kapag pinapakain. Mas mabuting siya ay kinakausap o ini-entertain habang kumakain para hindi siya magkulit o magtatakbo na maari niyang ika-choke.
- I-encourage ang iyong anak na nguyain ng mabuti ang pagkain.
- Siguraduhing maliliit na piraso ng pagkain ang inihahain sa iyong anak. Para ito ay madali niyang mangunguya at malulunok.
- Sa mga baby, lutuin ng maayos at durugin ang mga matitigas na pagkain bago ipakain.
- Iwasang magbigay ng whole nuts sa mga bata. Maliban nalang kung sila ay 5-anyos na pataas.
- Ilayo o itaas sa mga lugar na hindi maabot ng iyong anak ang choking hazard o maliliit na bagay. Dahil maaring maging curios siya dito at akalaing ito ay pagkain.
- Bigyan ng mga solid at matitibay na laruan ang iyong anak at hindi yung madaling mabasag sa maliliit na piraso.
- Iwasang bumili ng laruan na ginagamitan ng button batteries.
- Ihiwalay ang mga laruan ng mga nakakabata mong anak sa kaniyang mga nakakatandang kapatid.
- At huwag babalewalain ang mga choking hazard warnings sa mga laruan o bagay na ibinibigay sa inyong anak.
Source: Raising Children, Healthy Children, DailyMail UK
Photo: Pixabay
Basahin: Paano maiiwasang mabulunan si baby habang umiinom ng gatas?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!