Parte ng healthy lifestyle ang pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng chopsuey recipe at ilan pang all-veggie na ulam. Sa panahon kasi ngayon ng pandemya, kinakailangan nating palakasin ang ating resistensya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang pinagmulan ng chopsuey recipe
- Mga sangkap sa pagluluto ng chopsuey recipe
- Ang proseso sa pagluluto nito
Ang pinagmulan ng Chopsuey recipe sa Pilipinas
Impluwensiya sa atin ng mga dayuhang Intsik ang pagkain ng chopsuey recipe. Ang pangalan nito ay hango sa salitang tsap seui na ang ibig sabihin ay “mixed leftover” sa Ingles o “odds and ends” naman sa Cantonese. Sinasabing nagmula ito sa bayan ng Taishan sa Guandong, China na kilala sa pagsasaka ng mga gulay.
Ayon sa kasaysayan, dinala ang chopsuey recipe ng mga mangangalakal at negosyanteng Intsik sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas. Naging kilala rin ang putaheng ito, hindi lamang sa mga Asyanong bansa. Nakarating din ito sa Amerika noong 1800s’ at naging simbolo ng pagkakaroon ng Chinatown sa doon. Mula noon, naging parte na ng ating Filipino cuisine ang chopsuey.
Chopsuey recipe na madali lang gawin! | Larawan mula sa iStock
Unti-unting nagbago ang ilang sangkap sa pagluluto ng chopsuey sa pagdaan ng panahon. Kung dati ay puro gulay lamang ang sangkap nito, ngayon ay sinasahugan na ito ng karne gaya ng baboy, manok, baka pusit at hipon. Puwede na rin ito lahukan ng squid balls at luncheon meat, depende sa gusto ng mga tao.
Mga sangkap sa pagluluto ng chopsuey recipe
- 3 kutsara ng cooking oil
- 1/2 cup scallions, sliced
- 2 cloves ng bawang, chopped
- 1 piraso ng dilaw na sibuyas, chopped
- 1 repolyo, chopped
- 2 stalks ng celery, sliced
- 2 cups shiitake mushrooms, sliced
- 1 piraso ng red bell pepper, sliced
- 1 piece green bell pepper, sliced
- 3/4 kutsaritang asukal (puti o brown)
BASAHIN:
Baka naman: Easy Bistek Tagalog recipe
Daing na Bangus: Ang perfect fried fish partner sa anumang ulam
Ginataang mais recipe: Ang perfect pang-breakfast o meryenda ng buong pamilya!
- 1 cup baby corns (pwede ang canned baby corns)
- 1 baso ng cauliflower, chopped
- 4 cups chicken broth (or tubig)
- 1 cup broccoli, chopped
- 1/2 cup toyo
- 1 kutsara ng oyster sauce
- 2 tablespoon sesame oil
- 1 kutsara ng Thai chili paste (optional)
- 1 1/2 kutsara ng gawgaw (cornstarch)
- 7 piraso ng hipon, nalinisan na at nahiwa na
- 1-2 cups cooked chicken, pork or beef
- 1 kutsara ng Chinese cooking wine or mirin
- 1 cup nilagang itlog ng pugo (quail eggs)
- Chopped cilantro for garnish (optional)
- Salt and pepper to taste
Ang proseso ng pagluluto ng chopsuey
Larawan mula sa iStock
- Unahin munang ilaga ang mga itlog ng pugo. Kapag ito ay luto na, hayaan munang lumamig bago balatan. Sa ganitong paraan hindi madudurog at kakapit ang puti ng itlog sa balat nito. Set aside.
- Sa isang malaking kawali o wok, ilagay ang mantika at i-prito ang mga hipon sa medium heat na apoy. Lutuin ito ng tig-1 minuto o hanggang maging pingkish na ang kulay nito. Ihango sa kawali at itabi. TIP: Huwag i-overcooked ang mga hipon upang hindi ito tumigas at maging kasing kunat ng goma.
- Sa pinaglutuan ng mga hipon, igisa naman ang bawang, sibuyas, at scallions. Kapag malambot na ito, ilagay ang karne. Lutuin ang karne hanggang maging light brown ang kulay. Ilagay ang broccoli, cauliflower, celery, red at green bell peppers, shiitake mushrooms at baby corn. Igisa ang mga ito hanggang sa lumambot ng bahagya at saka ilagay ang repolyo. Haluing maigi at igisa sa loob ng 3 minuto. Ilagay ang asukal, toyo, oyster sauce, sesame oil at thai chili paste saka haluin. Ibuhos ang chicken stock at takpan ang kawali. Pakuluin ito sa loob ng 8 minuto.
- Habang pinakukuluan ang mga gulay, tunawin ang gawgaw sa mirin at 1/2 cup na tubig. Ilagay ito sa gulay at haluing maigi. Ito ang magpapalapot sa sabaw ng ating chopsuey. Lagyan ng asin at paminta at tanstahin ito ayon sa inyong panlasa. Muling pakuluin ng 2 minuto saka ilagay ang mga hipon at itlog ng pugo. Haluing maigi.
- Ilipat sa isang malaking serving bowl ang chopsuey. Lagyan ng chopped cilantro ang ibabaw nito bilang garnishing. Mas mainam na ihain ito habang mainit pa!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!