Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak

Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak

Narito ang detalye kung paano pinatay ni Chris Watts ang kaniyang asawang buntis at dalawang anak na babae.

Chris Watts ikinuwento kung paano pinatay ang dalawa niyang anak at asawang buntis sa mga imbestigador.

Chris Watts nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo

Image from NBC News

Mula sa isang picture perfect happy family sa social media, hanggang ngayon ay isang malaking tanong parin kung paanong nagawang patayin ni Chris Watts ang kaniyang asawang si Shannan Watts, 34 at dalawang anak na sina Bella, 4 at Celeste, 3.

Una ng sinabi ni Watts na pinatay niya ang kaniyang asawang si Shannan matapos nitong patayin sa suffocation ang dalawa niyang anak.

Ngunit nito lamang nakaraang buwan ay binago ni Chris Watts ang kaniyang testimonya. Inako at inamin niyang siya ang pumatay sa kaniyang dalawang anak at sa kaniyang asawa.

Idinetalye niya rin sa mga pulis kung paano niya ginawa ang karumal-dumal na krimen.

Chris Watts: Nag-dilim ang paningin

Sa isang limang oras na prison interview ng FBI, Colorado Bureau of Investigation at Frederick Police Department kay Chris Watts nitong February 18 ay idinetalye nito kung paano niya brutal na pinatay ang kaniyang mag-anak.

Ayon kay Chris Watts, nagkaroon ng lamat ang pagsasama nilang mag-asawa kaya nagdesisyon ang kaniyang asawang si Shannan na magbakasyon kasam ang dalawa nilang anak. Habang wala ang misis, nagkaroon ng affair si Chris at isang babaeng nakilala niya sa trabaho.

Nang umuwi ang kaniyang misis sa kanilang bahay noong umaga ng August 13, 2018, inaya nito ang mister na makipagtalik. Pakiramdam daw ni Chris ay binitag siya ng kaniyang asawa dahil alam niyang parang may puwang sa kanilang dalawa.

Nakatulog sila matapos magtalik. Nang gumising si Chris para pumasok sa trabaho, nag-usap sila ng kaniyang misis. Dito sinabi ni Shannan na may hinala siya na may ibang babae ang kaniyang mister.

Itinanggi ni Chris na may kabit siya. Ngunit inamin niyang hindi na niya mahal ang misis at sinabing hindi sila compatible.

Chris Watts and Shannan Watts

Image from Insider

Nagalit daw si Shannan sa kaniyang narinig at nagbanta kay Chris na hindi na niya makikita pa kahit kailan ang kanilang mga anak.

Dahil daw sa narinig ay tila nawala siya sa kaniyang sarili at sinakal si Shannan sa leeg gamit ang kaniyang mga kamay.

Dagdag ni Chris Watts ay parang ang ideya daw ng pagpatay sa kaniyang asawa ay “implanted” na sa kaniyang utak at wala siyang control laban dito.

Hindi daw lumaban o sumigaw ang kaniyang asawa.

Chris Watts: Pagpatay sa mga anak

Nang mapatay ang asawa saka naman daw pumasok sa kanilang kuwarto si Bella at nagtanong, “What’s wrong with Mommy?”

“Mommy didn’t feel good,” ang naging sagot niya.

Binalot niya daw sa isang kumot ang katawan ng kaniyang asawa at kinarga ito papunta sa kaniyang truck.

Nakita daw ng kaniyang anak na si Bella ang kaniyang ginagawa at nagtanong pa ulit na, “Is mommy okay?”

Sinabi niyang masama ang pakiramdam ni Shannan. Ngunit, alam niyang matalino ang kaniyang anak at alam nito ang nangyayari.

Nang bumalik siya sa loob ng bahay ay gising narin ang bunso niyang anak na si Celeste.

Kaya naman napagdesisyunan niyang isama at iupo sa likod truck ang dalawang bata na may bitbit na kumot at stuffed toy.

Sa puntong iyon ay tila wala na daw control si Chris Watts sa kaniyang sarili.

Naisip niyang maglagay ng gas can sa likod ng kaniyang truck upang sunugin ang kaniyang sarili sa oil site na pinagtratrabahuan matapos ma-dispose ang patay na katawan ng kaniyang asawa.

Ngunit hindi niya itinuloy ito dahil sa realization na baka mas maraming tao ang madamay.

Lugar kung saan inihulog ni Chris Watts ang bangkay ng mag-iina niya

Oil site image from Insider

Habang papunta sa oil site ay nakatulog sina Bella at Celeste.

Naalala niya ring nagsalita ang kaniyang anak na si Bella at nagsabing, “Daddy, it smells.”

Nang dumating sila sa oil site ay agad na ibinaba ni Chris Watts ang bangkay ni Shannan sa hukay na kung saan niya ito ililibing.

Nakita ito ng dalawa niyang anak at nagtanong, “What are you doing to Mommy?”

Matapos mailibing ang asawa ay bumalik ito sa truck at saka unang sinuffocate si Celeste gamit ang blanket nito. Nakita rin daw ni Bella ang kaniyang ginawa at wala itong imik.

Matapos mapatay si Celeste ay dinala niya ang katawan nito sa oil talk at inihulog rito.

Nang tanungin ng mga imbestigador kung ano ang iniisip niya ng mga oras na iyon ay ito ang naisagot niya, “I wasn’t. … If I was thinking, this wouldn’t have happened.”

Pagbalik niya sa truck ay tinanong siya ng kaniyang anak na si Bella, “What happened to Cece? Is the same thing gonna happen to me as Cece?”

Hindi niya matandaan kung sinagot niya ang tanong nito ngunit ayon sa kaniya ay ginamit nito ang parehong blanket na ginamit kay Celeste para patayin rin si Bella.

Tulad ni Celeste ay inihulog rin nito ang katawan ng anak sa isa pang oil tank.

Ang huling mga salitang narinig niya raw mula kay Bella ay “Daddy, no!” na magpahanggang ngayon sa tuwing siya ay pumipikit ay naririnig niya.

Dahilan kung bakit napatay ni Chris Watts ang kaniyang pamilya
Chris Watts family

Image of Shannan, Celeste and Bella Watts from Insider

Ayon sa kuwento ni Chris Watts, nagsimula ang galit nito sa kaniyang asawa dahil sa pagbuo nito ng away sa pagitan niya at ng kaniyang pamilya.

Dagdag pa niya ay ayaw ng kaniyang ina sa kaniyang asawang si Shannan at pakiramdam nito na inilayo siya ng asawa sa kanila. Lalo pa noong lumipat na sila sa Colorado.

Maaring ang nangyari daw ay isang paraan upang matigil na ang matagal ng sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya.

Noong November 19, si Chris Watts ay nahatulan ng three life consecutive sentences at walang posibilidad na magbigyan ng parole dahil sa pag-amin ng guilty sa pagpatay sa kaniyang asawang buntis at dalawang anak.

 

Sources: This is Insider, NBC News, This is Insider

Basahin: Tatay, pina-inom ng muriatic acid ang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner