5 facts tungkol sa kaso ni Chris Watts na hindi naipalabas sa Netflix dokyu

5 facts tungkol sa kaso ni Chris Watts na hindi naipalabas sa Netflix dokyu

5 facts na hindi naisama sa Netflix documentary patungkol sa ginawang krimen ni Chris Watts sa kaniyang pamilya.

Biglang nag-viral noong mga nakaraang araw ang nakakapanlumong sinapit ng ni Shannan Watts at ng kaniyang dalawang anak na 4-anyos, 3-anyos at kaniyang nasa sinapupunan pa lamang na pangatlong anak sa kamay mismo ng kaniyang asawa at ama ng kaniyang mga anak na si Chris Watts.

Agosto 13, 2018 nang maganap ang karumaldumal na krimen na sinapit nina Shannan Watts at ng kaniyang mga anak. Pinatay ni Chris Watts ang kaniyang buong pamilya. Ang pinakamasakit dito marami ang hindi makapaniwala na kayang gawin ito ng isang ama at asawa sa kaniyang pamilya. Lalo na ang pagpatay niya sa kaniyang mga anak.

Nobyembre nang taon din iyon inamin ni Chris Watts ang kaniyang krimen na nagawa sa kaniyang pamilya. Sa inilabas na dokumentaryo patungkol sa true-life story na ito sa Netflix na “American Murder: The Family Next Door” noong Setyembre 30, 2020. Maraming netizen sa buong mundo ang hindi makapaniwala at nalungkot sa pangyayari. Marami ang nanghinayang sa buhay na nawala.

 

Araw ng krimen

Bandang alas-2:00 ng madaling-araw ng Agosto 13, 2018, ang kaibigan ni Shanann Watts na si Nickole Atkinson ay ihinatid siya sa kanilang bahay sa Colorado matapos ang business trip nilang dalawa. Subalit nang subukang tawagan ni Nickole ang kaibigan makalipas ang ilang oras hindi na nito makontak si Shanann. Hindi rin ito nakasipot sa kaniyang ob-gyn appointment kaya labis na ipinag-alala ito ni Nickole. Kaya naman pinagdesyunan ni Nickole na tawagan ang asawa ni Shanann na si Chris Watts sa kaniyang trabaho, tinawagan din nito ang mga pulis.

Nagsagawa naman agad ng imbestigasyon ang mga pulis sa bahay ng mga Watts. Natuklasan nilang walang nangyaring foul play dahil naroroon pa rin ang sasakyan at personal na gamit ni Shanann Watts. Kinabukasan, dineklara ng missing si Shanann at ang kaniyang dalawang anak. Kaya naman ang Colorado Bureau of Investigation (CBI) ay naglabas ng Endangered Missing Person alert para sa kanila.

chris watts

5 facts Chris Watts documentary na ‘di naipakita sa Netflix

  1. Nabaon sila sa utang noong 2015

Hindi ipinakita sa dokumentaryo ng Netflix na ilang taon bago maganap ang krimen ay nabaon ang pamilya Watts sa utang. Nag-file pa nga ang pamilya ng bankruptcy, ayon sa dokumento mula sa korte. Nang panahon na iyon si Chris Watts ang pangunahing kumikita sa kanilang mag-asawa.

chris watts

Image from Unsplash

Nahaharap ang pamilya sa credit card debt, student loan repayment obligation at medical bills. Si Shanann Watts naman ay nakahanap ng magandang trabaho at malaki ang kita upang makapag-provide sa kanilang pamilya. Habang si Chris Watts naman ay naiwan sa bahay upang alagaan ang kanilang mga anak.

  1. Ang polygraph test kay Chris Watts na umabot sa 5 oras.

Hindi nasabi sa Netflix documentary ang mga detalye sa isinagawang polygraph kay Chris. Ayon iba pang ulat umabot ito ng limang oras.

  1. Score ni Chris sa polygraph test.

Dagdag pa rito naka-score si Chris Watts ng -18 sa lie detector exam. Na ang bench mark lamang para maging suspicion of guilt ay -4. Labis-labis ang sobra nito, at sumasagot pa siya ng pa-past tense kapag tinatanong tungkol sa kaniyang mga anak.

  1. Pagkakaroon ng kabit ni Chris bago pa lamang maganap ang krimen.

Bago pa man maganap ang krimen sinasabing may mga affair na si Chris Watts sa ibang babae. Bukod pa ito sa ipinakitang kabit niya na si Nichol Kessinger.

Matatandang si Nichol Kessinger ay nag-confess din sa mga pulis patungkol sa kanilang relasyon. Sinabi ni Kessinger na nagsisinungaling umano si Chris Watts sa kaniya at hindi niya alam na kasal ito. Nalaman niya lamang na may pamilya ito dahil napanood niya ang patungkol sa pagkawala ni Shanann Watts at kanilang mga anak.

  1. Pagpilit niya kay Shanann na ipalaglag ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Sa isang librong nailathala patungkol sa krimen na isinend ni Chris Watts kay Cherlyn Cadle isang awtor. Kung saan binigay niya ang eksaktong outline ng kaniyang krimen.

Nakalagay sa mga sulat na sinubukan ni Chris Watts at pinilit nito si Shanann na hindi na ituloy ang kaniyang pagbubuntis. Palihim na binibigyan ni Chris Watts ang kaniyang asawa na si Shanann ng mga tablet upang malaglag ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Wala talagang makakasikmura sa naganap na krimen kina Shanann Watts at sa dalawang anak na babae at sa hindi pa niya naisisilang na sanggol. Sa kasalukuyan, nasa kulungan na si Chris Watts at pinagbabayaran ang kaniyang nagawang krimen.

 

Source:

goodhousekeeping, independent

 

BASAHIN:

A father details how he killed his two children, pregnant wife

Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner