Heto ang ilan sa mga DIY christening giveaways na pwede mong subukan gawin para makatipid at higit sa lahat, maging unique ang giveaway ni baby sa kanyang binyag!
Isa ang binyag sa mga espesyal na tradisyon ng mga Pilipino. Dahil dito, ang mga magulang ay talagang pinaghahandaan ito ilang buwan bago ang nasabing selebrasyon. Hindi maiiwasan na ang paghahanda para dito ay maging stressful para sa ilan at kasama na rin dyan ang minsang pagkukulang ng budget lalo na kung marami ang inimbita. Kaya naman para makabawas sa iisipin, narito ang ilang DIY christening giveaways na talagang makakatulong sa’yo!
DIY Christening Giveaways
1.Towel Cupcake
Mga kailangan:
- Cupcake wrapper
- Squared towels
- Gunting
- Giveaways Plastic Bag ( 7″x9″)
- Ribbon
- Toothpick
- Small ‘Thank You’ card
- Glue stick
- Sinulid at karayom
- Adhesive tape
- Pearl beads
Step 1: Gumawa ng hugis triangle sa panyo at itupi ito.
Step 2: Tupiin ang pinakadulo ng panyo. I-roll ito hanggang sa tuktok. Lagyan din ito ng adhesive tape upang hindi maghiwalay at manatiling naka-roll.
Step 3: Pagkatapos maidikit ang panyo, magiging pahaba ang itsura nito. Saka mo naman ito uulitin i-roll sa pinakadulo.
Step 4: Kapag tapos mo na i-roll, magiging hugis cupcake ito. Tahiin naman ang dulo nito para hindi maalis sa pagkakatupi. Siguraduhin ding matibay ito.
Step 5: Pagkatapos tahiin, ilagay ito sa cupcake holder. Siguraduhing lagyan ang ilalim ng towel ng adhesive tape at maidikit ito nang maayos sa cupcaker holder.
Step 6: Kuhanin naman ang clear plastic bag at ilagay ang ginawang towel cupcake sa loob. Lagyan din ito ng ribbon at beads bilang finishing touches.
Panoorin ang buong tutorial dito:
2. Princess Gift
Mga kailangan:
- Glue stick
- Cutter
- Gunting
- Fancy crown
- Glass bottle
- Rubber band
- Flower lace
- Plastic string
Step 1: Kuhanin ang mga maliliit na bote. Lagyan ito ng laman sa loob. Pwedeng candies, gummy bears, chocolates o kung ano man ang nais niyong ilagay.
Step 2: Kuhanin ang flower lace at idikit ito gamit ang glue gun sa paligid ng maliit na bote.
Step 3: Ilagay sa ibabaw ng bote ang fake crown. Idikit ito gamit ang glue stick at siguraduhing hindi matatanggal.
Panoorin ang buong tutorial dito:
3. Baby in a basket
Mga kailangan:
- Mini basket
- Colored Ribbon
- Glue stick
- Glue gun
- Baby figurine
Step 1: Gamit ang dalwang kulay ng ribbon, gumupit ng maliliit nito at ihulma katulad ng nasa picture sa ibaba. Idikit din ito sa isang mahabang ribbon.
Step 2: Kapag nagupit na ang maliliit na ribbon, idikit ito sa loob ng basket. Balutan na rin ng ribbon ang mismong hawakan nito. Maaari mo ring lagyan ng lace ang iba pang parte nito upang maging mas maganda ang design.
Step 3: Pagkatapos lagyan ng iba pang mga palamuti, idikit na sa loob ng basket ang baby figurine. Idikit ito ng mabuti para hindi matanggal sa loob. Lagyan na rin ito ng plastic.
Panoorin ang buong tutorial dito:
4. Towel Lollipop
Mga kailangan:
- Clear plastic cellophane
- Popsicle stick
- Karayom at sinulid
- Pearl beads
- Glue stick
- Adhesive Tape
- Ribbon
- Gunting
- Square towel
Step 1: Itupi ang panyo na pa-hugis triangle.
Step 2: Lagyan ng adhesive tape ang loob nito upang manatiling pahaba.
Step 3: Gamit ang ribbon, talian ang magkabilang dulo ng panyo. Siguraduhing ito ay nakadikit nang maayos.
Step 4: Ipa-ikot sa towel ang ribbon. Idikit ang pinakadulo ng ribbon sa dulo ng towel.
Step 5: I-roll ang towel hanggang sa magmukha na itong candy. Pagkatapos, tahiin naman ito upang hindi kumalas ang pagkakalagay.
Step 6: Lagyan ng adhesive tape sa likod at i-dikit ang popsicle stick.
Step 7: Balutan ng plastic at lagyan pa ng ibang palamuti.
Panoorin ang buong tutorial dito:
Tandaan: Hindi kailangang gumastos ng malaki para sa souvenirs ni baby. Maging praktikal at creative lang, mommies at daddies!
BASAHIN: #TipidTips: Paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby , LOOK: Mommy, ginawan ng DIY dollhouse ang kaniyang anak gamit ang mga lumang gamit at laruan Buwan ng Wika costume: DIY at shops kung saan puwede bilihin