Mommy netizen sa natanggap ng Christmas party exchange gift ng anak: “Wag ninyo naman sirain ang moment ng bata! Effort effort din!”

Ina sinabing ang natanggap ng anak niya ay mula pa sa ayuda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang ina naglabas ng inis sa Christmas party exchange gift na natanggap ng kaniyang anak. May mensahe sa kapwa niya mga magulang.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Inang naglabas ng inis sa Christmas party exchange gift na natanggap ng anak niya.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Inang naglabas ng inis sa Christmas party exchange gift na natanggap ng anak niya

Larawan mula sa Shutterstock

Sa isang Facebook page ay hindi napigilan ng isang mommy netizen na ibahagi ang inis niya sa natanggap na regalo ng kaniyang anak sa kanilang Christmas party. Dahil ang kuwento ng mommy netizen, nasira daw ang masayang moment sana ng anak sa Christmas party ng dahil sa regalong natanggap nito.

“Palabas ng inis para sa anak ko. Christmas party nila kanina. Worth 150 ang exchange gift nila. Ang gift na natanggap ng anak ko 5 pancit canton, 1 pack skyflakes, 2 tang.”

Ito ang bahagi ng post ng netizen.

Sabi pa niya, unfair ito para sa anak.Lalo pa’t siya kahit sa maliit na halaga ay gumawa ng paraan para makahanap ng laruan at damit para lang mapasaya ang makakatanggap ng exchange gift ng anak niya. Pero ang nakakalungkot, ang anak niya tila mula sa ayuda pa daw ang nakuha.

“Di naman sa ungrateful ako mga mi pero pagbukas ng anak ko sa gift nakita ko agad na nadisappoint sya. Feeling ko galing sa ayuda yung bigay sa amin e, binalot lang.”

Ito ang sabi pa ng netizen na may pakiusap sa mga magulang na tulad niya. Lalo na sa tuwing may dadaluhang Christmas party ang anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa mga parents wag po tayong tamad! Napakaselfish niyo naman na di niyo inisip feelings ng mga bata. D porke 150 pesos lang wala ka ng mabibili na maayos. Ako may nabili ako at tuwang-tuwa pinagbigyan ng anak ko. Wag niyo naman sirain ang moment ng mga bata! Effort effort din.”

Ito ang sabi pa ng mommy netizen.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Ang ibang mga mommy netizens, iba-iba ang naging reaksyon tungkol sa post na ito. Ito ang ilan sa sabi nila.

“To mommy sender, it just sad na di muna tayo ngrealization before reacting.. Malay mo, the other side of the story is struggling yung parents nung ngbigay and they dont want na walang matanggap yung anak mo kaya pinilit nilang magbigay sa abot ng makakaya nila…”

Malungkot makita ung anak mong malungkot or dissappointed sa nakuha, pero we should teach them to appreciate things kahit na, di un ung expected gifts.. we have to teach them to be positive and see the brighter side as much as possible.. we have to help them understand ung possible reasons kung bkit ganun ntanggap nila..”

Ito ang sabi ng isang mommy netizen na sinuportahan naman ng isa pang mommy netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

“Turuan natin maging grateful ang mga anak natin para hindi sila nadidisappoint kapag di nila nakukuha gusto nila. 😊

Hindi ba’t mas okay makakita ng batang masaya sa kahit anong nakuha? Some parents are struggling already and they’re hanging tight para lang mapafeel ang Christmas sa mga anak nila, wag natin sila i-downplay. Hindi porke’t kaya mo ay kaya na ng ibang tao gawin yung tulad ng sayo. 😊

There are better ways to handle this, bilhan ang anak kung kaya natin o i-explain na yung nakuha nya ay mapapakinabangan naman.”

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement