Chyna Ortaleza may paalala sa mga kababaihan matapos matukoy na may abnormal lump o bukol sa kaniyang right breast.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paalala ni Chyna Ortaleza sa mga kababaihan tungkol sa breast cancer
- Mga mahalagang malaman ng mga kababaihan tungkol sa breast cancer
Chyna Ortaleza may paalala sa mga kababaihan matapos matukoy na may nodules o abnormal na bukol sa kaniyang suso
Maliban sa pagiging magaling na aktres, kilala si Chyna Ortaleza sa kaniyang matapang na pagbabahagi tungkol sa kaniyang kalusugan. Si Chyna nito lang nakaraang taon ay ibinahagi ang mabilis at patuloy niyang pagbabawas ng timbang na hindi niya maintindihan.
Siya ay agad na sumailalim sa colonoscopy. Ito ay isang procedure upang matukoy kung may colon cancer ang isang tao. Sa awa ng Diyos walang natuklasang nakakabahala sa kalusugan ni Chyna. Bagamat ayon sa doktor ay may mga pagkain talagang sensitive ang kaniyang tiyan.
Sa kaniyang Instagram account ay may bagong challenge sa kaniyang kalusugan na ibinahagi si Chyna. Pero hindi para manakot at mag-cause ng pag-alala sa mga followers niya. Ang aktres nagbigay ng napakahalagang paalala sa mga kababaihan patungkol sa sakit na breast cancer.
Bungad ng aktres sa kaniyang Instagram account naging malaking blessing ang hindi sinasadyang pagtama ng siko ng anak niya sa kaniyang kanang suso. Doon siya ay nakaramdam ng matinding sakit na ayon sa kaniya ay isang linggo narin niyang nararanasan. Agad siyang nagpunta sa doktor at natukoy na may nodules o abnormal tissue growth sa kaniyang right breast. Pero ang good news hindi daw ito cancerous.
“After a week of breathtaking contractions to my right breast, I have decided to ask my OB Doc Sally to allow me to do a breast ultrasound.”
“The pain is due to trauma but guess what.. we found breast nodules. Again nodules aren’t painful. That’s the reason why they can suddenly grow without us noticing. I was advised to observe & do a repeat in 6 months. Apparently some nodules come & go, women get it.. It’s fine. There is no cancer.”
Pero si Chyna hindi tumigil at piniling makasigurado. Lalo pa’t ang pamilya daw nila ay may history ng breast cancer. Agad siyang sumailalim sa mammogram para mas malaman kung ano ba talaga ang status ng kaniyang breast health.
“BUT due to the blessing of having women in my family fight breast cancer, I am taking a proactive approach.”
“Being told that these are most likely benign should not stop you from learning about what might happen or develop in the months or years to come.”
Kasama ang kaniyang ina ay nagpa-schedule ng mammogram appointment si Chyna. Doon nga niya na-confirm na cleared siya sa cancer. Plus naturuan pa siya ng tamang paraan at mahahalagang impormasyon kung paano ma-eksamin ang kaniyang suso. At kung paano maiwasang mauwi ang bukol na natuklasan dito sa cancer.
Dahil sa karanasan may paalala si Chyna sa mga kababaihan.
“Good news! Both Mama and I are in the clear. I was also taught how to properly examine my breasts and was reminded to stay away from food that won’t help me and to manage my stress.”
“Remember to prioritize yourself & don’t wait until you are already feeling ill before you evaluate your body. Prevention & Early Detection is key.”
Dagdag pa niya fake news ang sinasabing masakit ang mammogram procedure at ina-advise niyang sumailalim rito ang mga babaeng 35 years old up lalo na ang mayroong breast cancer history sa kanilang pamilya.
“P.S. The Mammogram did not hurt at all contrary to what I’ve heard. The machine is top notch! More of a firm steady hug than a painful tear jerking squeeze.”
“If you are 35 and have a history of cancer in the family schedule an appointment & empower yourself!”
Ito ang sabi pa ni Chyna.
Mga mahalagang malaman ng mga kababaihan tungkol sa breast cancer
Ang nodules ay ang medical term sa abnormal tissue growth sa ilalim ng balat. Sa madaling salita ito ay bukol o lump na isa sa mga palatandaan ng breast cancer kung natukoy sa suso. Pero hindi lahat ng bukol sa suso ay breast cancer na agad ang may gawa. Mahalaga na bawat kababaihan ay malaman ang sintomas ng breast cancer upang ito ay agad na maagapan.
Ayon sa Mayo Clinic, ito ang ilang sintomas ng breast cancer na dapat bantayan.
- Bukol o pangangapal sa suso na kakaiba.
- Pagbabago sa laki, hugis o itsura ng suso.
- Pagkakaroon ng parang dimples o paglubog ng balat sa suso.
- Pagiging inverted ng nipple na biglaan o hindi naman normal.
- Pagbabalat sa nipple o sa mismong balat ng suso.
- Pagmumula o pagbabago sa balat ng suso.
Ang mga ito ay paunang palatandaan ng sakit na breast cancer. Sa oras na makaranas ng mga nabanggit na sintomas mabuting agad na magpatingin sa doktor. Ito ay upang agad na malaman ang dahilan nito at maagapan.