Chynna Ortaleza, ibinahagi sa mga netizen ang istorya sa likod ng kanilang engagement ng asawang si Kean Cipriano.
Mababasa sa artikulong ito:
- Chynna Ortaleza at Kean Cipriano engagement
- 6 tips na maaaring gawin para sa iyong marriage proposal
Chynna Ortaleza at Kean Cipriano engagement
Isa sa mga hindi malilimutang kasal ng mga celebrity couple sa bansa ay ang black-themed wedding nina Chynna at Kean. Matatandaang ito ay naganap noon Disyembre taong 2015. Wala pang isang taon ang nakakalipas ay nabiyayaan na sila ng isang anak.
Sa kasalukuyan, dalawa na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan — sina Stella at Salem. Samantala, umani naman ng libo-libong reaction at comment mula sa mga netizen ang Instagram post ng aktres na si Chynna nito lamang nakaraan.
Ibinahagi ni Chynna ang maikling istory sa likod ng kanilang engagement ng singer na si Kean, limang taon na ang nakalilipas matapos makita ang lumang selfie nilang dalawa.
Ayon sa aktres, nakita na naman nito ang litrato kuha matapos ang “mas formal” na marriage proposal sa kaniya ng asawa.
Kuha ito matapos ‘di umano nilang magtatakbo habang tumatawa at umiiyak dahil “mixed emotion” ang kanilang nararamdaman noong mga oras na iyon.
“Armed na siya ng singsing na pinili ko at napagkasunduan namin.” pagbabahagi ni Chynna.
Marahil maraming netizen ang nagulat nang unang mabasa ang pahayag ng aktres na siya ang pumili para sa kaniyang engagement ring. Ito ay dahil ang pagaayang magpakasal ay karaniwang ginagawang sorpresa para sa kanilang partner.
Ngunit kakaiba ang nangyari sa celebrity couple na sina Kean at Chynna. Dagdag pa ng aktres,
“Yes.. Guys.. Pati detalye ng singsing at investment na ilalagay namin sa ring ay pinagusapan na namin dahil sadyang wise lang po talaga kaming mga bata.”
Hindi pa man nagaganap ang kanilang pagiisang dibdib noong panahong iyo’y makikita na pagkakaroon nila ng maayos ng komunikasyon sa pag-handle ng kanilang finances.
Bago pa lamang sila maging official na Mr. and Mrs. Cipriano, napaguusapan na nila ang wastong paggamit sa pera bilang mag-partner. Ang pagkakasundo sa ganitong klaseng bagay ay itinuturing ng marami bilang sensyales ng maayos o healthy na relasyon.
Bukod pa rito, ibinahagi ng aktres na hindi ito ang unang beses na nag-propose ng kasal si Kean sa kaniya. Ayon sa kaniya noong unang pagkakataon,
“Initially there was no ring when he asked me to be his wife and I was so happy because he was so sincere.”
Hindi katulad ng sa karamihan, ‘di singsing kundi sinseridad ang nakita ni Chynna sa nobyo na ngayo’y asawa na niya noong ayain siya nitong magpakasal.
Sa unang pagkakataon na ito, magandang alaala lamang ang baon nila. Wala ‘di umanong litrato o dokumento, subalit madalinaw na malinaw sa isip ng dalawa ang nangyari noong araw na iyon.
“It is truly one of the most beautiful memories that only he and I share.” pagsasalaysay pa ni Chynna.
Ito ay isang pangyayari na walang iba makakaalala at magkakaintindihan kundi sila lamang na dalawang mag-asawa.
Samantala, tinapos naman niya ang caption ng kaniyang Instagram post ng may sweet na mensahe para sa asawa.
“Treasure the love that God has bestowed upon your hearts and learn to see its many languages & faces.
Mahal kita! @kean Salamat sa pagluluto ngayong umaga.”
Hindi pinalampas ito ni Kean, sa comment setion ay makikita ang kaniyang casual ngunit sweet na sagot.
“I love you so much. tara kain na tayo.”
BASAHIN:
Dingdong Dantes sa pag-manage ng pera nila ni Marian: “Ibigay lahat sa asawa!”
Iya Villania to Drew Arellano on 18th anniversary: “What a life I have with you, Love.”
Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed.”
6 tips na maaaring gawin para sa iyong marriage proposal
1. Siguraduhin na kayo ay nasa parehong pahina
Mahalaga na siguraduhing pareho kayong naglo-look forward sa pagpapakasal. Maaari mo itong simulan sa pagbubukas ng usapin ukol sa inyong hinaharap nang magkasama.
Hayaan mong malaman niya na ikaw ay may planong ikasal sa kaniya. Mula rito, maaari mo siyang tanungin kung nakikita rin ba niya ang kaniyang sarili na magpapasal sa’yo sa hinaharap.
2. Magpaalam at hingin ang basbas ng magulang
Makaluma man pero para sa maraming pamilya lalo’t higit sa Pilipinas, mahalaga na humingi muna ng pahintulot mula sa magulang.
Para sa nakakarami, ito ay tanda ng respeto sa pamilya ng iyong partner.
3. Bumili ng singsing
Hindi mahalaga ang presyo ng alahas o ng isang bagay, mas importante pa rin ang sinseridad. Subalit ang singsing ay simbolo ng devotion at commitment sa iyong partner.
4. Maging personal
Ngayong ikaw ay may singsing na, ito na ang oras upang pag-isipan kung anong klaseng proposal ang nais mong ibigay sa iyong partner.
Siguraduhing alam mo kung ano ang eksaktong gusto nito. Maaaring simple o magarbo, maaari rin sorpresa kasama ang pamilya, kaibigan, at iba pang malalapit sa inyo. Ito ay nakadepende kung ano sa tingin mo ang maguguntuhan niya.
5. Planuhin ang celebration
Hindi kailangang magarbo, ngunit importante na may ideya ka kung paano ninyo maise-celebrate ang inyong engagement nang masaya at magkasama.
6. Huwag magmadali
Huwag mong madaliin ang iyong marriage proposal. Maghintay ng tamang pagkakataon upang mag-propose.
Kung ikaw ay handa ng tanungin ang iyong partner, huminga ng malalim at saka mo sabihin speech na iyong inihanda. Tandaan na ang iyong speech ay kailangang mahaba, importante lamang na ikaw ay totoo sa iyong nararamdaman.
Maaari mo ring bigyan ng pagkakataon ang iyong partner na i-process ang mga bagay bagay. Hayaan mo siyang mag-isip, umiyak, o yumakap.
Kapag siya ay composed at handa na, maaari mo nang isuot ang engagement ring na itinabi mo para sa kaniya.