#WalangPasok: Class Suspension dahil sa Banta ng Coronavirus, Jan 27

Mga ilang paaralan sa Maynila nagtaas ng Class Suspension ngayong January 27, 2020 dahil sa banta ng nakamamatay na coronavirus

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

#WalangPasok | Class Suspension Jan 27, Lunes

 

Sinuspinde ang pasok sa ilang paaralan sa Maynila ngayong January 27, 2020, Lunes. Ito ay dahil sa banta ng nakamamatay na virus galing sa China, ang Coronavirus.

 

Kahit na wala pang kumpirmadong kaso ng Coronavirus dito sa bansa, ang ilang mga paaralan ay nagkansela pa rin ng pasok dahil dito. Ayon kay Health Secretary Fransisco Duque III, walang koneksyon ang DOH sa desisyong ito.

“I don’t what to say it’s a bad idea. They’re doing it, they have to have some reason, which up to this point, I’m not aware of these reasons, but I’m willing to listen,” dagdag into.  

Photo from Unsplash

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga schools na nagkansela ng pasok:

  • Chiang Kai Shek College

www.facebook.com/officialcksc/posts/2728307820571984

  • Pace Academy

www.facebook.com/PaceAcademyPH/posts/10156614686605653

  • Philippine Academy of Sakya

www.facebook.com/Philippineacademyofsakya/posts/10157847775369471

  • Philippine Cultural College-Annex

www.facebook.com/pccnow/posts/1026147124425415

  • Saint Jude Catholic School

www.facebook.com/saintjudecatholicschool/posts/10156676881931541

  • St. Stephen’s High School

www.facebook.com/sshsofficial/posts/3683670105008857

  • Tiong Se Academy

  • Hope Christian High School

www.facebook.com/Hope.Christian.High.School/posts/2615568905159483:0

  • Uno High School

www.facebook.com/unohighschool/posts/10162851054220430

 

Coronavirus

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo from Unsplash

 

Dahil na rin sa mga mga pamilyang galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng Coronavirus (China, Macau, HK, Taiwan, Malaysia, Singapore, Vietnam, Thailand, USA, Australia, France, Nepal, Japan, South Korea, Canada) at sa mga lugar dito sa Pilipinas na mayroong turista galing Wuhan (Boracay, Cebu), nagdesisyon ang mga paaralan na ito na kanselahin ang mga klase. Magsasagawa umano muna sila ng dalawang linggong  self-quarantine pagkatapos nilang makabalik ng Pilipinas. Ayon naman sa kanila, wala itong magiging epekto sa kanilang mga grado.

Pinabulaanan naman ng Manila City’s health officials ang balitang may isang Chinese national ang kumpirmadong may coronavirus sa Metropolitan Hospital sa Binondo. Ang 27-year old na pasyente ay kumpirmadong may lagnat at ubo lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unang nadiskubre ang Coronavirus sa bayan ng Wuhan sa China. Tinatayang nasa 2,700 katao ang infected at 80 naman sa mga ito ang namatay. Ayon sa World Health Organization, ang karaniwang sintomas nito ay lagnat, ubo, runny nose, masakit na lalamunan, mabagal at mahirap na paghinga. Sa ilang mga kaso nito, maaring makaranas ang pasyente ng severe acute respiratory infection, kidney failure, pneumonia at maaaring kamatayan.

Ayon din sa Health Minister ng China na is Ma Xiaowei, ang new coronavirus ay maaaring makahawa bago mo madiskubre ang mga sintomas nito.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus na ito sa Asya at Estados Unidos, pinayuhan ng DOH ang lahat ng turistang pumunta sa Wuhan, China na kumonsulta agad sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas na nabanggit.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo from Unsplash

 

Dagdag impormasyon naman, ayon sa executive director ng WHO, wala pang natutukoy na lunas sa nakamamatay na coronavirus.

“There have been a number of compounds that have been used in the fight against coronavirus, but it is very important to recognize that there is no recognized effective therapeutic against coronaviruses. However, there are potential clinical trials that can be done with agents and that is what we are focused on right now — identifying other therapeutic agents and opportunities to test new drugs.”

-Michael Ryan, Executive Director

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: ABS-CBN , CNN Philippines

Basahin:  Coronavirus: Sakit mula China maaaring kumalat worldwide ayon sa WHO , Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH, Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan

Sinulat ni

Mach Marciano